Thursday, July 4, 2013

Throwback Thursday


Maraming uso ngayon. Isa na ko dun. Sabi kasi nila, sa sobrang bait ko daw, humahawig na ako kay hero dog na si Kabang pag meron akong bigote at balbas. Kapag wala naman, si Lolong, sa haba ng nguso ko. Ang ninuno ng mga higanteng buwaya. Sumalangit nawa. Malakas kasi ang animalistic appeal ko. Lalo na kung gutom.

To keep myself  up-to-date, laging bukas ang account ko sa fb. Bukas sa lahat ng gustong gumamit sa akin. Doon ko nasasagap lahat ng mahahalagang chismaks. Importante yun sa buhay ko. Hindi ko man nakaugaliang patulan ang tanong na ‘what’s on your mind’, active ako sa social site na ito bilang isang fb viewer. Active role ko ang magbasa ng news feed, tawanan ang mga biktima ng internet meme at mag-dislike ng mga status update from various attention seekers.

Hindi ko talaga kayang sumabay sa uso. Stale is my middle name. Wala akong instagram. Walang twitter application ang cellphone kong may flashlight. Ang blog ko, may limang followers. Dalawa dun, sarili kong account. Minsan may nag-comment sa isang post ko. Hindi ko ma-appreciate. Nagbebenta siya ng cialis. Please po, wala akong talent sa networking. Selfie mood ako lagi.

Kung meron man akong kayang isabay sa uso ngayon, sa isang paraan lang. Ang ibahagi ang aking nakaraan. Ang nakaraan kong hitik sa aral at kabuluhan. Sa panahon kung kailan ang kagat na lamok ay walang dalang chikungunya, ang kabataan ko ay mabilis na pinagyaman ng karanasan. Ito ang panahon kung saan ang sunset sa Dewey Blvd. ay isang tanyag na tourist spot at ang paliligo sa Manila Bay sa likod ng PICC ay hindi pa pinandidirihan. May beach dati doon, Mall of Asia na ang tawag ngayon. If only I could turn back time, I definitely would. I prefer a life that is less complicated. And more fun in it’s most natural way. Seriously.

I’m no good at history. Sira ang brain memory cells ko. Pero normal pa rin ako. I also have my own childhood experiences na tumatak sa isip ko. Konti lang ito and very very mild experiences lang. Let me share and maybe a few of it could serve you an inspiration.

Valedictorian ako nung kinder. Dalawang section lang kami kaya madali ang pagpili sa akin. I became model student dahil wala raw akong negative behavior. Mahiyain ako noon. In short, I captured the heart of my teachers. Easy trick. Isa sa mga kaklase ko ay naging bestfriend ko. Siya ang naging salutatorian. His mom can’t take it. After graduation, they moved  to another place, to another school with less advanced students. This guy, hinanap niya ako sa fb. We regain our friendship. Now, he is showing off to me. I smell vengeance. What a loser.

I entered grade one carrying the legacy of an honor student. I was full of pressure. Naging substitute teacher ako sa reading class pag may kachokaran si ma’am. Mataas ang kompiyansa nila sa akin. Ang hindi nila alam, maraming english words ang hindi ko alam ang pronunciation. Iniimbento ko lang. My class failed in exams. I ended up eighth honorable mention. Part of me wants to weep, but my mother was like, ‘Good job anak, keep it up!’

First experience ko mag-field trip nung grade two. First time kong nakarating ng Nayong Pilipino. First time kong na-shoot sa bunganga ng bulkang mayon. Hindi na naulit. Nakaka-tense.

I had my first crush when I was in grade three. Dito ko unang naramdaman ang self-confidence. Kitang-kita ko yun sa aming class picture. Ang aura ko, may ibang sense of maturity. Lakas makabuntis ng dating. The girl I used to admire is really pretty. We had good times together. Nalipat siya ng section pagdating namin ng grade four. I thought she was my forever.

Dati nang uso ang mga tamad na teacher. Tamad magturo pero masipag sa negosyo sa classroom. Dati akong naging runner. Tumatakbo kami sa tindahan dala ang listahan ng merchandise ni ma’am at pabalik para hindi ma-late sa flag ceremony. Nagtitinda na siya bago magsimula ang klase. I earned extra credits for being a forth runner.

My worst childhood experience happened when I was in grade five. Actually, it’s not totally embarassing. Sabay sa uso lang din ako noon. Umihi ako sa loob ng classroom, on my chair, wearing my school uniform. I’ve seen my classmates doing it. It was like a thing back then. Ang hindi ko lang naisip, nakalagay sa ilalim ng upuan ang bag ko.

@throwbackthursday. Byes!


Animalistic appeal pag gutom.

No comments:

Post a Comment