Marami
na akong napanood na tagalog films. Nanood ako for some reasons like kung ang
pelikula ay may magandang reviews. Panghatak ito para panoorin ang pelikula
but, reviews only from credible sources, hindi ang galing lang sa mga
echosorang movie critics. Kumbinsido akong manood ng isang tagalog movie lalo
na kung may awards itong nakuha. Magandang halimbawa nito ang mga low budgeted
indie movies na humahakot ng awards mula sa maraming film organizations abroad.
Hindi man pulido pagdating sa technical aspect ang mga indie films pero may sustansiya ito pagdating sa material. Panlaban natin ito sa mga blockbuster hollywood movies na ang budget ay mas malaki pa sa budget ng gobyerno sa DepEd. Iyon kasi para sa akin ang essence ng isang pelikula, if I were inspired based on its actual intention. Aaminin ko, may kiliti ang tambalang Basha at Popoy. Kanya-kanyang trip yan, walang pakialamanan.
Hindi man pulido pagdating sa technical aspect ang mga indie films pero may sustansiya ito pagdating sa material. Panlaban natin ito sa mga blockbuster hollywood movies na ang budget ay mas malaki pa sa budget ng gobyerno sa DepEd. Iyon kasi para sa akin ang essence ng isang pelikula, if I were inspired based on its actual intention. Aaminin ko, may kiliti ang tambalang Basha at Popoy. Kanya-kanyang trip yan, walang pakialamanan.
Madalas
adaptation ng english movies ang mga tagalog love story. I should know. Kumbaga sa gamot, generic. Pero, alam
ko rin na kaya nating gumawa ng original story since emotional by nature ang mga
pinoy. Marami tayong hang-ups pagdating sa pag-ibig. Marami tayong pwedeng
makuhang original story kung manonood lang tayo ng Face to Face.
Hindi sa
nakikialam ako pero gagawa ako ng isang moview review. Sisimulan ko sa mga
pamagat. Conyo ba ang writers ng mga pelikulang ito at kailangan english ang gamiting
title? Mahirap bang gumawa ng pamagat na tagalog? Sa tingin ko, walang masama
sa isang tagalog na pamagat. In the Name of Love - Sa Ngalan ng Pag-ibig. No
Other Woman - Walang Ibang Dilag. My Kontrabida Girl - Ang Babae Kong
Kontrabida. My Valentine Girls - Ang mga Babaeng Dadalhin ko sa Velentino
Drive-Inn. My Cactus Heart - Ang Puso Kong Matinik. Unofficially Yours - Hindi
Pa Bilang ang Boto Mo?! Huh?! Ewan. Unofficially my ass.
Gaya ng
isang may active na common sense, madaling sakyan ang takbo ng istorya ng
tagalog movie. Sa simula, ipakikita ang kwento ng buhay ng mga bida. Magtatagal
ito ng 20 to 30 minutes which is about 30% ng binayad mo kung sa sinehan
ka nanood. Then, magkukrus ang landas ng dalawang bidang karakter. Magiging sweet
at mai-inlove sila sa isa’t isa. Mga 30 minutes din ito na para ka lang
nanonood ng music video. Walang dialogue dahil dito kakantahin ang theme song ng
movie.
Then,
there comes the tragedy. I must say, nag-evolve na ang pinoy movie sa aspect na
ito. Hindi na uso ang kidnapan at paglabas ng mga parak sa ending ng kakatwang
bakbakan. Ang trend ngayon ay ang kumplikadong kaganapan sa buhay. Ang mga past
na hindi kayang i-move on agad-agad. Iyong tipong nanghihiram ng asawa. Ang mga
hiwaga ng pagbabagong-anyo ni girl sa gabi at ang tanging kinakain ay ang
testicles ng mga lalaki.
Ang
pinakapaborito kong part ng movie ay ang mga confrontation. Maraming patok na
linya ang mapupulot dito na maaaring sumira ng konsensiya. Dito na rin makukuha
ang moral ng story. Sa pagkakataong ito umaangat ang karakter ng mga icons sa
movie industry at ung bakit sila parte ng pelikula. Sila ang magiging tool sa
malaking realization ng bida through a silent conversation habang nananahi or naghuhugas ng painagkainan. Muling tataas ang level of self-confidence ng bida, mabuhay man sila ng walang testicles.
Hindi na
rin uso ang ending ng pelikula na ginaganap sa pamosong theme park gaya ng
manila zoo showcasing a song and dance number. Medyo subtle na rin ang approach
dito. Tagalog movie talaga ang epitome ng kasabihang ‘all is well that ends
well’ dahil ayaw ng mga fans lumabas ng sinehan ng nakasimangot.
Paumanhin sa isang movie review na walang kabuluhan. Sa tingin ko, kailangan ko pang seryosohin ang panonood ng mga local movies upang lubos itong maunawaan at mabigyan ng movie review na higit pa dito.
Paumanhin sa isang movie review na walang kabuluhan. Sa tingin ko, kailangan ko pang seryosohin ang panonood ng mga local movies upang lubos itong maunawaan at mabigyan ng movie review na higit pa dito.
![]() |
I recommend this film. Hindi siya love story but you gonna enjoy it. |
No comments:
Post a Comment