Monday, October 10, 2011

Timecheck


I'm almost done here. A few more weeks and I will be jumping into another city. Jumper? Actually, I will be going back to the old city where I used to be. I hated it being there so I kinda feel bad moving back. It's so negative for me thinking about "moving back". It gives me a clinch of the old me that I don't even want to remember. Basta sinabi ni boss na I have to go back, then I have to go back. Hell the clinch. Ano nga ba kasi 'yun?

I didn't realize how time really flies. So fast I couldn't catch it and buck. Parang nanghuhuli lang ng tutubing karayom sa bukid. Habol ka ng habol hanggang sa hindi mo naman mahuhuli tapos putikan ka pa sa bandang huli. So unfair. I got so occupied by my work and stuff and wasn't able to fulfill my plans I laid out first thing before I moved in here. It was bad as it sounded unfulfilled. But, it was good though since something has been done not as bad as how I expected it to be. What a cliché. Ako na ang may positive outlook sa buhay. Me already!

Anyway, wala namang importante sa post ko na 'to aside from I want to be cognizant of and put down into notes the major episodes of my life here in the desert island. The small details, I keep to myself, hihi. I'm making a checklist to know whether I'm still on good track and hope to transcend for a better one. Time check starts now.

2011
     ► May - It was a new job and I was succulently fresh. Ang masama naman ay halos lahat ng makaka salumuha ko araw-araw sa trabaho ay mas matanda pa sa nanay ko. No kidding, at least the way they look. Matanda na nga sila and still they act like such a grumpy grandma. Tama si Bob Ong and I quote - "Makakapili ka ng lugar na uupuan mo, pero hindi mo mapipili ang taong uupo sa tabi mo." Sounds bitter but makes sense. I so hate Bob Ong. Joke. I have no other choice but to get along with them. For the benefit of my job and my job alone. I don't care about them. Matatanda na nga sila 'di ba? Good thing hindi nila dala ang pang-gantsilyo nila sa trabaho at gawing past time during break time. Si ate at ang mahiwagang gantsilyo. Umay much.

Sa buwan na ito naisip kong magpahaba ng buhok. Maiba lang.

    ► June - Birthday ni ex so busy-busihan ang drama ko pero patay malisya pa rin akong nagtanga-tangahan kunwari namisdialled ko ang number nya then mega birthday greeting ako to her and my surprise. Baduy na obvious pa. Tsk tsk. Naglasing-lasingan ako buong gabi.

The saddest time of my life so far has arrived. Ang lagi kong iniisip na mangyayari at lagi kong pinaghahandaan ay sumapit na. Inasahan kong dadating ang oras na iyon sa 'di ko inaasahang panahon. So, I was a little prepared too. Ang gulo 'di ba? That is because it was the sudden death of my most loving, hard-working, understanding, jolly, cute nanay. She passed away of diabetes she's been fighting for years. Happy and sad at the same time. You can do the math. It was more sad though dahil hindi ako nakapasok ng dalawang araw na ang tangi kong ginagawa ay ang umiyak. Wala akong kadamay ng mga panahong iyon dahil bago lang ako sa lugar na ito. Things got tougher knowing that I can not leave my damn work to see my nanay for the last time. Salamat na lang sa skype at nakita ko sya ng buong tapang at salamat din sa lahat ng mga kaibigan at katrabaho kong nagbigay ng tulong sa abot ng kanilang makakaya. I know her soul is in peace now watching all of us from the heaven. I truly miss her everyday of my life that I can't even start writing about her until now. I love you nanay, so much...

At patuloy ang pagpapahaba ko ng buhok...

    ► July - Nasira ang video card ng laptop ko for the nth time. Dinala ko sya sa repair shop and I have decided to pay like six thousand worth of money in pesos sign. Kailangan kong maghintay ng ilang linggo para magawa ang lovable laptop ko so I have to know what else I could do dahil hindi ako makakapagsulat gamit ang mga papel at pluma. So, I enrolled myself in snow boarding lessons. Sa disyerto? Hallucination ito? Hindi, nagjo-jogging lang ako while reading books. Ignis fatuus, go!

Nagkasakit din ako sa buwan na ito. Naisip ko lang dahil yata sa pagpapahaba ko ng buhok.

   August - It's the hottest, scorching, most humid, blister-causing season of the year here near the equator. Kumapal ang balakubak ko mas makapal pa sa buhok ko. I have to find ways to get rid of the itchiness and flakes. Siyet. Sana naging skyflakes ka na lang, nabusog pa ako. Pero ang buwan na ito ay isa sa mga pinakamahalagang panahon sa mundo ng pagtuklas at siyensya dahil napag-alaman ko na ang pH care, yes pH care na ine-endorse ng mga magagandang babae sa tv na panghugas sa kanilang keps ay isa rin palang mabisang solusyon sa nangangati kong anit. Ginamit ko 'yung kulay lavender dahil mas tipo ko 'yung amoy. I always feel that my head is somewhere between the legs and in the middle of the forest finding that hole ready to be dug some more. Love it!

Lesson: Long hair + Balakubak = Eeeww!

