Monday, October 1, 2012
Tuesday, July 24, 2012
Anyare?!
Mga mahahalagang kaganapan, kuro-kuro, pagbibigay-alam at syempre pa pakikialam.
- SONA 2012 by PNoy
- Recorded 120 claps in an 8000-word speech. Kung ang bawat palakpak ay may bayad, sigurdong lahat ng tao ay papalakpak para sa mahal na pangulo.
- Enterovirus 71
- Isang virus attack made in Cambodia. Kailangan po nating mag-ingat. Wala pang gamot para dito. Read related post : http://www.healthier.qld.gov.au/conditions-treatments/enterovirus-71
- Bagyong Ferdie
- Lubog na naman sa baha ang kalakhang maynila pero blessing in disguise kung ituring ng mga estudyanteng walang pasok sa school. Paalala sa mga magsi-swimming sa baha, iwasang mag-dive sa mababaw na parte ng baha at tandaan kung saan naka-pwesto ang mga open manhole. Mapeligro ang panahong ito para sa mga taong may bukas na sugat.
- Gwyneth Paltrow uses Datu Puti toyomansi
- Isang milestone sa career ng isang local brand ng suka.
- Jassica Sanchez having boyfriend
- Mariah Carey to judge next idol season, confirmed. Single pa rin ako, afraid.
- Showbiz Central farewell episode
- Creates new show of the same host, of the same crew, on the same channel, on the same time slot. Brand new show po talaga ang ipapalit.
- The Dark Night Rises premieres
- Batman movie latest installment. Kung sinong may gustong magbasa ng movie review about this I am willing to do the writing, pakibigyan lang ako ng movie pass para masimulan ko na. Thank you in advance.
- My friend buys Nikon DSLR Semi-Pro digital camera
- Shit, nakaka-inggit.
- And soon...
Survivor Season 25 held in Caramoan Island, Philippines
Monday, July 16, 2012
Saturday, July 14, 2012
The Amazing Spiderman: Review
Mula ng lumabas ang trailer ng The Amazing Spiderman, noon ko lang naramdaman ang kasabihang makati pa sa dahon ng ginataang gabi. Sobrang excited akong mapanood ang buong pelikula like I can't hardly wait. Hobby ko kasi ang manood ng movie pero ang mga high-tech, state-of-the-art, visually stimulating kind of movie ang paborito kong genre. 'Yung tipong kahit hindi mo masyadong naiintindihan ang plot at setting pero sa tindi pa lang ng mga stunts at special effects solb ka na. 'Yun bang kulang na lang eh gumamit ako ng hearing aid para lang maintindihan ko ang dialogue ng mga autobots at decepticons pero favorite movie ko pa rin siya of all time.
Since pinapanood ko silang lahat, I can't help but compare the recent spiderman movie with its previous version. I'm not a movie critic but I'm a movie buff and so I think it is rightfully imperative for me to feature my whims from what I thought of the movie at isa pa, blogger din ako hehe. So much to my surprise, napalitan ng bagot ang kating naramdaman ko. I felt really bad, bumaba ang intensity level ko.
I know I can't make a decent movie review as much as I'm not in any way close to being an absolute blogger. Nagkataon lang na may talent ako sa pagbibigay ng puna being a self-confessed pintasero. Hindi ko alam ang original na kwento ni spiderman base sa komiks kaya ang review na ito ay galing lang sa kung ano ang palagay ko sa mga napanood ko. Two sides of the story, yan ang peg ko dito:
Sa side ni Andrew:
- Mabagal ang progress ng istorya. I felt almost sleeping. Naalala ko lang na spiderman movie pala ang pinapanood ko. Ang build-up, not so impressive. The challenge of diversing a predictable story did not even come close to outmode the old one. 0 point.
- Iniba ang ilang characters tulad ng love interest ni Peter na si Gwen Stacy na ang tatay ay ang chief of police na gustong ikulong si spidey. I have no objection about Ema's character for she had Peter first than MJ though the conflict between her father and spidey turned out much more compelling. 1 point.
- When Peter finally got his super spider abilities, he didn't change much. There was no way of telling that he gained something powerful at least for the matter of persuasion. It is after all a movie, right? A spider who can't produce his own web, definitely a flop for me. 0 point.
- Isang superhero na makati pa sa dahon ng gabi kung magtanggal ng maskara at ibunyag ang totoo niyang pagkatao. Hindi ako kumbinsido sa ideyang ito. 0 point.
- Wala masyadong fight scenes dahil pakiramdam ko tamad maghasik ng lagim ang kontrabidang butike.Wala masyadong bago in terms of the stunts maliban sa mas risky na shots tuwing naglalambitin si spiderman. Sa tulong ng 3D technology, mas na-enhance ang cinematic effect at pagkahilo ng audience. 1 point.
