First of all I wanna greet everyone a Happy Valentine's Day. Where's everyone nga pala? Nakalimutan ko, ako lang pala ang nagbabasa ng blog ko. Asus! I have posted my supposedly heart-warming, very inspiring and kaka-kilig na valentine post pero mukhang dinaig ko pa si Gladys Reyes kung manira ng moment ng bida. Muntik ko ng palitan ang screen name ko from Dennis Trillo to Bitter Ocampo pagkatapos kong isulat ang kwentong 'yun. Buti na lang hindi sila pumayag kasi naman unfair para sa kanila.
Mabalik tayo sa uso ngayon, sa Valentine's Day. A day that is all about love. But it is not described merely by people who are romantically involved to each other. Bukod sa mga mahal natin sa buhay gaya ng pamilya, pwede rin ito sa mga bagay na may importansya sa atin o sa mga gawaing nagpapasaya sa atin. Maraming taong espesyal sa aking puso maliban sa mga taong nagkamaling saktan ito. Kaya ang post kong ito ay tungkol sa mga kaibigan kong walang sawang nagbabahagi sa akin ng kanilang pagmamahal. They are truly special to me and I am one lucky bitch to have them.
Special mention to Nelson, Tere (Pia) and Richard. They have been my friends since I started out here abroad. We all had our good times together and the bad which bonded us and made our relationship really strong and personal. We've been through every hardship and trial where every friendship can be tested. Proud ako dahil sa haba ng panahon ng pange-echos namin sa isa't isa ay nakuha pa rin naming seryosohin ang pagkakaibigan namin. Masaya ako dahil sa lakas ng mga asaran at tawanan namin, masasabi kong lahat ng iyon ay mula sa puso at sa kabila ng mga iyakan at tampuhan, mas nananaig ang tibay ng samahan at tiwala namin sa isa't isa. Sa isang taong naninirahan malayo sa piling ng kanyang sariling pamilya ay mahirap makatagpo ng mga taong masasandalan mo tuwing may problema. Tunay na ako ay pinagpala at dahil doon ay gumawa ako ng - tula. Lols! Sa isang simpleng tula na ito na nagmula pa sa mga namamaga kong ugat sa utak at bunga ng bawat pagtibok ng aking sawing puso, nawa mabawasan nito ang mga sakit ng ulo na idinulot ko sa inyo. Aylabya!
I may not be that sweet nor showy of my affection to you but you are truly important and considered as my most treasured friends. I owe you a lot and I love you. Mwah mwah! Tsup tsup! Here it goes.... (pasok "What Are Friends Are For" as background music)
No comments:
Post a Comment