   September - Nagsimulang magkaroon ng interruption of peace sa aking trabaho dahil sa lumalaking populasyon ng mga insekyorang camel sa paligid ko. I can't help it. I'm irresistibly absorbing. And so again, I simply thought of Bob Ong to promote peace and order and I quote - "Kung sa tingin mo naloko mo ako.. nag kakamali ka.. kasi ikaw ang naloko ko..pinaniwala kita na naloko mo ako (evil laugh -bwahaha)." Peace on planet of the apes is restored.

Nagkasakit ako ulit. pesteng buhok 'to!

   October - Ito ang huling linggo ko sa lugar na ito at masho-shock ang landlady ko kapag sinabi ko ito sa kanya. Lols! It's not my fault, it's my boss'. Ipasa ba? Kasi naman mahihirapan ulit sya sa paghahanap ng bedspacer pag alis ko. Apektado na ang budget, nawala pa si pogi hehe. Nagpagupit na kasi ako. Well, that's life. We simply go through sudden changes that simply rocks our ship. In her case as well as in mine. Kanya-kanya lang 'yan ng pinagdadaanan. I only have two words to say - accept and act. Check!

So, it's time for me to pack or should I say, re-pack my things and get ready to roll again. Ito lang ang isa sa mga pinagmamalaki ko sa sarili ko. I always make myself ready for anything that could happen. I always look at the positive side of things that's coming especially the shocking ones. Wala ng lugar ang mga butterflies sa stomach ko every time I feel discomfort. Manhid na ako sa mga sitwasyon na sinusubok ang tatag ko. My secret is - I always keep a big smile on my face and not let myself get feigned because I always let God work his ways on me. I guess with my nanay and God working together to guide me out  - I would always be on the right track. Amen.



Another year is about to come but like change, it doesn't have to be new.
What's important is that you have to know what you gotta do.


Sunday, October 9, 2011

My Script


Hew!! I've been to the great shores of the Islands of Maldives and all I can say is - damn, how I wish! Haha! Malisyoso na, ambisyoso pa? Well, it's been six months since my last post and I know no one cares so hindi ko na rin ikukwento kung anung nangyari ng mga panahong iyon - kebs! Pero may few stories pa rin ako sa kagustuhan ko dahil wala naman nagbabasa nito kundi ako. So, reflection mode - on!

I got transferred to another city within this dented country and hoping that I could have more time to reflect and eventually to write some more bullshits about myself and I'm so lucky not to do so. This place is not only a sinkhole but so pathetic in so many ways. In short, hindi kami nag-jive ng place na 'to simply because I'm pathetic to start with. Like poles repel, right? Whatever. Hindi ako magnet.

Speaking of Maldives, I had a conversation with a friend who have just been to the place. He told me about how beautiful and majestic (yes, the term was majestic kase gerlash yung friend ko) the place is and he is planning to move there because he got tired of this place considering his job. And yes, pathetic din sya kaya di rin sila in good terms ng city na 'to. Insekyora. Anyways, wala akong balak mag move-in sa Maldives. Na-inspire lang ako of his story and I got wet dreams just thinking about it. Na-imagine ko lang kung gaano kaganda ang Maldives so search ko sya sa google. And it's true, nag-wet dreams ako sa ganda ng islands. This place is my dreamland because I'm hooked into lying shirtless under the gazing sun, the feeling of soft white sand in my skin of sunblock lotion and diving through the waves of  fresh sea water na pwede kong ibuhos sa aquarium namin sa bahay to match my favorite tamban fishes. Maldives + Me = Perfect. But, the worse settled in again. My first thought was the great quotation "No man is an island"  then boom! - melodramatic to the fullest mode. I suddenly thought that this kind of place is not even close to a dreamland if you are living alone in it. Someone have to share to someone the serenity of it which is so conducive to sex sleep. Mahirap matulog dito ng mag-isa. Malungkot kahit masarap ang simoy ng hangin, tahimik at walang lamok na kakagat sa makikinis kong legs. So the worst part is, my imagination lead me to annihilation. Hano dhaw?!

Enough for the conceptual intro kuno. Kahit anong gawin ko hindi naman ako makakarating ng Maldives kahit na honeymoon ko pa ang okasyon. Meron lang akong ishe-share na mga music videos. I have been a fan of this group since na heart broken ako years ago and I'm sure isa rin sila sa mga dahilan kung bakit napakaraming taong nahihirapan mag move-on. I have noticed that these three music videos have some connection to each other. More of a story of someone going through a very painful separation experience with someone they loved and who once loved them. May connect ang mga videos na ito to certain stages of what a heart-broken person is going through and I was a genius to find it out while imagining Maldives Islands na nasa likod-bahay ko lang. Conceptual, right?

The Script... Sila ang favorite band ko - ever. I like how they made the songs. So intense and I feel like they spoke the heart of a heartbroken. Exact words with all emotional melody. Suits the person na malapit ng mag-suicide attempt. Let's start with their song Breakeven. Ito yung videong naglalarawan ng first stage ng break-up. Track 01 - play!






Then, here goes Nothing. Ito ang video na inspired by me. Dapat ako ang nasa video na ito. I know because I've done this a zillion times. Track 02 - play!