Sa side ni Tobey:
- Tatlong installment na ang dating Spiderman pero ang paborito ko ay yung una. Maganda ang pagkaka-deliver ng character ni Peter na isang humble na tao, masikap sa buhay, matalinong estudyante, at may passion para sa babae. Sa lahat ng yun naka-relate talaga ako hehe. 1 point.
- Uncle Ben, Aunt May, Mary Jane, Harry and Norman Osborn and JJ Jameson (publisher ng Daily Bugle kung saan ay part-time photographer si Peter) was a perfect blend. Samahan mo pa ng linyang 'with great power comes great responsibility' - all time classic! 1 point.
- Hindi nauubos at lalong hindi nasisira ang spiderweb powers ni spiderman. 1 point.
- Hindi nagtatanggal ng maskara si Tobey maliban lang sa isang eksena at sinong makakalimot sa eksena ng halikan on a 69 position? I lavet! 1 point.
- Action-packed. Ang conflict ay hindi lang nag-evolve between the superhero spider and his nemeses but crept around the entire story and all the characters. 1 point.
Walang bahid ng malisya at walang kinikilingan. Iyan po ang hatid kong movie review. Nagpapasalamat po ako sa sponsor ng aking panonood at hindi ako nanghinayang sa binayad na tiket para sa akin. Sa uulitin, Byes!
Tuesday, July 10, 2012
Monday, July 9, 2012
The Flash
There is no substitute for victory. Indeed. Marami ang nanghinayang sa pagkatalo ni ninong Manny pero hindi naman tayo binigo ni The Filipino Flash Nonito Donaire. Unanimous decision, not bad. Hindi na ako bitter. Masarap pakinggan ang sound of victory kaya lang iba-iba ang bigkas nila sa apelyido niya. May /do-neir/, /don-ay-re/, /don-ney-re/, kaya parang hindi rin sweet kundi parang pangmayaman lang. Anak ako ni Don Ayre, parang tagapagmana lang.
Hindi ako masyadong ginanahan sa laban pagkatapos ng 4th round kung saan bumagsak ang kalaban niyang southern african. Mahirap akong i-please I'm sorry. Likewise, I feel sorry for his opponent. Napuruhan na siya at takot ng mapuruhan pang lalo. I feel the pain. I know kuya, mahirap talagang kumita ng pera.
I thought Nonito is a good fighter and I didn't compare him to pacman. He has his own way and it is working very well. He also have his own beautiful wife and fortunately for him he doesn't have a demented mom. I browsed the web and looked for his previous bouts and found this video. Enjoys!
si kuya super nose bleed lol!
Monday, June 25, 2012
Meet Irish
If I'm going to sell her records, this will be my playlist:
1. Through the Fire
2. Bubbly
3. Love Story
4. Im Not a Girl, Not Yet a Woman
5. I Wanna Be With You
6. Kiss Me
7. Like a Virgin
8. Batibot
9. Bawal na Gamot
...with carrier single 'Natural Woman'.
Sunday, June 24, 2012
Drive Crazy
I have loads of talent and only God knows how good I am. I can sing a rock song well, I can create some pieces of art, I'm a good speaker (sound system ba ito?), and obviously I can write, ehem, huwag ng kumontra. Bukod sa mga God given talents ko, bilang isang simple at ordinaryong nilalang marami pa akong gustong ma-achieve sa buhay. I am one ambitious resolute ceaseless amorous prick. In short, hari ng adjective, lol! Ano ba yung gusto ko pang ma-achieve? Simple lang, I wanna learn how to drive. I wanna drive like no one have done it like me. Oh yeah!
A few years ago, I bought a car. A second-hand car but is really in good condition. Ang nakababata kong kapatid ang talagang marunong sa sasakyan at iyon ang sabi niya. Hindi dahil sa ano pa mang kaartehan na na-achieve ko sa paninirahan sa labas ng bansa kung bakit ako bumili ng sasakyan. Nanibago ako sa environment sa pinas. Malaking pagkakaiba ng pinas sa lugar na aking pinagtatrabahuhan sa loob ng maraming taon. Mula sa weather condition, sa mga daan, sa security sa mga kalsada at maging sa pollution. Malaki, as in malaki talaga. Mababa ang antas ng air pollution sa first world country. Naisipan kong bumuli ng sasakyan para maging komportable ang aking bakasyon for one month. Inuulit ko, hindi ako umaarte, nag-iingat lang. Gusto kong sulitin ang konting oras na ito, healthy and safe.
