Monday, February 6, 2012

Intermission



Blogger: Hey readers, wazzup!

Me: I'm good. Thanks.

Blogger: How's things? :p

Me: Nm. Just browsing.

Blogger: Cool. Tc!

Me: U2. Thanks. =(



Sad face talaga? Well, medyo, at yan lang ang kaya kong gawin sa pagkakataong ito na tatawagin kong - Intermission - na natutunan ko sa mga blogs na lagi kong binabasa at ganundin sa mga natuklasan ko lately kung paano mag-update ng kanilang blog ng wala masyadong effort. In short, paramdam, lols! Anyway, I think effective siya. Lalo na sa akin na hanggang ngayon ay hindi nagi-improve sa blogging. Paano naman kasi uber busy (at may excuse pa talaga ako). As in walang time. Night shift poreber is not a good thing for someone na maraming ambisyon na kagaya ko. Borlogs from the end of the shift until alarm clock strikes again.

Anyways (with 's' para sosyal), gaya ng nasabi ko dati positive akong tao. I always look at what I can see beyond the catastrophe. Sumpa na 'yan sa akin, hehehe. Kahit nga na uber busy ako catching up on my sleeping ay may mga small things naman akong natututunan mula sa aking everyday encounters pag gising ako dahil na rin siguro I was born a discoverer. Kuya Kim? Istatyu? Bukod sa natutunan kong makipag-chat sa sarili gaya ng ginawa ko sa intro ko, ay natuklasan ko din na ang tinutukoy pala na ''Jagger'' sa kanta ng Maroon5 na Moves Like Jagger ay hindi 'yung vokalista ng Aerosmith. Kundi si Mick Jagger na front act ng bandang Rolling Stones. Malay ko ba?! Nung naglalako siguro ang Rolling Stones ng mga kanta nila gamit ang imported kariton eh hindi sila napadpad sa village namin at hindi ko sya nakilala nang lubusan. Since fan ako ni atcheng google ay naliwanagan ako sa misteryong ito. Hindi katulad ng mga hitad na sumasayaw sa bagong dance hit na ito para lang makasunod sa uso not knowing kung bakit ganito ang title ng kantang ito. No offense, umaarte lang ako sa explanation ko, tse! Bago ang lahat, eto ang dahilan ng aking pagkalito:
                                                    

Mick Jagger of Rolling Stones

Steven Tyler of Aerosmith

Ok, tao lang naduduling. Hindi sila iisang tao lang or magkapatid man lang. Pero pwede ko bang sabihin na magkapatid sila sa bibig? Peace men!

Anyways (with 's' again kasi more than once ko na sya ginamit), nasabi ko 'yan dahil natuklasan ko ang bago kong favorite song by my favorite band Maroon5 (oo, marami akong favorites kaya with 's' din). Moves Like Jagger by Maroon5. Enjoys!



*ung intro ng song ang pinaka paborito ko, ginawa kong ring tone.



No comments:

Post a Comment