Lastly, The Man Who Can't Be Moved. Kapag hindi pa rin nakakahanap ng bagong jowa ang isang iniwan ganito ang drama. Track 03 - play!







I hope you liked the videos. Kung hindi nyo nakuha ang connection-stages ek-ek na sinabi ko, try nyong makipag break para maka-relate kayo. Ma'a as-salaama!

Tuesday, April 5, 2011

♥ attack


Mahilig akong manuod ng mga romantic flicks english movies (at tagalog din kung si john lloyd ang bida). I always get inspired by it because it doles so much to hopeless romantics like me. Ako na ang sawing aabutin ng isang century to move on. Kung bakit, wala kayong pakialam. Hilig ko ang ampalaya juice.

Eto ang sakit ko, ang atake sa puso. At isa pa, masochista din ako. Matapos kong manuod ng pelikulang alam kong magbibigay sa akin ng panandaliang paninikip ng dibdib, mga pag-asang hindi ko tinatantanang abutin, ang tumanaw sa kawalan habang nangingilid ang luha sa mata, at kagwapuhang minimithi ng karamihan ay hilig ko ding dagdagan ang koleksyon ko ng mga anik-anik na magbabaon sa aking sarili sa pang habang-buhay na pagkabigo sa pag-ibig. Like this song from the movie I just watched. Effective to sustain the prickle of misery. Walang kokontra dahil alam kong marami din ang makaka-relate sa kantang ito at patay malisyang ishe-share sa fb wall nila at lalagyan ng matinding caption na - LSS. Hahaha!

I just wanna share this song, "All the Beautiful Things" by Eels. Ngayon ko lang sila nakilala at hindi po sila mga nilalang galing sa dagat. Isa silang banda na nagi-intro ng konting words bago simulan ang kanta. Gayunpaman, i-like nyo na din sila sa facebook like I did at samahan nyo akong magbitter-bitteran for a few minutes. Siyet.


*medyo mahaba ang intro ng video so just bear with it.
 



Sunday, April 3, 2011

!!! Yadhtrib yppah

It's ma birthday !!! And, I wanna be the first one to greet myself before anyone does. Arte?!?

I don't actually need fancy ways of birthday greetings because it does nothing to me. Nai-insecure kasi ako sa taong mas magaling mag-english kesa sa akin. This will be my 31st birthday in this planet earth, 7 years as a prince and 108 years as a frog. Na-reincarnate kasi ako. Sa akin nagmula ang fairy tale ni frog prince. Joke. In short, every year since then I have the same way, same day, same face and same words of birthday greetings received. I don't have any sort of contention with regards to it, ako na nga ang naalalang batiin, ako pa ang maarte? It's just that my life has been so dreary and the same greeting-card-like-greetings don't make my birthday any special. Kahit si Mark Zuckerberg himself pa ang mag-post sa facebook wall ko at batiin ako ng english accent na "Happy Birthday, Mate! Best of Luck Mathafacka-sana!" ay hindi nya kayang pasayahin ang birthday ko ng bonggang-bongga like venus raj. I'm so full of shameful shit. Ako na!

I don't have anything planned for my birthday this year like how I planned it with nothing last year. I can spare some money from my petty bank account but I opted not to realizing that I have more important things to treat than my birthday. I have my friends to celebrate with me after I make them aware that I will be the one spending for such an occasion but I can't find that reason adequate to make my birthday exceptionally happy. More so, I can give myself a kick of pleasure alone and compel myself that this day is indeed could be a worthy revelry but I feel like I'm decently old to come out and twiddle. A birthday surprise may purge ennui but I get surprised hardly. I have to come to work on that day and that confines my birthday wish list.

If someone is going to ask me if I'm being hateful or cynical, I actually don't know. And, I am hoping that someone help me figure it out since it's my birthday. My closest friends could help me and I hope they would try. It could be the answer to the long-doomed history on why I treat myself with such a woe on a day that everyone treat as a should-not-be-wasted-once-in-a-year-very-much-so-important-occasion-I-don't-care-if-you're-busy-we-must-be-happy. I am really such a douche. Help me, please?!?! Hello?,,..Birthday ko.!

that's me, with my birthday wish. LolS!

Friday, February 25, 2011

People Come, People Go

In our lifetime there is this never ending loop that we all walk through and one best example is change. We can't break that line whether it brings us luck or makes our situation worse. It is one circumstance that we have no choice but to endure until we surpass the squawk induced whatever it takes. Hindi ko talaga naiintindihan ang sinulat kong yan pero sa pakiramdam ko ay pinagdadaanan ko sya ngayon, intensely. Naaalala nyo pa ba ang super friends ko? All of us are about to trip along craggy road only this time we have our own tracks to follow.

Like the cartoon heroes called super friends, meron din kaming kapangyarihang taglay. Ako, kaya kong umutot in a span of two minutes, non-stop. Done it even while sleeping and it's just so gross. Bilis makabawas ng barkada. Si Tere (aka Pia), kaya nyang imanipulate ang isip ng isang lalaki na ma-inlove sa kanya kahit na walang kakayahang ma-inlove ang taong yon sa taong gaya nya. I can prove it with documents and testimonials. Si Nelson, kaya nyang maging babae kahit mukha syang lalake - no make-up required. At si Richard, kaya nyang magpautang kahit one million pesos with only real friendship required. Naks!