To make a story short, malayo ang narating ko sa bakasyon ko. Masaya kong kasama ang pamilya ko kung saan-saan. Nabili ang mga gusto at napuno ng kung anu-ano ang compartment ng sasakyan ko. Mahal man ang gasolina na maya't-maya ay tumataas ang presyo, mga parking fee na bagong raket sa mga sikat na shopping malls, at ang toll fee na lalong hindi ko alam kung bakit ganoon kamahal wala naman masyadong improvement sa services, ay hindi na ako nagreklamo pa basta magawa ko na ang gusto ko. I want to break free and I don't wanna miss ateng!
Ang isang buwan ay may 30 days at ang isang araw ay may 24 hours. Kung susumahin ko meron akong 720 hours to spend sa pinas. Kahit pa i-multiply ko ito sa edad ng aso or i-convert ko into lightyears para mas tumagal, kulang pa rin ito sa dami ng hinanda ng mga fans ko para sa special homecoming kong ito. So ang pangarap kong pagmamaneho, nawaglit in an instant. Ang ambisyon kong mag-aral ng driving never ko man lang nasubukan. Oh, for gadseyk. I really hate a hectic schedule.
Drama ko lang yun. Ang totoo, natatakot lang talaga ako, hehe. Naisip ko kasi, tuwing naglalaro nga ako ng kahit na anong car racing video games hindi ko ma-master ang pagkaliwa at pagkanan, paano pa kaya sa real life. When I play golf nga in the golf course hindi ko ma-perfect ang parking ng golf cart na gamit ko yung tunay na kotse pa kaya. Yaiks! Nakakahiya talaga and I hate myself. On that note, I wanna thank my younger brother for driving me around. You're such a blessing.
Ang isang buwan ay may 30 days at ang isang araw ay may 24 hours. Kung susumahin ko meron akong 720 hours to spend sa pinas. Kahit pa i-multiply ko ito sa edad ng aso or i-convert ko into lightyears para mas tumagal, kulang pa rin ito sa dami ng hinanda ng mga fans ko para sa special homecoming kong ito. So ang pangarap kong pagmamaneho, nawaglit in an instant. Ang ambisyon kong mag-aral ng driving never ko man lang nasubukan. Oh, for gadseyk. I really hate a hectic schedule.
Drama ko lang yun. Ang totoo, natatakot lang talaga ako, hehe. Naisip ko kasi, tuwing naglalaro nga ako ng kahit na anong car racing video games hindi ko ma-master ang pagkaliwa at pagkanan, paano pa kaya sa real life. When I play golf nga in the golf course hindi ko ma-perfect ang parking ng golf cart na gamit ko yung tunay na kotse pa kaya. Yaiks! Nakakahiya talaga and I hate myself. On that note, I wanna thank my younger brother for driving me around. You're such a blessing.
Sa kabila ng lahat, gusto ko pa rin matutong magmaneho kasi nga achiever ako. Sa ngayon, gusto ko lang malaman kung sakit ba ang driving anxiety at kung ano ang gamot dito kung sakali. Meron bang drivophobia and how do I overcome it? I wanna learn the facts and acquire the skills. I wanna be somebody someday. Ang OA.
Anyway highway, how do you explain this? I wanna sabunot myself looking at this photo. Photo booth ba ito at nag-uunahan ang mga kotseng ito na makunan ng pictures? Haven't heard of impenetrability manong driver? If not, paki-click lang ito and store it in your brainy compartment: http://en.wikipedia.org/wiki/Impenetrability
Anyway highway, how do you explain this? I wanna sabunot myself looking at this photo. Photo booth ba ito at nag-uunahan ang mga kotseng ito na makunan ng pictures? Haven't heard of impenetrability manong driver? If not, paki-click lang ito and store it in your brainy compartment: http://en.wikipedia.org/wiki/Impenetrability
![]() |
Love is a two-way street, but this toll gate is definitely not. |
Saturday, June 23, 2012
Oh my Manny
After eight division world titles, Manny Pacquio was defeated by a boxer in one of the most boring boxing fight I've watched - ever. Hindi sasama ang loob ko kung sakaling matalo si Pacman sa isa sa mga laban niya. Open-minded akong tao, sobra. Hindi lang kasi ako ang nanood ng laban niya kaya siguradong hindi lang ako ang nakaramdam ng pagkadismaya sa resulta. I was surprised like shit. Sumakit ang migraine ko.
If we have to consider the fact that boxing is not just a sport but a game for most who bet a fortune for a bigger fortune, a social gathering, a market for entrepreneurs, a club for whiners, and but most especially a hound for opportunists, I must say nawala ang sama ng loob ko in a matter of minutes. Manny leaves the ring richer than he already is, Mommy Dionisia recovers from a breakdown and I move on with my normal sexy life. Manny acknowledged the tack for a re-match and so as the notion that the fight was just a lead-in for a bigger project has been settled. Masakit ang ulo? Nag-uumenglish?
