Monday, October 14, 2013

Near Death Experience


Not so long ago, nag-inuman kami sa bahay. Post birthday celebration ng aking younger brother. Bumaha ng alak. Abot hanggang lower lip. Just a thought.

Apat na litro ng not so friendly emperador light ang salarin. Nilamon at sinira ng ispirito ng alak ang matino naming pag-iisip. I should have known. Akala ko, normal pa ang bayaw ko nang gawin niyang sabaw sa kanin ang empi light like a sizzling hot bulalo soup. Nagkamali ako. Hudyat pala ito ng isang incoming delubyo. (Slam book entry. Question: What is your worst experience? Answer: This is it.)

Exempted sa inuman ang kapatid ko dahil pumasok siya sa trabaho. Lunes noon. Walang bagyo pero conducive para mag shoshol (shot shot lang). Kasama namin ang girlfriend niya playing the role of “Tanggera, Ang Babaeng Tanggero.” Noon ko lang siya naka-bonding ng ganon ka-intense. I thought it was just okay. Hindi ko na-sense na meron siyang premonition that something bad is going to happen. Tinamaan siya ng selfishness. Kinimchiu niya ang kanyang feelings.

Dalawang litro pa ng beer pangbanlaw ang bumida nang dumating ang kapatid ko. Tie kami sa pula ng pisngi pero lamang siya sa pagka-groge. Hindi sila nag-usap ng kanyang girlfriend. Mata sa mata lang ang ginamit nilang method of contact.

Nag-excuse siya sa session table at nag-prepare ng meal for younger brother. Umakyat sa kwarto at naghanda ng putahe. Now, premonition has materialized. May lumanding (root word- landing, as in parang spaceship na bumaba galing langit) na plato full of rice and spicy pork sisig galing sa second floor. Nag-shower ng blessings. And with all the screaming and stuff, na-arouse ang attention ko.

I arrived on the scene where a raving girlfriend is about to smash a two feet long wood-framed antique edgy mirror to my brother. Not a good scene to uphold. Inagaw ko ang salamin and tried to cease her. Malakas ang tama niya. Para siyang may sanib ni Hulk Hogan. Nag-struggle ako and so was her. It was wrong but it was the only thing to do at the moment. Advocate ako ng anti-violence.

My intention to calm her down doesn’t seem to please my brother. Feeling niya sinasaktan ko ang girlfriend niya. Though in the real sense, yes. Masakit ang hawak ko sa mga braso niya. Mas powerful. So, inawat niya ako using – headlock. Then, blackout. Pinatay ako ng utol ko.

Nagising ako, with the joy out of something happened to me the first time. At the back of my mind, gusto kong magbunyi for another achievement. Namaga ng very very light ang adam’s apple ko. Kung nakakita lang ako ng liwanag, iisipin kong matino akong nilalang at sa langit ako napadpad. But no, God has given me more time to prove my worth. Muling nabuhay ang katawang lupa ko at uminom ako ng gaviscon.

According to my family, my brother is exhibiting behavioral disorder due to alcoholism. His girlfriend is allegedly suffering from physical abuse every time my brother is under the influence of alcohol. I hope they get through it. Hindi pa sila break hanggang ngayon.

This is just one from my list of unhealthy experiences brought about by taking alcohol. We have this issue in the family and not of my brother alone. May mas malala pa akong kuya. This is a serious case and something that should be given attention. Please, huwag po kaming ikondena o gagayahin. Ito po ay pawang mga problema ng pag-iisip na kailangan pong maresolbahan. Give us time. Salamat sa pang-unawa.

It’s always more fun to be sober. Help someone find a cure. Cheers @@ Find Fast: Rehab International.org/alcoholism/



Friday, October 11, 2013

Where's Wally


Ilang linggo kong inabangan ang pagbabalik ni Wally sa Eat Bulaga. Waley. Natapos ang segment na Ikaw at Echo nang hindi ko nakita si Wally as Pitbull singing “you can blow my whistle, baby cum come real close.” Natuyuan ako sa paghihintay. Like, insanely.

Marami na akong napanood na sex videos. I grew up watching them. Wala pa akong sariling laptop noon but I tried to manage. Knowledge wise, I can testament to what should be classified as sex video scandal and a legitimate classy porn material. And if I can impose authority, marami akong gustong parusahan sa mga nag-attempt gumawa nito. Let’s be fair. Matuto tayong maging sensitive to both the people doing the act and the target viewers.