Kidding aside, ang tinutukoy kong kapangyarihan ay 'yung tatag namin. I mean endurance. The quality or power of withstanding hardship or stress. Continuation and persistence. 'Yung tipong kaya makipag-sex bente-kwatro oras hanggang matuyuan ng pawis but in the end you still have a happy face. It is when you overcome the real tests from gaining genuine friendship. A power I can consider equally as a blessing not everyone is destined to have.

It's been more than five years since we all gave birth to our friendship here abroad. Para kaming buntis sa hirap ng mga dinanas namin habang nabubuo ang friendship na 'yon. Mahirap mawalay sa pamilya kaya't mahirap mawalay sa kanila dahil sila ang pamilya ko dito. Malulungkot ulit ako. Made-depress until I run-out of sex-appeal. Mawawalan ng drive to pursue my dream of becoming a sensation of whatever trash pursuit I have. Hindi pa man ako sikat, buwag na ang possible fan club ko. Ganun? Actually, hindi kailangan ng anumang uri ng ''kapangyarihan'' para malampasan ang pagdadaanan naming ito. All we need is a complete understanding to accept that this change is normal all people have to go through even though we are more than ordinary people. Hindi naman dahil almost perfect kami ay hindi na kami kailangan dumanas ng changes sa buhay. We also have to go out of our comfort zones and inspire other poeple. We chose and adapted to these changes with huge amount of considerations. We ought to breathe reality even if it sucks. We are all grown-ups and each of us needs room for privacy. Not because I love them, I have to stay with them until we no longer grow as individuals. I don't mean why we are going through this is because we are on a dormant stage of endless, same-ol same-ol, routinal and meaningless prank jokes and quagmire. The judge calls for the order and this is just the time.  We know that this day will come and now that it is finally here, we will all come prepared for it. Or am I?
I may not see you guys as often as the sun,
In my heart and in my mind you'll never be gone.
When things go wrong, you know where to run,
I'll wait for you in the same friendship stand.

Tuesday, February 15, 2011

My Own Pity

Bakit kaya ganun? Kung kailan may oras akong magsulat saka naman wala akong maisip sulatin?

Medyo mahabang panahon na rin ang lumipas mula nang simulan ko ang kalokohan / ambisyon kong ito at sa mga panahong iyon ay marami akong ninais isulat. Nampucha kasi wala akong camera para kunan ang mga tanawin at bagay-bagay na talaga namang swak na swak (sa tingin ko) isulat sa walang kakwenta-kwenta kong blog. Maging ang mobile phone ko napagbuntungan ko ng galit dahil very poor ang camera nito. Nagkataon pa na poor ako for the past year dahil mula ng naibabad ko ang most high-tech kong telepono sa washing machine kasama ng mga branded kong damit for one hour eh hindi na ako nakabili ng pamalit nito. Nagtitiis ako sa luma kong phone na sapat lang na matawagan ako ng mga taong nakakaalala ng mga utang ko sa kanila. Hindi ako tuloy makapag-upload ng mga pics na pumukaw sa aking kamalayan at dumagdag sa malisyoso kong kaisipan. Maging ang mga kwentong bentang-benta sa akin ay nag-expire na ang mga detalye sa memory kong puno ng gap kaya hindi ko na rin maaaring isulat. I'm such a loser.

Bagong silang lang ako sa mundo ng blogging kaya hindi pa ako organisado sa larangang ito. Pinag-aralan ko at pinaghandaan(?) ang method of blogging ngunit sadyang malupit sa akin ang pagkakataon. Malupit dahil sa trabaho ko ngayon ay kailangan kong gumising ng maaga na hindi ko nakaugaliang gawin. Hindi ako sanay na nagigising ng madaling-araw at maligo. Matagal din akong na-stock sa trabahong tanghali na ang gising ko kaya ngayon ay nasa adjustment period pa ako. Maaga akong natutulog ngayon na kung minsan ay hindi na ako nakakakain ng machete-diet dinner ko. Inaantok ako most of the day kaya wala akong kakayanan na magsulat for my blog. Wala akong choice but to abide by the rules of the federal and labour laws of this fucking country dahil kailangan kong mabuhay. Kailangan ko din kasing bumili ng bagong high-tech na phone. Hihihi.

I made that introduction (ang haba no?) because I am thinking na very ironic ang takbo ng buhay ko ngayon. May mga plano akong hindi ko masimulan because of sudden twist of events that is mostly negative. I quitted my job because I wanted to start anew pero sa paghahanap pa lang ng trabaho minamalas na ako. I have a very admirable work experience pero bokya pa rin ako. I felt so hopeless. I felt so low. I lost my self-esteem - so much. Surprisingly, after finishing the whole season 3 of trueblood online, going out so I can upload new photos on my fb account, 10 weekends surfing on the beach (sosyal), and staying up late repeatedly changing the layout of my blog until I'm satisfied, I received a job offer from a company that I have no working experience in their line of business. They offered me a job beyond my expectation in terms of position and compensation. I gladly accepted the offer and felt I was one lucky whore. I am excited to start working again and to finally go on with my plans. I'm so loving it.