Kasama sa kontrata ng laban ang re-match kung matatalo si Manny sa yakapan, este, sa boksingan. Maraming haka-haka, opinyon, biruan at kontrahan ang lumabas at kung hindi ka tanga, maiisip mo rin na kailangan talagang matalo ni Manny. Do the math, please.
Moving on, pero marami ang hindi makamove-on. Maraming protesters ang nag-protest, huh? Dahil dito, nagpasya ang WBO na suriin muli ang laban at heto ang kanilang natuklasan:
Official score card: Judge #1. 115-113
Judge #2. 115-113
Judge #3. 113-115
VS.
WBO Review Panel: Judge #1. 118-110
Judge #2. 117-111
Judge #3. 117-111
Judge #4. 116-112
Judge #5. 115-113, all in favor of Manny
And the resolution, WBO has no authority to change the result. Ampotah lang. Nakasaad diumano sa kontrata ng laban ang re-match kung sakaling matalo si Pacman at ayon naman sa WBO, kung walang re-match, they will order one. May choice kuya? Ang sarap i-impeach ng mga judge na 'to.
For whatever consolation there is, hindi nakakatuwang isipin ang konsiderasyon sa muling pag-susuri ng laban. Isa lamang itong patunay sa supresyon na patuloy na dinaranas natin. Manny Pacquiao is big but the country is not. Ayaw kong isipin na ginagamit lang ang idol ko para sa kapakanan ng ibang manloloko. Kung ako ang tatanungin, gusto ko pa rin ng re-match. Gusto kong patunayan muli ni Manny ang husay niya. Na kahit ano pang isipin o gawin ng iba, hindi kayang ikaila ang galing ng tunay na bida. Go, Pacman, Go!
![]() |
Eto, proud talaga ako. |
Friday, June 22, 2012
Do It, Duets!
Here we go again. Another attempt to make it big. Nakaka-umay na kung minsan pero sayang naman kung hindi natin bibigyan ng sense ang kasabihang try and try until you succeed. Forget about Jessica, Cheesa or Manny. Let's bring out another fight. Shall we?
Meet Jason Farol. Filipino-Mexican-American na distant relative daw ni Claire dela Fuente.
Gaya ng dati, sabi nga ni Gary V., damang-dama ulit ang tensyon dahil sa pagiging not so pure blooded american ni kuya. Lagi siyang kulelat sa scoring mula sa panel ng judges for the past four weeks at nakakalusot lang after a head to head battle for non-elimination. Sitting below less competitive contestants, in my opinion - duh!? Bitter lang agad, hehe. Nevertheless, the sun still shines brightly on him as he gets a spot in the final five wherein fans can now vote for their favorite. Screw the judges!, joke lang. Basta 'wag ng kj, lets be proud. Vote in now, go!
http://beta.abc.go.com/shows/duets/about-the-vote
https://www.facebook.com/Duets?ref=ts
Tuesday, June 19, 2012
Philippinology
Sa loob ng isang elevator...
Lalaki One: Pre, marami ba kayo dyan sa flat nyo?
Lalaki Cute: Bakit, naghahanap ba kayo ng room? (at lumabas si lalaking cute sa elevator habang naiwan ang mga taong kumain ng nag-uumapaw niyang confidence.)
Ilang oras din ang lumipas bago ko napagtanto ang mali sa sagot ko. Kaya pala ganun na lang ang tingin sa akin ni kuya, hindi mukhang nabilib kundi parang gusto akong tsinelasin dahil hindi naman niya nakuha ang impormasyong kailangan niya. Shunga lang? Buti na lang naka-bota si kuya.
Bakit nga ba kasi ganun ang naging sagot ko? Hindi ko naman iyon sinasadya at lalong hindi ako bingi. Mataas kaya ang grades ko sa Logic. Example, A man has a bird. True. A bird has a man. False. Batman is a man. True. Robin is a bird. True? Ewan.
Hindi ko talaga iyon sinasadya dahil ganun talaga ang tamang sagot doon. Not logically speaking at least. Paano kung may balak pala siyang nakawan ang flat namin at kailangan niyang malaman kung marami ba siyang mananakaw doon o wala. Safe ako 'di ba? Pero kung tatanungin niya ako ulit ng mas sincere, saka ko lang maiisip ang tamang sagot sa tanong na iyon. Dahil karamihan sa ating mga pinoy kung sumagot sa isang tanong, kung hindi man isang tanong din, ay walang kwenta. Eto ang ilan sa mga remarkable examples: (Philippinology Vol.1)
Sa Opisina...
Q: Kumain ka na ba?
A: Busog pa ako.
Sa School...
Q: Anong oras ang time nyo?
A: Maaga pa.
Sa Bahay...
Q: Saan kayo galing?
A: Lumabas lang kami sandali.
Sa Date...
Q: Wer n u?
