Tuesday, August 13, 2013

Mundo Mo'y Akin


Disclaimer: Malaking risk na gamitin ko ang title na ito. Ayaw kong makasuhan ng plagiarism and the likes. Let me use this title with the hope of proving relevance to it. It happens to be the most suited (and most striking) title for my story that I could think of. No offense meant. This is one significant yet unlawful event in my past. An experience worth treasuring like a big time scandal na biglang kumalat online. Kwento ito ng aking kaibigan na naglantad ng kanyang malaking sikreto and unfortunately, ng kanyang kasiraan as a human being.

Mabuti akong kaibigan at marami nang nag-take advantage sa akin. More often on the physical aspect.  And so, hindi ko intensyong ungkatin ang kwentong ito para tuluyang ubusin ang kaibigan ng kaibigan ko. Wala akong lahing traydor o kontrabida. Pagiging bitter lang ang worst adverse effect na maaari kong pakawalan. And by the way, marami siyang pera to redeem her social status. One reason kung bakit kami close noon. I have the sole purpose of revealing a story which I thought runs only in t.v. like a major primetime soap opera. I was wrong and ultimately confounded upon witnessing this drama. Na-realize kong totoong actual footages pala ang pinapalabas sa hit show noon na Calvento Files.

Setting: Between 1999 and before the millennium bug struck. Akala ko magugunaw na talaga ang mundo so I joined a church based organization.

Masaya ang nasalihan kong grupo although may malalaking age gap among members. Most of us were single even the oldest of our peers. Hindi maiiwasan ang tuksuhan sa ganitong klaseng environment. Ako man hindi nakaligtas. I don’t care. Serious ako sa purpose ko in joining this group to uplift the level of my spirituality. Kidding aside, ang couple na may pinakamaraming likes ang love team ay si William at Mildred. Hindi nila tunay na pangalan. Sa oras ng tuksuhan, nagkakaisa ang lahat regardless of religious belief. Solid ang fan base ng William-Mildred tandem.

Si Mildred ay isa sa mga naging close ko sa grupo. I just mentioned why. Mabait at kwela si Mildred. Isa siyang teacher. Tunay na professional. Boyish siya kung kumilos kaya she’s really one of the boys. At that time, she’s already in mid thirties. Still single kaya tampulan talaga ng tukso. Masarap siyang kasama. Madalas siyang manlibre ng miryenda.

Kahit sino sa simbahan, hindi maiilang ma-link kay William. Gwapo, mabait, matangkad. The usual heartthrob. Sincere na kaibigan si William kaya kahit na jobless since college, hindi siya marunong mag-take advantage lalo na sa girls. William is in his late twenties but doesn’t show. Positive ang outlook niya sa buhay. May dimples siya katulad ng kay Aga Mulach.

Si Mildred at William ay matagal nang magkaibigan. Mataas ang respeto at tiwala nila sa bawat isa. Walang rason para mapikon sila sa tuksuhan. If I must elaborate the scenario, malabong ma-inlove si William kay Mildred. Parang kapatid ang turingan nila sa isa’t isa.

Since sumali ako sa grupo ay hindi ko pa nakitang may niligawan o naki-pag date si William. Hindi sa nakikialam ako, mahirap lang talaga paniwalaan. Malaki ang potential ni William in attaining a considerable lovelife. Minsan akong naglakas ng loob tanungin siya about it and he simply showed me a picture from his wallet. Maganda ang babae sa picture. I can’t deny the fact that the picture was actually taken out from a magazine because of the glossy paper it was printed on while the person on it is posing like a model. That moment I thought it was a joke, but it’s not. Iyon daw ang phone pal niyang si Charmie (di tunay na pangalan) and he has high hopes na magiging mag-syota sila.

Strict daw ang parents ni Charmie kaya sikreto ang kanilang relasyon as phone pals. Bawal ang calls sa umaga. Wala na akong pakialam pa sa kwento nilang dalawa as he is full of confidence when it comes to it. According to him, Charmie is a part-time model. Lives in an exclusive subdivision and goes to an exclusive school. She is very much exclusive for that matter I suppose dahil hindi pa kahit minsan sila nagkita sa personal. Kahit na ilang buwan na silang nagtatawagan.

Si Mildred ang nag-introduce kay Charmie to William. Ang landline nito, ang glossy picture, ang mga love letters, galing lahat kay Mildred. Kaibigan daw ng younger sister ni Mildred si Charmie. With that kind of connection, si Mildred ang naging tulay sa pagbuo ng love story ng dalawa. Maraming kwento si Mildred about Charmie and how she fancy William. Lahat ng feeds na ito ay galing lahat kay Mildred. Sa pagkakataong iyon, higit pa sa tulay ang tingin ko kay Mildred. Para siyang co-founder ng RSS feeds being the source of all information.

May nakakatawang kwento si William about sa naunsiyaming eyeball sana nila ni Charmie. Hinabol daw sila ng aso sa gate ng bahay ni girl in the picture. Magkasama sila noon ni Mildred dahil siya lang ang nakakaalam ng naturang exclusive subdivision. I thought it was a funny story. But not until after several months na hindi na kailanman natuloy pa ang grandest eyeball William could have been into. It was so frustrating that William became desperate on knowing Charmie more and the real score between them. Madalas absent si William sa grupo. I thought that time hinanap na niya si Mr. Calvento.