I know everything that happens in a person's life has it's reasons. Hindi ito nangyayari lang basta-basta at hindi maaaring wala itong katuturan sa buhay. Things may seem to be tangled-up but eventually it will straighten out. Parang buhok ng aeta. Sobrang kulot pero kaya pa ring ituwid dahil pwede itong i-rebond. Mahirap gawin pero may paraan. Sa buhay ng tao, marami tayong pinagdadaan na minsan akala natin wala ng katapusan. Nahihirapan tayo at naiisip natin na lagi tayong talo. We tend to pity ourself because we are setting a standard based on other people's situation. Kung ang problema ay hindi natatapos, hindi rin nauubos ang solusyon para dito. In one problem there's a hundred of options to solve it. So, why bother? Gaya ko, hindi ko man magawang meaty and juicy ang blog kong ito katulad ng plano ko pero masaya pa rin ako. Nakakapagsulat ako out of nowhere and still get even the smallest value there is. I could have missed a lot of chance but I know there's still a lot to come. I've been through shit and stuff but there is only one thing I need to do - I have to fight, stay strong and continue. I always look at the bright side of things and what I could gain from such an awful experience. I know wala man akong pambili ng camera or so-much-in-advance mobile phone I believe magkakaroon din ako nito in due time. Malapit na kasi ang birthday ko at sana may mag-regalo. Yehey!


Patience is a virtue


Monday, February 14, 2011

Super Friends

First of all I wanna greet everyone a Happy Valentine's Day. Where's everyone nga pala? Nakalimutan ko, ako lang pala ang nagbabasa ng blog ko. Asus! I have posted my supposedly heart-warming, very inspiring and kaka-kilig na valentine post pero mukhang dinaig ko pa si Gladys Reyes kung manira ng moment ng bida. Muntik ko ng palitan ang screen name ko from Dennis Trillo to Bitter Ocampo pagkatapos kong isulat ang kwentong 'yun. Buti na lang hindi sila pumayag kasi naman unfair para sa kanila.

Mabalik tayo sa uso ngayon, sa Valentine's Day. A day that is all about love. But it is not described merely by people who are romantically involved to each other. Bukod sa mga mahal natin sa buhay gaya ng pamilya, pwede rin ito sa mga bagay na may importansya sa atin o sa mga gawaing nagpapasaya sa atin. Maraming taong espesyal sa aking puso maliban sa mga taong nagkamaling saktan ito. Kaya ang post kong ito ay tungkol sa mga kaibigan kong walang sawang nagbabahagi sa akin ng kanilang pagmamahal. They are truly special to me and I am one lucky bitch to have them.

Special mention to Nelson, Tere (Pia) and Richard. They have been my friends since I started out here abroad. We all had our good times together and the bad which bonded us and made our relationship really strong and personal. We've been through every hardship and trial where every friendship can be tested. Proud ako dahil sa haba ng panahon ng pange-echos namin sa isa't isa ay nakuha pa rin naming seryosohin ang pagkakaibigan namin. Masaya ako dahil sa lakas ng mga asaran at tawanan namin, masasabi kong lahat ng iyon ay mula sa puso at sa kabila ng mga iyakan at tampuhan, mas nananaig ang tibay ng samahan at tiwala namin sa isa't isa. Sa isang taong naninirahan malayo sa piling ng kanyang sariling pamilya ay mahirap makatagpo ng mga taong masasandalan mo tuwing may problema. Tunay na ako ay pinagpala at dahil doon ay gumawa ako ng - tula. Lols! Sa isang simpleng tula na ito na nagmula pa sa mga namamaga kong ugat sa utak at bunga ng bawat pagtibok ng aking sawing puso, nawa mabawasan nito ang mga sakit ng ulo na idinulot ko sa inyo. Aylabya!

I may not be that sweet nor showy of my affection to you but you are truly important and considered as my most treasured friends. I owe you a lot and I love you. Mwah mwah! Tsup tsup! Here it goes.... (pasok "What Are Friends Are For" as background music)



My days are dark and my skies are blue
I have nowhere to run and don't know what to do
I checked myself, I am such a douche
I found you guys and now I'm anew

It's been so long and I have known
All of you guys are my trusted person
I have been weak and so alone
You have been there with me all along

I have been through shit and bitter days
You gave me strength and immesurable displays
of genuine love and support in ways
to a person like me could never be replaced

In the edge where I hang myself
You followed me there and gave relief
You saved me more than an old belief
that a person like me is such a mischief

No words can describe what you did for me
From all my worries you set me free
You gave me hope and love purely
Not all person could feel and see


Thursday, February 10, 2011

Heart's Happy Day... Or Not?

Ilang araw na lang at magbabatian na naman tayo ng Happy Valentine's Day. Katulad ng pasko, isa itong okasyon na maituturing para sa ating mga pinoy. Unfortunately, hindi ito considered as non-working holiday. Spend at your own risk. Nevertheless, marami pa rin ang on duty sa araw na ito at kung tutuusin marami ang mas pagod dala ng overtime sa kung saan-saang motel na may promo. Happy hours from dusk til dawn, hayahay! Isa itong espesyal na araw para sa mga taong may minamahal at may nagmamahal at isa namang sumpa para sa mga SSB (Single Since Birth), V na V (Virgin na Virgin) at SMV (Samahan ng Malalamig ang Valentines). Para sa akin, higit pa ito sa isang sumpa sa tagal ng bitterness kong nararamdaman. Napakapait o, kuya eddie.

kung pwede lang, matagal ko ng ginawa 'to. shucks!