A: Lapit n meeeehhh..!!!
Sa Tambayan...
Q: Paano mo ginawa yan?
A: Simple lang.
Sa Prayer Meeting...
Q: Bakit wala ka kahapon?
A: Absent ako.
Sa LRT...
Q: Kilala mo ba siya?
A: Bakit?
Sa Sauna...
Q: Magkano ito?
A: Mura lang :-)
Pag may blow-out...
Q: Saan nyo gustong kumain?
A: Ikaw.
Sino ang gustong kumain ng tao? Manlilibre na, kakainin mo pa? Cannibalism ito? Marami pang makabuluhang sagot sa mga simpleng tanong na siyang patunay ng ating pagkakakilanlan. Hindi lang tayo sa question and answer nagmamagaling, heto ang halimbawa ng mga top of the class one-liners natin: (Philippinology Vol.2)
1. What are friends are for?
2. You can never can tell.
3. Its a blessing in the sky.
4. In the wink of an eye.
5. For all intense and purposes.
6. Get the most of both worlds.
7. Whatever you say so!
Wateber, hindi ako magaling mag-english kaya hindi ako relate. Nabasa ko lang yan sa pader. Gayunpaman, marami pa rin ang gumagamit niyan, intentional man o hindi, hindi na natin ito tinutuwid. Isa iyan sa mga tatak natin. Nakakatawa, oo. Nakakatuwa, hindi. Kasi may mali. At ang isang mali ay hindi kayang itama ng isa pang pagkakamali at iyon ay ang tama. Ang gulo teh!
Meron ding mga pangungusap na hindi natin maisalin sa isang salita. Sa lalim nating mga pinoy mag-isip at sa tikas nating gumamit ng salitang banyaga, heto ang ilan sa pinagyaman nating bokabularyo: (Philippinology Vol.3)
1. Next next week =
2. Tuck out (pertaining to a shirt) =
3. Main branch =
4. Long cut (opposite ng short cut?) =
5. Traffic =
Isa lang ang pakahulugan natin ng traffic at iyon ay ang dahilan ng pagkahuli natin sa oras ng usapan. Wala na tayong pakialam kung anong paliwanag dyan ni Mr. Webster. Kering-keri na natin ang meaning nito.
Sa dami ng impluwensiyang nakolekta natin mula sa mga inggiterang dayuhan na gustong angkinin ang pinas ay muntik ng mawala ang orihinal nating lahi. Maraming naglipana at kaya nating hulaan kung anong banyagang uri ang sumanib sa isang taong maputi, matangos ang ilog, kulot ang mga pilik-mata o kaya mas matangakad sa karamihan. Tanungin kaya natin sila about sa history ng ating wika, masasagot kaya nila? O baka naman kaya sila ang nagpa-uso nito? (Philippinology Vol.4)
1. Apir (ang pagsasanib pwersa ng dalawang palad)
2. Utol
3. Datung
4. Parak
5. Yosi
6. Chismis
7. Ref (lagayan ng pagkaing pwedeng mapanis)
8. Lobat
Sirit na. Inaatake ako ng memory gap. Marami pang salita ang hindi ko alam ang pinagkunan ngunit gaya ng kabute saan man tumubo, kakainin. Marami pa tayong tatak ng pagiging isang pinoy, hindi lang sa salita pati rin sa gawa. Mula sa paggamit natin ng carabao english, pagkahilig sa erap jokes hanggang sa pagsunod natin sa conyo-mandments ay patuloy pang yayabong ang tinatawag nating sariling atin. Bata man o matanda, may jowa o wala, pinoy ka at hindi mo iyon maikakaila. Happy 114th Year of Independence, Pinas! Aylabya!
Friday, April 13, 2012
Saved
Maingay ang balita ng elimination ng Fil-Mexican na si Jessica Sanchez sa American Idol noong nakaraang araw. Ngayong season lang ako nanood nito dahil busy ako. Hindi naman nasayang ang oras ko sa panonood dahil malayo na ang nararating ng kababayan natin sa patimpalak na ito. May ilan na rin ang nakatuntong sa posisyon ngayon ni Jessica na mga kapwa half-breed Filipinos pero this time siya ay may malaking chance na marating ang hindi pa narating ng iba sa contest craze na ito. Mukhang impress sa kanya ang mga judges na parang ngayon lang nakarinig ng mataas na boses.
Kasabay ng giyera at kaguluhan sa gitnang silangan, ng pagbulusok ng malaking rocket galing North Korea, ng demonstration rally ek-ek ng mga estudyante at usiserong kabataan para isalba ang buhay ng mga eksenadorang pine trees sa Baguio City at ng pagsapit ng ikalawang friday the 13th this year ay pinagkaguluhan din but in a good way, ang elimination ni Jessica at tuluyan na nga siyang sinagip ng mga judges.
