Friday, April 13, 2012

Saved


Maingay ang balita ng elimination ng Fil-Mexican na si Jessica Sanchez sa American Idol noong nakaraang araw. Ngayong season lang ako nanood nito dahil busy ako. Hindi naman nasayang ang oras ko sa panonood dahil malayo na ang nararating ng kababayan natin sa patimpalak na ito. May ilan na rin ang nakatuntong sa posisyon ngayon ni Jessica na mga kapwa half-breed Filipinos pero this time siya ay may malaking chance na marating ang hindi pa narating ng iba sa contest craze na ito. Mukhang impress sa kanya ang mga judges na parang ngayon lang nakarinig ng mataas na boses.

Kasabay ng giyera at kaguluhan sa gitnang silangan, ng pagbulusok ng malaking rocket galing North Korea, ng demonstration rally ek-ek ng mga estudyante at usiserong kabataan para isalba ang buhay ng mga eksenadorang pine trees sa Baguio City at ng pagsapit ng ikalawang friday the 13th this year ay pinagkaguluhan din but in a good way, ang elimination ni Jessica at tuluyan na nga siyang sinagip ng mga judges.

Panoorin ang eksenang ito at husgahan ang mga kaganapan..




Mula sa mga narinig kong usapan at haka-haka at dahil bihira na ring makita si Ai-Ai delas Alas sa wako-wako, ito umano ay isa lang pakulo o staged act sabi ng mga friends kong may mga syotang kano. Nangyari na kasi ito noon at ginagawa lang ng production team para mas pag-usapan at pasikatin pa ang naturang reality show. Hell I care, busy nga kasi ako. But since nakuha niya ang attention ko, effective siya impernes.

At dahil naagaw na nga ng tuluyan ang very precious attention ko ng mga reality shows na ito, napanood ko rin sa kabilang dako ng cable channel ang isa pang palabas na kinabibilangan din ng isa nating kababayan. Naging matagumpay din ang kampo ng mga tagahangang may tag line na 'proud to be pinoy' sapagkat isa ring pinay ang naisalba mula sa tag line ng pagiging 'thank you girl.' Siya ay si Cheesa (Laureta) ng another reality show na The Voice. Isang pure-blooded pinay na kapit-bahay ni Jasmine Trias sa Hawaii. Siya rin ay nakakuha ng mababang votes mula sa mga viewers at heto ang kanyang last performance upang mai-save ng mga judges mula sa elimination.


 


Nag-eenjoy ako sa palabas na ito dahil  sa crush ko si Christina Aguilera. Naa-arouse ako tuwing bumubuka ang bibig niya habang nagsasalita. Parang gusto kong talsikan ng puting gel ang mala-ginto nyang buhok at ikorteng palong ng manok. Kasama rin dito si Adam Levine na frontman ng bandang Maroon 5 na paborito kong banda. Magaling siyang judge kagaya ko, chos. Hindi kasing sikat ng American Idol ang The Voice kaya ipa-plug ko na siya dito para makatulong na din kay Cheesa. Vote na guys, after nito pwede na din kayo magbusy-busyhan gaya ko.

Keep voting guys. Let's make dreams come true!




No comments:

Post a Comment