Tuesday, January 18, 2011

My Precious Talent

Filipinos love to sing. Since I am pure-thicker-than-water-blooded Filipino, singing is one of my passion. Indeed, at maging ang buong pamilya ko ay mahilig kumanta. Isama mo pa dyan ang mga kamag-anak kong naging aspirant singers din pero tanging mga palakpakan at malalakas na hiyawan lang ang napala dahil hanggang pagalingan lang sa videoke ang nasalihang labanan. Magaling man o hindi sa panlasa ng iba, ang mahalaga hindi talunan kung sakaling may hamunan. Ako man, hindi nagpapadaig sa kantiyawan dahil sa oras na mahawakan ko na ang mikropono ay hinding-hindi na ito maaagaw - ever.

Grade 3 lang ako noon ng una akong sumabak sa kantahan. Sumali ako sa school choir namin noong elementary. Hindi ko binalak ang pagsali kong ito sa grupo ng mga batang lalaki na matitining ang boses. Sumali ako kasi madalas excused ka sa klase dahil may praktis. Hindi pormal ang pagpapaalam kung gusto mong ma-excused, parang takas ka lang sa bilibid. Sisitsitan ka lang ng choir mate mo mula sa bintana ng classroom para sabihin na kailangan mo nang lumabas ng classroom at pansamantalang ipagpaliban ang pag-aaral ng mga kaalamang huhubog sa iyong pagkatao balang-araw. Walang pakialam ang mga ma'am ko kahit maubusan ako ng boses sa pagpapraktis sa choir siguro dahil wala naman silang nakikitang future sa akin.

Wala talaga akong naging future sa pagsali ko sa choir dahil hindi ako natutong bumasa ng nota. Sinasabayan ko lang ang mga co-members ko. Kahit 'yung parte ng mga babae sinasabayan ko. Muntik na akong maging one-man-choir. Sayang.

Dahil sa pagnanais kong matuto ng tamang pagkanta, muli akong sumali sa choir noong grade 6. Sa tingin ko ay matututo na ako dahil lumaki nang bahagya ang boses ko. Nagkaroon ng depth(?). Na-classify na ang boses ko bilang isang tenor. Magaling si ma'am kumanta kaya very challenging ang paraan nya sa pagtuturo - nakaupo kaming lahat habang kumakanta. Ang schedule ng praktis - after recess. Laging mataas ang tono ng tenor kaya madalas akong nakatingala habang kumakanta. Akala ko ganun 'yun, hindi pala. Parang tanga lang. Dahil laging find your height ang basehan ng seating arrangement lagi akong nasa front row. Oo kasi matangkad ako (irony). Sa aking pagtingala habang kinakanta ang "Ugoy ng Duyan", nakikita ko ang mapuputing bundok ng langit ni ma'am. Damang-dama ko ang emosyon ng kanta (at ni ma'am) habang sinasariwa sa aking isipan ang paraan ng pagdede ng gatas direct from the human source tuwing naaabutan ko ang bahagyang pagbuka ng uniform ni ma'am sa bandang dibdib kasabay ng pagkumpas. Ayoko na ulit mag-choir. Ayokong makulong sa boystown.

Walang choir noong high school ako kaya wala akong reason para ma-excuse sa klase. Uso pa ang pakikinig sa fm radio noon kaya hindi tuluyang nawaglit sa pangarap ko ang maging isang ganap na singer/performer/musical actor/model endorser ng mediacom. Nadagdagan ang mga inspirasyon ko. Lumawak ang genre ng music ko. Madaming banda ang sumibol. Madaming kanta ang nauso. Madaming nakiuso kaya madami din ang nasira ang ulo. Nagtapos ako ng may konting parangal sa high school. Salamat talaga at walang choir noon.

Nasa college na ako ng alukin ako ng kapit-bahay naming mag-serve sa simbahan bilang isang lector-commentator. Mukha kasi akong mabait. Sumali ako dahil hindi naman ako busy sa school at doon muling sumigla ang in-born talent ko sa pagkanta dahil agad akong sumali sa church choir. Nagbunga ang mga praktis ko noong bata pa ako dahil pumasa ako bilang full-pledged tenor. Sa mga panahong ito higit kong na-appreciate ang music. Hindi lang mga kanta ni lord ang natutunan ko. Maging ang mga kanta bago pa isilang ang tatay ko nire-request ko na sa radyo dahil puro thunders ang choir mates ko. At dahil kapanahunan ng tatay ko iyon, walang battle of the champions over mediacom. Give and take. Sweet kami sa bahay. Madalas parang celebrity duets.