Panoorin ang eksenang ito at husgahan ang mga kaganapan..
Mula sa mga narinig kong usapan at haka-haka at dahil bihira na ring makita si Ai-Ai delas Alas sa wako-wako, ito umano ay isa lang pakulo o staged act sabi ng mga friends kong may mga syotang kano. Nangyari na kasi ito noon at ginagawa lang ng production team para mas pag-usapan at pasikatin pa ang naturang reality show. Hell I care, busy nga kasi ako. But since nakuha niya ang attention ko, effective siya impernes.
At dahil naagaw na nga ng tuluyan ang very precious attention ko ng mga reality shows na ito, napanood ko rin sa kabilang dako ng cable channel ang isa pang palabas na kinabibilangan din ng isa nating kababayan. Naging matagumpay din ang kampo ng mga tagahangang may tag line na 'proud to be pinoy' sapagkat isa ring pinay ang naisalba mula sa tag line ng pagiging 'thank you girl.' Siya ay si Cheesa (Laureta) ng another reality show na The Voice. Isang pure-blooded pinay na kapit-bahay ni Jasmine Trias sa Hawaii. Siya rin ay nakakuha ng mababang votes mula sa mga viewers at heto ang kanyang last performance upang mai-save ng mga judges mula sa elimination.
Nag-eenjoy ako sa palabas na ito dahil sa crush ko si Christina Aguilera. Naa-arouse ako tuwing bumubuka ang bibig niya habang nagsasalita. Parang gusto kong talsikan ng puting gel ang mala-ginto nyang buhok at ikorteng palong ng manok. Kasama rin dito si Adam Levine na frontman ng bandang Maroon 5 na paborito kong banda. Magaling siyang judge kagaya ko, chos. Hindi kasing sikat ng American Idol ang The Voice kaya ipa-plug ko na siya dito para makatulong na din kay Cheesa. Vote na guys, after nito pwede na din kayo magbusy-busyhan gaya ko.
Keep voting guys. Let's make dreams come true!
Monday, April 9, 2012
Tagalog Love Story: A Movie Review
Marami
na akong napanood na tagalog films. Nanood ako for some reasons like kung ang
pelikula ay may magandang reviews. Panghatak ito para panoorin ang pelikula
but, reviews only from credible sources, hindi ang galing lang sa mga
echosorang movie critics. Kumbinsido akong manood ng isang tagalog movie lalo
na kung may awards itong nakuha. Magandang halimbawa nito ang mga low budgeted
indie movies na humahakot ng awards mula sa maraming film organizations abroad.
Hindi man pulido pagdating sa technical aspect ang mga indie films pero may sustansiya ito pagdating sa material. Panlaban natin ito sa mga blockbuster hollywood movies na ang budget ay mas malaki pa sa budget ng gobyerno sa DepEd. Iyon kasi para sa akin ang essence ng isang pelikula, if I were inspired based on its actual intention. Aaminin ko, may kiliti ang tambalang Basha at Popoy. Kanya-kanyang trip yan, walang pakialamanan.
Hindi man pulido pagdating sa technical aspect ang mga indie films pero may sustansiya ito pagdating sa material. Panlaban natin ito sa mga blockbuster hollywood movies na ang budget ay mas malaki pa sa budget ng gobyerno sa DepEd. Iyon kasi para sa akin ang essence ng isang pelikula, if I were inspired based on its actual intention. Aaminin ko, may kiliti ang tambalang Basha at Popoy. Kanya-kanyang trip yan, walang pakialamanan.
Madalas
adaptation ng english movies ang mga tagalog love story. I should know. Kumbaga sa gamot, generic. Pero, alam
ko rin na kaya nating gumawa ng original story since emotional by nature ang mga
pinoy. Marami tayong hang-ups pagdating sa pag-ibig. Marami tayong pwedeng
makuhang original story kung manonood lang tayo ng Face to Face.
Hindi sa
nakikialam ako pero gagawa ako ng isang moview review. Sisimulan ko sa mga
pamagat. Conyo ba ang writers ng mga pelikulang ito at kailangan english ang gamiting
title? Mahirap bang gumawa ng pamagat na tagalog? Sa tingin ko, walang masama
sa isang tagalog na pamagat. In the Name of Love - Sa Ngalan ng Pag-ibig. No
Other Woman - Walang Ibang Dilag. My Kontrabida Girl - Ang Babae Kong
Kontrabida. My Valentine Girls - Ang mga Babaeng Dadalhin ko sa Velentino
Drive-Inn. My Cactus Heart - Ang Puso Kong Matinik. Unofficially Yours - Hindi
Pa Bilang ang Boto Mo?! Huh?! Ewan. Unofficially my ass.
