Monday, July 15, 2013

The Unexpected


Selfie ba kamo? Etong sayo.


Anyway, nagpunta ako sa MOA para magpahangin. When I say magpahangin sa MOA, ibig sabihin lang ay sa bandang likod kung saan natatanaw ang parte ng tinambakang Pacific Ocean. Walang fresh air na hatid ang aircon sa loob ng mall. Naalala ko ang unang beses kong pagpunta limang taon na ang nakalipas, may nalanghap akong sariwang hangin mula sa overlooking part ng mall malapit sa sinehan. It's cool. Bongga sa tipid mode

Sumama sa plano ko sanang escapade ang pamangkin ko kaya nag-decide na rin kaming dumaan muna sa Baclaran Church to attend a children’s mass. Baka maubusan ako ng pasensiya sa dadanasin ko. I need more strength to bear that kid. She is one hell of a master when it comes to disobedience and misbehavior. And I am poor at supervision.

Kahit hindi weekend ay maraming tao sa MOA. Nag-aagawan sila ng Redemptorist Church in terms of visitors. Hindi ko alam na may umusbong na palang fiesta carnival sa likod ng mall. Ang inaasahan ko ay isang baywalk kung saan makakaupo ako sa tabing dagat at maghahanap ng timing makipag-flirt. Hindi ako naging masaya sa aming inabutan. Lalo na ang pamangkin ko. Blockbuster ang upgraded peryahang ito. At wala kaming pera maki-jamming sa craze dito. Sarap hulugan ng granada para mabawasan ang kapal ng tao. Hindi uubra ang mag-moment.

Well, I am not such a bad person at all dahil dininig ang prayers ko. Dumating ang mga magulang ng pamangkin ko na mukha pang mas excited sa aming sumakay ng ferris wheel. Sinagot nila ang lahat ng tickets at fudang. Ate kong maganda, thank you for coming!


No comments:

Post a Comment