Nagtatrabaho na ako sa isang prestigious office sa paranaque ng muling nag-shine ang aking career sa singing. Hindi lang sa boses ko lumalabas ang god-given talent ko kundi pati sa looks ko. Hindi pa man ako naririnig kumanta ng hr directress (aka anak ni tiburcio) namin ay hinikayat nya na akong sumali sa choir ng prestigious company ko. Tatlong oras akong naligo para makapag-praktis ng birit sa loob ng banyo para smooth ang launching ko sa choir. Muntik pa akong ma-late sa pagpasok dahil sa tagal kong maligo. Mabuti na lang at tatlong tumbling lang ang distansya ng bahay ko sa opisina. Tsk. Tsk. Sana na-late na lang ako at tuluyan ng hindi natanggap sa choir. Pito lang ang member ng choir (myself included). Hindi ako pwede dito dahil lip-singer lang ako. Siguradong buking ako dito. Madami na akong sinalihang choir pero hindi talaga gumanda ang boses ko. Pero mabait si lord. Tuluyang nabuwag ang company choir after a few i-cant-forget-humiliating performances. Hihihi. Lusot.

Ganunpaman, hayaan nyo akong mag-concert sa sarili kong blog. Ang mag-react ng hindi ko magugustuhan, mamalasin - whole year round. Joke lang. Ako ang nasa vid na 'to as a solo artist. Ang masasabi ko lang - step back boyce avenue!





Verdict: Kahit magtinda ng balot hindi ako pasado. Dapat talaga naglip-sing na lang ko dito. Hindi naman malalaman. uLOLz.

P.S. Thanks to Mon for wasting your time and energy with me in this video. You're one of the best guitarist in the planet world. Amen.

Masakit Ang Ulo Ko

'Yan ang karaniwang sinasabi ng mga taong may "hang-over" mula sa pagpupuyat sa pag-inom ng alak. At oo, 'yan din ang una kong nasabi kaninang umaga pag-gising ko dahil buong magdamag akong nakipag-inuman. Sa muli kong pagbabalik dito sa kung saan man ako nagtatrabaho ngayon at nakikipagsapalaran ng mahabang panahon, sinabi ko sa aking sarili na babawasan ko na ang bisyo ko sa pag-inom ng alak. Sa lugar na ito kung saan ay mahigpit ang patakaran sa pagbili, pag-inom at pagsasaya sa ilalim ng kapangyarihan ng alak ay higit ko pang dinanas ang parusang dulot ng tinatawag na "bisyo". Kapag bawal daw kasi mas masarap gawin. Hindi ako naniniwala doon, mahilig lang talaga akong uminom ng alak. Sinubukan kong gawing "new year's resolution" ang pagtigil ko sa pag-inom o paglalasing sa mas tumpak na pagsasalarawan ng kinaugalian kong bisyo. Hindi rin ako naniniwala sa tradisyon ng new year's resolution pero sa pananaw ko ay nagtagumpay naman ako sa binalak ko. Mas gusto kong tawagin ang desisyon kong ito na "pagbabagong-buhay" sa halip na new year's resolution. Mas angkop ang katagang ito sa kadahilanang ang lintek na bisyo na ito ang muntik ng sumira ng buhay ko.

Mag-aanim na taon na akong nagtatrabaho sa labas ng mahal kong bansang Pilipinas. Mahal ko ang bansa ko kaya ako nangibang-bayan. Mas epektibo kasi ang maitutulong ko sa pamilya kong maiwasan ang paghihikahos sa buhay, maging palaboy at pabigat sa lipunan. Hindi ko gustong problemahin pa sila ng gobyerno natin kaya sariling diskarte na lang sa buhay. Sabay ko ding matutulungan ang ating bansa sa pamamagitan ng buwis na nakakalap nila sa tuwing magpapadala ako ng pera. Nagpapadala ako ng pera sa atin, noon.

Madali akong nakahanap ng trabaho sa ibang bansa dahil maabilidad naman akong tao. Marahil dahil sa hindi malayo sa pinanggalingan kong trabaho sa Pilipinas ang nakuha kong trabaho dito noon. Sa opisina lang. May computer, fax machine, telepono at sariling mesa. Executive secretary ako ng isang kompanya ng mga arabong hindi rin taga-rito. Madali kong natutunan ang trabaho at madali ko ding nakuha ang loob nila sa pamamagitan ng maayos na trabaho. Sumasahod ako na parang isang manager ng fast foodchain sa Pilipinas. Ayos lang dahil nagsisimula pa lang ako. Sa madaling salita, hindi sumasakit ang ulo ko at walang dahilan para sumakit ito.

Hindi nagtagal (dahil isang buwan lang ang nakalipas) ay nakahanap ako ng ibang trabaho na may mas malaking sweldo. Umalis ako ng opisina ng walang paalam at parang naliligaw na tupang pilit hinanap at pinapauwi ng aking amo. Masakit para sa akin ang gawin iyon dahil para akong nagtraydor sa aking amo ngunit kailangan kong gawin iyon para sa ikauunlad ko. Nagpakalayo-layo ako para humanap ng oportunidad sa pag-asenso at hindi para dumami ang kaibigan ko. May mga kaibigang pwede kong bilhin pag dumami na ang pera ko sa bangko. Iyon na lang ang inisip ko para lumuwag ng kaunti ang pakiramdam kong naging makasarili. Lumipat ako ng tirahan mas malapit sa bago kong trabaho at lumagay sa tahimik. Lumaki na ang sweldo ko at walang masakit sa parte ng ulo ko.