Hindi basta-basta ang pagbuo ng isang sex video. More than the arousing effect, na hindi lahat ay nakaka-achieve, may kalakip itong social responsibility stretching beyond decency and taste. Importante ito. Dito nakasalalay ang future. Kung artista ka, ito ang pwede mong ikasira – sa maraming paraan, isa lang dito ang panghabam-buhay na guilt at kahihiyan. Kung sa ordinaryong tao naman, ito ang pwedeng magluklok sa kanya sa tugatog ng tagumpay, sa supreme stardom. And vice versa. Right, Coco?

Kaya sa mga nagkakalat ng mga pornographic materials, huwag magpaka-proud. Mag-isip at magbantay. Huwag magmadaling mag-release ng sequel kung hindi naman pasado sa panlasa ng manonood ang unang upload. Hindi issue dito ang invasion of privacy. Issue dito ang response ng netizens. Hindi enough ang pag-usapan kung kaninong buhay ang nasira. Nobody’s perfect. Iba’t ibang level lang ng baho. Mas dapat isaalang-alang ang positive impact nito. Kung mag-iiwan ba ito ng mga ngiti sa labi.

Whateber, sex video. What’s the point of making it. Byes.

I grew up finding wally.

Saturday, September 7, 2013

Gilas Pilipinas: The Comeback


The best comeback team in history. Sa bawat laro ng Gilas Pilipinas para sa qualifying ng FIBA World Championship 2014, feeling ko player din ako ni coach. Ramdam ko ang intensity sa lahat ng game. Ang taas ng adrenalin ko, five minutes lang ako kung mag-dinner. Feeling ko 6 footer ako pagsapit ng 8:30 pm. Daig ko pa si Quinito Henson kung maka- comment. I guess every pinoy felt the same way. Everyone put their hearts into each game and so my congratulations goes to everyone of us. Mabuhay ang bansang Pilipinas!



Ang tindi ng paniniwala at suporta ng lahat pinoy sa Gilas ang nagdulot ng malaking epekto sa kanilang pagkapanalo. Kaya para sa mga pinoy who suddenly turned into bashers of team Iran, especially of Haddadi, itigil na natin ang pang-ookray. Hindi totoong sa lahat ng pagkakataon ay naglalabas ng mabahong amoy ang mabalbong balat. Lalong hindi rin iyon makasisira sa reputasyon at paglalaro ng isang magaling na basketball player na kagaya niya. It’s shameful and it’s useless.

May gumawa pa ng chismis na cancelled na ang FIBA sa 2014 dahil sa mga paninirang puring naglabasan sa internet courtesy of pinoys. The said press release is a product of a twisted mind. Again, it’s shameful and it’s useless. Dapat tayong maging socially responsible dahil ang kalokohang tulad nito ay maaaring magpalala ng sitwasyon, or worse yet, magkatotoo. Then, mag-gagalit-galitan ulit tayo. Ka-cheapan. Again, it’s shameful and it’s useless. Makuntento na tayo sa silver medal. An honor like this doesn’t happen everytime.

Since sa Barcelona magaganap ang championship, let’s just keep the faith. Hindi natin afford ang expenses papuntang Spain. Kanya-kanya munang diskarte guys.

All the best Gilas Pilipinas! Puso!

Miley Cyrus: The Sluttish Comeback

 

The girl that I used to know. She was once an idol. An inspiration for the young and hopefuls. An epitome of a woman born to perfection. For me, she was the sweetest. But like my ex-girlfriend, she can ruin my life as the bitch.



















On the second thought, she’s not as bad as I imagined. Just gotten hotter.


Sam Concepcion: The Pop Idol Comeback

At some point in my life, I dreamt to be like Sam Concepcion. I wanna sing good music and dance in videos like I’m the sexiest.




Tuesday, August 13, 2013

Mundo Mo'y Akin


Disclaimer: Malaking risk na gamitin ko ang title na ito. Ayaw kong makasuhan ng plagiarism and the likes. Let me use this title with the hope of proving relevance to it. It happens to be the most suited (and most striking) title for my story that I could think of. No offense meant. This is one significant yet unlawful event in my past. An experience worth treasuring like a big time scandal na biglang kumalat online. Kwento ito ng aking kaibigan na naglantad ng kanyang malaking sikreto and unfortunately, ng kanyang kasiraan as a human being.