Gaya ng
isang may active na common sense, madaling sakyan ang takbo ng istorya ng
tagalog movie. Sa simula, ipakikita ang kwento ng buhay ng mga bida. Magtatagal
ito ng 20 to 30 minutes which is about 30% ng binayad mo kung sa sinehan
ka nanood. Then, magkukrus ang landas ng dalawang bidang karakter. Magiging sweet
at mai-inlove sila sa isa’t isa. Mga 30 minutes din ito na para ka lang
nanonood ng music video. Walang dialogue dahil dito kakantahin ang theme song ng
movie.
Then,
there comes the tragedy. I must say, nag-evolve na ang pinoy movie sa aspect na
ito. Hindi na uso ang kidnapan at paglabas ng mga parak sa ending ng kakatwang
bakbakan. Ang trend ngayon ay ang kumplikadong kaganapan sa buhay. Ang mga past
na hindi kayang i-move on agad-agad. Iyong tipong nanghihiram ng asawa. Ang mga
hiwaga ng pagbabagong-anyo ni girl sa gabi at ang tanging kinakain ay ang
testicles ng mga lalaki.
Ang
pinakapaborito kong part ng movie ay ang mga confrontation. Maraming patok na
linya ang mapupulot dito na maaaring sumira ng konsensiya. Dito na rin makukuha
ang moral ng story. Sa pagkakataong ito umaangat ang karakter ng mga icons sa
movie industry at ung bakit sila parte ng pelikula. Sila ang magiging tool sa
malaking realization ng bida through a silent conversation habang nananahi or naghuhugas ng painagkainan. Muling tataas ang level of self-confidence ng bida, mabuhay man sila ng walang testicles.
Hindi na
rin uso ang ending ng pelikula na ginaganap sa pamosong theme park gaya ng
manila zoo showcasing a song and dance number. Medyo subtle na rin ang approach
dito. Tagalog movie talaga ang epitome ng kasabihang ‘all is well that ends
well’ dahil ayaw ng mga fans lumabas ng sinehan ng nakasimangot.
Paumanhin sa isang movie review na walang kabuluhan. Sa tingin ko, kailangan ko pang seryosohin ang panonood ng mga local movies upang lubos itong maunawaan at mabigyan ng movie review na higit pa dito.
Paumanhin sa isang movie review na walang kabuluhan. Sa tingin ko, kailangan ko pang seryosohin ang panonood ng mga local movies upang lubos itong maunawaan at mabigyan ng movie review na higit pa dito.
![]() |
I recommend this film. Hindi siya love story but you gonna enjoy it. |
Monday, April 2, 2012
HBD To Me
OMG! /Oh! may gwapo!/ Yan ang sinabi ng flatmate ko sa akin nang makita nya ako ulit pagkatapos ng mahabang panahon. Mga one week din yun. Malayo kasi ang trabaho nya at tuwing day-off lang siya nakakadalaw sa bahay para makasama ang girlfriend nya na flatmate ko. Tinawag nya akong gwapo dahil yun ang totoo, chos! Hinde, malapit na kasi ulit ang birthday ko at lahat yata ng nakakaalam ay in-extend ang april fool's day sa panlolokong gwapo ako. Sorry naman at hindi ako affected. Matagal ko nang tanggap ang kalokohang yan dahil ang totoo, photogenic lang talaga ako -hmp!
Sa loob ng ilang araw ay magb-bj (blow sabay jump) na ulit ako ng tatlumput dalawang piraso ng kandila na sumisimbolo ng aking edad. Pagkakasyahin kong ilagay lahat ng yun kahit sa spanish bread lang. Wala pa akong budget pambili ng cake. Masaya ang magdiwang ng kaarawaan subalit madalas sa aking katayuan ay may kaakibat itong pangamba o pressure. Bakit kamo? 32 years old na ako pero single pa rin ako. Hindi naman problema talaga kung wala kong girlfriend sa ngayon dahil madali naman yun para sa akin. Haler? Kung may kakambal man na matatawag si Dennis Trillo ay ako na yun. Joke. Ang totoong pressure dun ay wala pa rin akong matinong ipon hanggang ngayon kung sakali mang lumagay na ako sa tahimik. Kaya itong birthday ko na ito ngayon ay meron akong isang bonggang bonggang wish at sana ay matupad na iyon. Blow sabay thank you!
Wala akong balak maghanda sa nalalapit kong kaarawan dahil ako ay nagtitipid. Nag-iipon ako para maghanda next year. Gumawa na lang ako ng munting tribute para sa akin. Bukod sa natuklasan ko lately na ang pagbubunot ng buhok sa ilong ay hindi healthy dahil nakaka-adik, napadpad ako sa isang site wherein I could flatter again in greater intensity the artistic side of me. Gumawa ako ng graffiti. Byes!