Sa katagalan (dahil isang taon at pitong buwan) ay nakahanap akong muli ng trabaho. Lumipat ako dahil sa parehong dahilan. May mas malaking sweldo ang nag-aabang. Sa pagkakataong ito ay wala akong naramdaman na pagtataksil sa aking kompanyang minsang tumulong sa paghubog ng aking abilidad sa larangan ng pagtitinda dahil naging mabuti akong empleyado sa kanila. Mula sa maliit na tindahan sa isang maliit shopping mall ay magtitinda na ako ngayon sa mas malaking tindahan sa mas malaking shopping mall. Magtitinda lang ako pero katumbas ko ang isang manager ng Bangko Sentral ng Pilipinas sa sweldo. Dito nagsimulang kumati ang aking pagnanasa sa isang masaya ngunit masaklap na hantungan. Bahagya ng sumasakit ang aking ulo bunga ng pagkakalulon ko sa bisyo ng alak. Hindi ko na kayang isa-isahin pa ang mga kaganapan noon (sa mga susunod kong entry kung sakali) dahil limot ko na. Pwede kong sabihin na muntik na akong masipa sa trabaho dahil nakaugalian ko ang "sick leave". May sakit ako dahil lasing ako at hindi ko kayang tumayo man lang ng diretso. Lumiliit na din ang padala ko sa pamilya kasabay ng paglaki ng gastos ko sa mga inumin kong madalas ay sinusuka ko din naman. Nawalan ng promotion at nasira ang pangalan. Masakit na ang bulsa ko, masakit pa ang ulo ko (literal). Subalit higit na mas masakit sa akin ang malaman na ako ay tumatandang iresponsable. Naligaw ang aking landas at wala akong pwedeng sisihin kundi ang aking sarili. Kung kailan ako nagkaroon ng mas magandang oportunidad sa pag-unlad ay saka ko naman nakalimutan ang tunay kong dahilan sa paglipad ko sa bayang ito. Naloko ako ng sarili kong bisyo. Minsan akong nakalimot at masakit isiping wala ng paraan para balikan at ulitin ang mga kaganapan sa aking buhay ofw upang gawin ang mas tama. Labis labis na sakit ng ulo ang aking dinanas.

Sa kabilang banda, mayroon akong nakitang mabuting naidulot ng karanasan kong iyon. Hindi lang dahil sa bihira na akong may "hang-over" o nagawa ko ang isang bawal. Hindi lang din dahil sa may nagawa akong new year's resolution minsan sa aking buhay o maaari ko ng sabihin na ako ay "nagbagong-buhay". Higit pa sa mga bagay at pera o sa mga kaibigang minsan kong nabili ng aking kinitang pera.

Higit akong masaya ngayon dahil sa kabila ng mga pinagdaan ko nanatiling buo ang loob ko na ipagpatuloy ang buhay kong minsan ko ng pinagisipan ng masama. Hindi naging madali ang pagbangon ko mula sa pagkakahimlay ko dala ng kalasingan. Sa tingin ng iba marahil ay simple lamang ang aking pinagdaanan at simpleng sakit lang ng ulo ang aking naramdaman. Nalulon lang ako sa isang pangkaraniwang bisyo at ngayon ay pilit na umaahon tulad ng karamihan. Ang masaklap ay ang isang simpleng bisyo na ito ay maaaring maging katumbas ng buhay mo o ng kinabukasan ng mga taong mahalaga sa iyo. Mahalaga sila sa iyo at ganun ka din sa kanila kaya ang kasiyahan mo ay maaaring ang nagpapahaba pa ng kanilang buhay. Ngayon ay alam ko na ang totoong kailangan ko sa buhay. Hindi ko kailangan maging masaya dahil nakakainom ako ng alak.


game over!


Monday, January 17, 2011

Dino Malicioso

Hi guys!
 Ako si Dino. Hindi Malicioso ang apelyido ko. Hindi pa ako talagang handa para gawin ito. Masyado lang akong sabik na magkaroon ng isang blog kaya kahit wala pa akong masyadong materyales para sa blog ko na ito ay binuksan ko ng wala sa oras. Wala rin akong sapat na kaalaman at karanasan sa pagsusulat pero gusto ko talagang magkaroon ng blog. Masyado akong naaliw sa mga nabasa kong blog nung mga panahong marami akong oras at mas pinili kong magbasa sa internet. Nadama ko ang emosyon ng mga taong nagsulat ng mga nabasa kong istorya. Sa tingin ko mas epektibo akong mambabasa kesa sa manunulat. Sana magkaroon ng katuturan ang pagsusulat ko na ito na para sa akin ay magsisilbing salamin ng aking pagkatao. Hindi madaling magsulat ngunit higit na mas mahirap ang magsulat ng mga bagay-bagay tungkol sa sarili mo. Mas magiging kuntento siguro ako kung ako lang ang makakabasa ng blog ko na ito kaya sisiguraduhin kong isa lang itong malaking sikreto.

On that note, I woud like to officially open my blog and welcome everyone! Cheers!