Mula ng lumabas ang trailer ng The Amazing Spiderman, noon ko lang naramdaman ang kasabihang makati pa sa dahon ng ginataang gabi. Sobrang excited akong mapanood ang buong pelikula like I can't hardly wait. Hobby ko kasi ang manood ng movie pero ang mga high-tech, state-of-the-art, visually stimulating kind of movie ang paborito kong genre. 'Yung tipong kahit hindi mo masyadong naiintindihan ang plot at setting pero sa tindi pa lang ng mga stunts at special effects solb ka na. 'Yun bang kulang na lang eh gumamit ako ng hearing aid para lang maintindihan ko ang dialogue ng mga autobots at decepticons pero favorite movie ko pa rin siya of all time.
Since pinapanood ko silang lahat, I can't help but compare the recent spiderman movie with its previous version. I'm not a movie critic but I'm a movie buff and so I think it is rightfully imperative for me to feature my whims from what I thought of the movie at isa pa, blogger din ako hehe. So much to my surprise, napalitan ng bagot ang kating naramdaman ko. I felt really bad, bumaba ang intensity level ko.
I know I can't make a decent movie review as much as I'm not in any way close to being an absolute blogger. Nagkataon lang na may talent ako sa pagbibigay ng puna being a self-confessed pintasero. Hindi ko alam ang original na kwento ni spiderman base sa komiks kaya ang review na ito ay galing lang sa kung ano ang palagay ko sa mga napanood ko. Two sides of the story, yan ang peg ko dito:
Sa side ni Andrew:
- Mabagal ang progress ng istorya. I felt almost sleeping. Naalala ko lang na spiderman movie pala ang pinapanood ko. Ang build-up, not so impressive. The challenge of diversing a predictable story did not even come close to outmode the old one. 0 point.
- Iniba ang ilang characters tulad ng love interest ni Peter na si Gwen Stacy na ang tatay ay ang chief of police na gustong ikulong si spidey. I have no objection about Ema's character for she had Peter first than MJ though the conflict between her father and spidey turned out much more compelling. 1 point.
- When Peter finally got his super spider abilities, he didn't change much. There was no way of telling that he gained something powerful at least for the matter of persuasion. It is after all a movie, right? A spider who can't produce his own web, definitely a flop for me. 0 point.
- Isang superhero na makati pa sa dahon ng gabi kung magtanggal ng maskara at ibunyag ang totoo niyang pagkatao. Hindi ako kumbinsido sa ideyang ito. 0 point.
- Wala masyadong fight scenes dahil pakiramdam ko tamad maghasik ng lagim ang kontrabidang butike.Wala masyadong bago in terms of the stunts maliban sa mas risky na shots tuwing naglalambitin si spiderman. Sa tulong ng 3D technology, mas na-enhance ang cinematic effect at pagkahilo ng audience. 1 point.
Sa side ni Tobey:
- Tatlong installment na ang dating Spiderman pero ang paborito ko ay yung una. Maganda ang pagkaka-deliver ng character ni Peter na isang humble na tao, masikap sa buhay, matalinong estudyante, at may passion para sa babae. Sa lahat ng yun naka-relate talaga ako hehe. 1 point.
- Uncle Ben, Aunt May, Mary Jane, Harry and Norman Osborn and JJ Jameson (publisher ng Daily Bugle kung saan ay part-time photographer si Peter) was a perfect blend. Samahan mo pa ng linyang 'with great power comes great responsibility' - all time classic! 1 point.
- Hindi nauubos at lalong hindi nasisira ang spiderweb powers ni spiderman. 1 point.
- Hindi nagtatanggal ng maskara si Tobey maliban lang sa isang eksena at sinong makakalimot sa eksena ng halikan on a 69 position? I lavet! 1 point.
- Action-packed. Ang conflict ay hindi lang nag-evolve between the superhero spider and his nemeses but crept around the entire story and all the characters. 1 point.
Walang bahid ng malisya at walang kinikilingan. Iyan po ang hatid kong movie review. Nagpapasalamat po ako sa sponsor ng aking panonood at hindi ako nanghinayang sa binayad na tiket para sa akin. Sa uulitin, Byes!
No comments:
Post a Comment