Sunday, April 28, 2019

Out! : Near Death Experience 2


It's a team building one month in the making. Ako ang nag-suggest at nag-organize. Jollibee ako eh. Sobrang init sa Manila that summer. Marami ang hindi nakakatulog ng maayos kapag walang aircon. Wala kaming aircon pero may water cooler ako, yung nilalagyan ng yelo. Pwede na.

Tuloy ang team building kahit kulang. Sayang mas maliit sana ang gastos kung mas maraming kasama. Sabay sa araw ng sweldo yun pero napagkasunduan na lang mag DIY. Kakapanood ng youtube. Medyo challenging ang paghanap ng summer destination considering our budget but we're lucky enough to proceed as planned. #SummerFeels here we go!

Galing kami noon sa night duty. Maswerte kami sa mabait na boss na naniniwalang camaraderie makes the office a great place to work at kaya pinayagan niya kaming umalis ng maaga. Since public bus lang ang transpo namin, inabot kami ng 5 hours sa biyahe. Hindi ko expected maygas. Malapit na ako mangamoy pulgas. It's ok, maaga pa din naman kaming nakarating ng resort.

Mainit din sa Calatagan nung dumating kami. Inatake ng headache ang ilan sa mga kasama namin. Yung pinaka malaking tao samin siya pa talaga yung unang tinamaan ng headache. Ang ending, ako ang nagbuhat ng ilang mabibigat na gamit. Pahamak din minsan ang pagiging Jollibee eh.

Nakaramdam din ako ng sakit ng ulo dahil na din siguro sa init ng panahon pero I made sure to take care of myself kaya I kept myself hydrated to sustain my energy. Marami pa akong gagawin at kakarating lang namin sa resort. Marami talaga akong gagawin, Jollibee nga kasi. 

After a short rest, hinanda ko ang mga lulutuin. Nag-ihaw kami afterwards at nag-kwentuhan para mapayabong pa lalo ang aming camaraderie. Natapos na rin ang pinaluto namin sa resort na kanin at adobo and I really felt that this team building is going to be so amazingly fun.

After dinner we went straight to drinking. I mean alcohol drinking. Nakaubos na kami ng isang boteng tequila nang maglabas ng puff yung kasamahan ko. The green puff if you know what I mean. Dala ng alak at first time to experience, na-excite ako ng sobra sa pag-puff. After only a few minutes of smoking like tambucho, I felt a sudden jolt in me. I don't know exactly what it is but I felt really scared and nervous.

I can't take it. Nagpaalam akong magpapahinga na at matutulog. Nagtaka yung mga kasama ko dahil masyado pang maaga. Pinayagan naman nila ako at pinilit kong itulog ang nararamdaman ko. 

I didn't get to sleep because I can't handle what I'm feeling. It's a combination of fear, tension, nervousness, and violence all at the same time. It's so weird and I'm starting to be aggressive in front of everyone. Mahiyain akong tao at ayoko ng eskandalo pero nung mga oras na iyon nagwawala na talaga ako. The only way to stop me is to bring me to the hospital and so my team mates did. 

Ten minutes flashback: On the way to the hospital on a speeding tricycle, I still can't calm myself. There's one thing in my mind though, I thought I was going to die. From that thought, I told my team mate to contact my boyfriend. 

And the rest is history.




I'm not stupid when I loved you but
I'll be if I won't tell them that I do with you. 


No comments:

Post a Comment