I hangout with Mildred most of the time and you know why. She let us stay in her room and talk shit. Puff cigarettes and make fun of anything there is. From there I realized how Mildred looked somewhat techie by her bedroom loaded with instrument and apparatus. Parang social hub ang kwarto niya. She has her own telephone line with caller ID which she say is a private line. She also owns two mobile phones and also keeps her own phone pal. Sa akin lang niya sinabi and honestly, I didn’t care much. Wala akong pakialam sa senior moments niya. I was happy though for the guy who caught a professional woman who is a complete virgin.

Madalas talaga akong tumambay kina Mildred. Rated PG (Patay-Gutom) kasi ang buhay ko noon. Totoong may phone pal si Mildred. Mali ang hinala kong inglatera lang siya. Gamit niya ang landline niya na may caller ID at may something na nakalagay sa mouth piece. Gabi-gabi niya itong kausap. Malanding kausap si Mildred. Sa pagkatao ni Mildred ako unang nakakita ng malanding tibangbang. Hindi siya kaiga-igaya.

Weeks passed, hindi na sumasama sa grupo si William. Ang balita namin ay may bago na itong girlfriend. Being the closest in the group, tinanong ko si Mildred about it. May nililigawan nga daw ito at hindi niya gusto ang girl para kay friend William. I wondered why. And with the looks of Mildred, she was more than sad. She looks troubled with all her nerves. Nakaramdam ako ng di maganda worse than pagtatae. Feeling ko ay parang may sasabog na mabaho anytime.

William is really nowhere to be found. Until one calm Sunday evening. Sa isang meeting place namin sa tabi ng simbahan, sa isang open area na punung-puno ng religious personalities, narinig namin ang galit na boses ni William. Few meters away from us, sumisigaw siya with all the fucking bad words with the subject Mildred. Namumula sa galit si William na kailangan pang awatin ng mga kasama namin dahil malapit na itong magbasag ng mga hand-painted na paso. Sa mga oras na iyon, hindi ko maipaliwanag kung ano ang eksaktong nangyayari kay William. Kailangan namin siyang pakalmahin for him to make sense.

With almost teary eyes, kinuwento ni William ang outrage niya. Niloko siya ni Mildred. Si Charmie at si Mildred ay iisa. Ang Charmie na nakilala niya ay gawa-gawa lang lahat ni Mildred. Ipinasok ni Mildred ang sarili niya sa puso ni William sa pagkatao ni Charmie. Pinaikot ni Mildred ang buhay ni William sa mundo ni Charmie dahil ang totoo ay labis ang pagmamahal ni Mildred kay William. Matagal na. Ito lang ang naisip niyang paraan para bigyang lunas ang pagkabigo nito sa pag-ibig.

Behind the scenes: Gamit ni Mildred ang sarili niyang telepono sa kwarto. The one with the caller ID. Of course, that something in the mouth piece was a voice modulator. Sa pagkawala ni William, nag-imbistiga siya. Ang kutob niya, kasama ng mga sulsol ng iba (from the magazine picture, unsuccessful eyeball, etc) ang nagtulak upang magising siya sa kahibangan. Tiniktikan niya ang bahay ni Mildred every night. Humahanap ng tiyempo. Ang kwarto ni Mildred ay nasa tabi lang ng gate nila. Tuwing tumatawag siya kay Charmie ay nagri-ring ang telepono ni Mildred, both the landline and the cellphone. Maraming beses niya itong ginawa until truth was finally revealed.

Walang mukhang maipakita si Mildred. Nakayuko lang siya all the while. Hindi na niya kaya pang ituloy ang kasinungalingang ginawa niya kaya mabilis siyang umamin ng kasalanan. Hindi namin alam kung kanino kakampi. Mas nakakaawa ang itsura ni Mildred. Isang babaeng gumawa ng krimen mula sa nakakulong na pag-ibig. Marahil ginawa niya iyon ng hindi sinasadya. Dikta ng puso niya. Sa mundo nila ni William na hindi kailanman ay magiging kanya, hindi sapat ang maging isang kaibigan lang. Hindi ito basta kayang tiisin. Ang pagtingin niyang iyon ay hindi kayang baligtarin ng kahit na anong uri ng pagpapanggap. Sa paninimbang ni Mildred, mas naging masaya siya bilang si Charmie. Subalit ang kaligayahang iyon ay tuluyan ng magiging isang mapait na karanasan. Ang pagkakaibigan nila ay hindi na kayang ibalik, kahit saang mundo pa man sila magkita.

I thought it was a great story. Sana may napulot kayong aral. Thanks!


3 comments:

  1. that's what love can do to a person.make them sick, pathetic and crazy. im back reading ur post and I think u have a really interesting blog..im now 1 of ur fans.

    ReplyDelete
  2. that's the power of love..can make u crazy!! ur blog is so interesting..im back reading it now...

    ReplyDelete
  3. Thanks for appreciating the blog Jericho. I will try my best to keep it running. Tc!

    ReplyDelete