Monday, July 15, 2013

Channel Surfing


Sinubukan kong mag-channel surfing. Gawain ito ng mga taong walang magawa at walang planong mag-isip ng gagawin. Madali lang kasi ang mechanics ng hobby na ito and most importantly, walang gastos. Napadpad ako sa isang sports channel. Natuwa ako sa nakita ko. Mga lalaking puro naka-boxers.

King of the Cage Philippines ang title ng palabas. Mix martial arts competition na ginaganap sa The Arena. Naaliw ako. Sa wakas, may paglalagyan na rin ang tigas ng ulo ng mga Pinoy. Madaling makapasok sa sports na ito. Mura lang ang puhunan sa basag-ulo. Inglisero pa ang mga commentators. May english translation ang proseso ng bugbugan. Medyo disturbing lang na ang talunan ay kailangan pang ilagay sa stretcher.

Isang proof ito na ang pinoy ay hindi nagpapahuli. We don’t want to be left behind especially in the international scene. Hindi ko alam kung iyon ay mabuti o masama dahil hindi ko nararamdaman ang epekto nito. Sabay man tayo sa trend, hindi tayo sabay sa pag-unlad. Marami pa rin ang mahirap. Pangit maging trend ang pagiging mahirap.

Sa isang channel na napuntahan ko, nakakita ako ng konting hope. May isang kabayan ang namamayagpag ang ba*ag sa The Apprentice Asia. It sounded good. But ironic. Kung maganda lang sana ang opportunity na meron sa bansa, hindi malayong umunlad tayo kung ganito kagaling ang mga pinoy sa ganitong larangan. Keep it up, Sir Jonathan. Magtayo tayo ng business minsan.

Isang replay episode naman ang napanood ko sa isang news t.v. They featured the life of the late Poks Esquivel from the original Surfing Capital fo the Philippines, La Union. He was regarded as the Philippine Surfing’s One-legged Wonder. Pinasikat niya tayo sa kanyang husay. Hindi rin ordinaryong sports sa pinas ang surfing. Mahal ang surfboard at wetsuits. Naiyak ako sa kwento niya. Nanghinayang. Many people, mostly foreigners admires him. Amazed by his spirit and courage.

Too bad Poks has to leave us early. Good thing, many people are inspired by him. RIP Poks. You make us real proud.

And what can you say about Charice being named as The Hottest Lesbian in the World 2013 by the US LGBT website autostraddle.com? Put your thoughts in the comment box.

Isang music channel naman ang napuntahan ko. Napanood ko ang isang music video ni Yeng. Her video reminded me of Bruno Mars’ Lazy Song but it’s  not bad. I can still see the point of originality. Minsan lang ako maka-appreciate ng OPM music video. This one caught my interest. It also reminded me of myself. I’ve been called Chinito a number of times.

Gusto ko sanang tapusin ang post na ito with Just Give Me a Reason by Pink. Mas sikat at mas sakto sa timpla ng mood ko. Yeng and Pink are equally talented composer artists kaya keri na. Prefer ko lang na ma-associate kay Enchong instead of Nate Ruess.



No comments:

Post a Comment