Sunday, June 24, 2012

Drive Crazy


I have loads of talent and only God knows how good I am. I can sing a rock song well, I can create some pieces of art, I'm a good speaker (sound system ba ito?), and obviously I can write, ehem, huwag ng kumontra. Bukod sa mga God given talents ko, bilang isang simple at ordinaryong nilalang marami pa akong gustong ma-achieve sa buhay. I am one ambitious resolute ceaseless amorous prick. In short, hari ng adjective, lol! Ano ba yung gusto ko pang ma-achieve? Simple lang, I wanna learn how to drive. I wanna drive like no one have done it like me. Oh yeah!

A few years ago, I bought a car. A second-hand car but is really in good condition. Ang nakababata kong kapatid ang talagang marunong sa sasakyan at iyon ang sabi niya. Hindi dahil sa ano pa mang kaartehan na na-achieve ko sa paninirahan sa labas ng bansa kung bakit ako bumili ng sasakyan. Nanibago ako sa environment sa pinas. Malaking pagkakaiba ng pinas sa lugar na aking pinagtatrabahuhan sa loob ng maraming taon. Mula sa weather condition, sa mga daan, sa security sa mga kalsada at maging sa pollution. Malaki, as in malaki talaga. Mababa ang antas ng air pollution sa first world country. Naisipan kong bumuli ng sasakyan para maging komportable ang aking bakasyon for one month. Inuulit ko, hindi ako umaarte, nag-iingat lang. Gusto kong sulitin ang konting oras na ito, healthy and safe.

To make a story short, malayo ang narating ko sa bakasyon ko. Masaya kong kasama ang pamilya ko kung saan-saan. Nabili ang mga gusto at napuno ng kung anu-ano ang compartment ng sasakyan ko. Mahal man ang gasolina na maya't-maya ay tumataas ang presyo, mga parking fee na bagong raket sa mga sikat na shopping malls, at ang toll fee na lalong hindi ko alam kung bakit ganoon kamahal wala naman masyadong improvement sa services, ay hindi na ako nagreklamo pa basta magawa ko na ang gusto ko. I want to break free and I don't wanna miss ateng!


Ang isang buwan ay may 30 days at ang isang araw ay may 24 hours. Kung susumahin ko meron akong 720 hours to spend sa pinas. Kahit pa i-multiply ko ito sa edad ng aso or i-convert ko into lightyears para mas tumagal, kulang pa rin ito sa dami ng hinanda ng mga fans ko para sa special homecoming kong ito. So ang pangarap kong pagmamaneho, nawaglit in an instant. Ang ambisyon kong mag-aral ng driving never ko man lang nasubukan. Oh, for gadseyk. I really hate a hectic schedule.


Drama ko lang yun. Ang totoo, natatakot lang talaga ako, hehe. Naisip ko kasi, tuwing naglalaro nga ako ng kahit na anong car racing video games hindi ko ma-master ang pagkaliwa at pagkanan, paano pa kaya sa real life. When I play golf nga in the golf course hindi ko ma-perfect ang parking ng golf cart na gamit ko yung tunay na kotse pa kaya. Yaiks! Nakakahiya talaga and I hate myself. On that note, I wanna thank my younger brother for driving me around. You're such a blessing.

Sa kabila ng lahat, gusto ko pa rin matutong magmaneho kasi nga achiever ako. Sa ngayon, gusto ko lang malaman kung sakit ba ang driving anxiety at kung ano ang gamot dito kung sakali. Meron bang drivophobia and how do I overcome it? I wanna learn the facts and acquire the skills. I wanna be somebody someday. Ang OA. 


Anyway highway, how do you explain this? I wanna sabunot myself looking at this photo. Photo booth ba ito at nag-uunahan ang mga kotseng ito na makunan ng pictures? Haven't heard of impenetrability manong driver? If not, paki-click lang ito and store it in your brainy compartment: http://en.wikipedia.org/wiki/Impenetrability

Love is a two-way street, but this toll gate is definitely not.

No comments:

Post a Comment