After eight division world titles, Manny Pacquio was defeated by a boxer in one of the most boring boxing fight I've watched - ever. Hindi sasama ang loob ko kung sakaling matalo si Pacman sa isa sa mga laban niya. Open-minded akong tao, sobra. Hindi lang kasi ako ang nanood ng laban niya kaya siguradong hindi lang ako ang nakaramdam ng pagkadismaya sa resulta. I was surprised like shit. Sumakit ang migraine ko.
If we have to consider the fact that boxing is not just a sport but a game for most who bet a fortune for a bigger fortune, a social gathering, a market for entrepreneurs, a club for whiners, and but most especially a hound for opportunists, I must say nawala ang sama ng loob ko in a matter of minutes. Manny leaves the ring richer than he already is, Mommy Dionisia recovers from a breakdown and I move on with my normal sexy life. Manny acknowledged the tack for a re-match and so as the notion that the fight was just a lead-in for a bigger project has been settled. Masakit ang ulo? Nag-uumenglish?
Kasama sa kontrata ng laban ang re-match kung matatalo si Manny sa yakapan, este, sa boksingan. Maraming haka-haka, opinyon, biruan at kontrahan ang lumabas at kung hindi ka tanga, maiisip mo rin na kailangan talagang matalo ni Manny. Do the math, please.
Moving on, pero marami ang hindi makamove-on. Maraming protesters ang nag-protest, huh? Dahil dito, nagpasya ang WBO na suriin muli ang laban at heto ang kanilang natuklasan:
Official score card: Judge #1. 115-113
Judge #2. 115-113
Judge #3. 113-115
VS.
WBO Review Panel: Judge #1. 118-110
Judge #2. 117-111
Judge #3. 117-111
Judge #4. 116-112
Judge #5. 115-113, all in favor of Manny
And the resolution, WBO has no authority to change the result. Ampotah lang. Nakasaad diumano sa kontrata ng laban ang re-match kung sakaling matalo si Pacman at ayon naman sa WBO, kung walang re-match, they will order one. May choice kuya? Ang sarap i-impeach ng mga judge na 'to.
For whatever consolation there is, hindi nakakatuwang isipin ang konsiderasyon sa muling pag-susuri ng laban. Isa lamang itong patunay sa supresyon na patuloy na dinaranas natin. Manny Pacquiao is big but the country is not. Ayaw kong isipin na ginagamit lang ang idol ko para sa kapakanan ng ibang manloloko. Kung ako ang tatanungin, gusto ko pa rin ng re-match. Gusto kong patunayan muli ni Manny ang husay niya. Na kahit ano pang isipin o gawin ng iba, hindi kayang ikaila ang galing ng tunay na bida. Go, Pacman, Go!
![]() |
Eto, proud talaga ako. |
No comments:
Post a Comment