![]() |
I so love it. Lumabas talaga dito ang lalim ng imagination ko. |
Friday, March 2, 2012
Lovely Day
''Yung feeling na higit pa sa nabunutan ng tinik sa talampakan, nalunok na candy dahil muntik nang ma-stock sa lalamunan at humahabang bangs pangontra sa tumataas mong hairline on your youthful years.'' Isumpa mo sa nag-imbento ng instructions sa pag-activate ng powers ng bato ni darna dahil siguradong mapapasigaw ka ng ''It's a Lovely Day! And Everythhweng!!'' Kahit habang nasa ilalim ka pa ng swimming pool at natanggap mo ang isang magandang balita na kagaya ng sa akin ay siguradong malulunok mo ang amoy **mod na tubig sa pool dahil sa sobrang saya. Keber mabondats ka. Basta ang alam mo, pag-ahon mo, isang mas maayos na buhay ang tatahakin mo.
May sudden twist of events kasi sa buhay ko kaninang umaga lang. Makalipas ang isang oras at heto ako ngayon nakaisip agad ng theme song for the day at syempre ang walang kamatayang music video para mabilis lang makalimutan ang walang saysay kong pagsusulat, ha ha!! Para sa akin, kailangan ko syang isulat dahil isa itong mahalagang yugto ng aking buhay but for now is still a secret. Party? May pabitin effect? Well, medyo sensitibo pa kasi ang mga kaganapan sa ngayon at ayaw ko lang maunsyami ang good news na ito. Kailangan ko ring mag-focus para tuluyan nang maisakatuparan ang mga magagandang pangitaing ito sa buhay ko. Sa ngayon, makikinig muna tayo sa isang music video mula sa isang maswerteng personalidad na bibida sa istorya ng aking matingkad na buhay.
Roll that lovely smile...
Monday, February 6, 2012
Intermission
Blogger: Hey readers, wazzup!
Me: I'm good. Thanks.
Blogger: How's things? :p
Me: Nm. Just browsing.
Blogger: Cool. Tc!
Me: U2. Thanks. =(
Sad face talaga? Well, medyo, at yan lang ang kaya kong gawin sa pagkakataong ito na tatawagin kong - Intermission - na natutunan ko sa mga blogs na lagi kong binabasa at ganundin sa mga natuklasan ko lately kung paano mag-update ng kanilang blog ng wala masyadong effort. In short, paramdam, lols! Anyway, I think effective siya. Lalo na sa akin na hanggang ngayon ay hindi nagi-improve sa blogging. Paano naman kasi uber busy (at may excuse pa talaga ako). As in walang time. Night shift poreber is not a good thing for someone na maraming ambisyon na kagaya ko. Borlogs from the end of the shift until alarm clock strikes again.
Anyways (with 's' para sosyal), gaya ng nasabi ko dati positive akong tao. I always look at what I can see beyond the catastrophe. Sumpa na 'yan sa akin, hehehe. Kahit nga na uber busy ako catching up on my sleeping ay may mga small things naman akong natututunan mula sa aking everyday encounters pag gising ako dahil na rin siguro I was born a discoverer. Kuya Kim? Istatyu? Bukod sa natutunan kong makipag-chat sa sarili gaya ng ginawa ko sa intro ko, ay natuklasan ko din na ang tinutukoy pala na ''Jagger'' sa kanta ng Maroon5 na Moves Like Jagger ay hindi 'yung vokalista ng Aerosmith. Kundi si Mick Jagger na front act ng bandang Rolling Stones. Malay ko ba?! Nung naglalako siguro ang Rolling Stones ng mga kanta nila gamit ang imported kariton eh hindi sila napadpad sa village namin at hindi ko sya nakilala nang lubusan. Since fan ako ni atcheng google ay naliwanagan ako sa misteryong ito. Hindi katulad ng mga hitad na sumasayaw sa bagong dance hit na ito para lang makasunod sa uso not knowing kung bakit ganito ang title ng kantang ito. No offense, umaarte lang ako sa explanation ko, tse! Bago ang lahat, eto ang dahilan ng aking pagkalito:
![]() |
Mick Jagger of Rolling Stones |
![]() |
Steven Tyler of Aerosmith |
Ok, tao lang naduduling. Hindi sila iisang tao lang or magkapatid man lang. Pero pwede ko bang sabihin na magkapatid sila sa bibig? Peace men!
Anyways (with 's' again kasi more than once ko na sya ginamit), nasabi ko 'yan dahil natuklasan ko ang bago kong favorite song by my favorite band Maroon5 (oo, marami akong favorites kaya with 's' din). Moves Like Jagger by Maroon5. Enjoys!
*ung intro ng song ang pinaka paborito ko, ginawa kong ring tone.
Subscribe to:
Posts (Atom)