Mabuti akong kaibigan at marami nang nag-take advantage sa akin. More often on the physical aspect.  And so, hindi ko intensyong ungkatin ang kwentong ito para tuluyang ubusin ang kaibigan ng kaibigan ko. Wala akong lahing traydor o kontrabida. Pagiging bitter lang ang worst adverse effect na maaari kong pakawalan. And by the way, marami siyang pera to redeem her social status. One reason kung bakit kami close noon. I have the sole purpose of revealing a story which I thought runs only in t.v. like a major primetime soap opera. I was wrong and ultimately confounded upon witnessing this drama. Na-realize kong totoong actual footages pala ang pinapalabas sa hit show noon na Calvento Files.

Setting: Between 1999 and before the millennium bug struck. Akala ko magugunaw na talaga ang mundo so I joined a church based organization.

Masaya ang nasalihan kong grupo although may malalaking age gap among members. Most of us were single even the oldest of our peers. Hindi maiiwasan ang tuksuhan sa ganitong klaseng environment. Ako man hindi nakaligtas. I don’t care. Serious ako sa purpose ko in joining this group to uplift the level of my spirituality. Kidding aside, ang couple na may pinakamaraming likes ang love team ay si William at Mildred. Hindi nila tunay na pangalan. Sa oras ng tuksuhan, nagkakaisa ang lahat regardless of religious belief. Solid ang fan base ng William-Mildred tandem.

Si Mildred ay isa sa mga naging close ko sa grupo. I just mentioned why. Mabait at kwela si Mildred. Isa siyang teacher. Tunay na professional. Boyish siya kung kumilos kaya she’s really one of the boys. At that time, she’s already in mid thirties. Still single kaya tampulan talaga ng tukso. Masarap siyang kasama. Madalas siyang manlibre ng miryenda.

Kahit sino sa simbahan, hindi maiilang ma-link kay William. Gwapo, mabait, matangkad. The usual heartthrob. Sincere na kaibigan si William kaya kahit na jobless since college, hindi siya marunong mag-take advantage lalo na sa girls. William is in his late twenties but doesn’t show. Positive ang outlook niya sa buhay. May dimples siya katulad ng kay Aga Mulach.

Si Mildred at William ay matagal nang magkaibigan. Mataas ang respeto at tiwala nila sa bawat isa. Walang rason para mapikon sila sa tuksuhan. If I must elaborate the scenario, malabong ma-inlove si William kay Mildred. Parang kapatid ang turingan nila sa isa’t isa.

Since sumali ako sa grupo ay hindi ko pa nakitang may niligawan o naki-pag date si William. Hindi sa nakikialam ako, mahirap lang talaga paniwalaan. Malaki ang potential ni William in attaining a considerable lovelife. Minsan akong naglakas ng loob tanungin siya about it and he simply showed me a picture from his wallet. Maganda ang babae sa picture. I can’t deny the fact that the picture was actually taken out from a magazine because of the glossy paper it was printed on while the person on it is posing like a model. That moment I thought it was a joke, but it’s not. Iyon daw ang phone pal niyang si Charmie (di tunay na pangalan) and he has high hopes na magiging mag-syota sila.

Strict daw ang parents ni Charmie kaya sikreto ang kanilang relasyon as phone pals. Bawal ang calls sa umaga. Wala na akong pakialam pa sa kwento nilang dalawa as he is full of confidence when it comes to it. According to him, Charmie is a part-time model. Lives in an exclusive subdivision and goes to an exclusive school. She is very much exclusive for that matter I suppose dahil hindi pa kahit minsan sila nagkita sa personal. Kahit na ilang buwan na silang nagtatawagan.

Si Mildred ang nag-introduce kay Charmie to William. Ang landline nito, ang glossy picture, ang mga love letters, galing lahat kay Mildred. Kaibigan daw ng younger sister ni Mildred si Charmie. With that kind of connection, si Mildred ang naging tulay sa pagbuo ng love story ng dalawa. Maraming kwento si Mildred about Charmie and how she fancy William. Lahat ng feeds na ito ay galing lahat kay Mildred. Sa pagkakataong iyon, higit pa sa tulay ang tingin ko kay Mildred. Para siyang co-founder ng RSS feeds being the source of all information.

May nakakatawang kwento si William about sa naunsiyaming eyeball sana nila ni Charmie. Hinabol daw sila ng aso sa gate ng bahay ni girl in the picture. Magkasama sila noon ni Mildred dahil siya lang ang nakakaalam ng naturang exclusive subdivision. I thought it was a funny story. But not until after several months na hindi na kailanman natuloy pa ang grandest eyeball William could have been into. It was so frustrating that William became desperate on knowing Charmie more and the real score between them. Madalas absent si William sa grupo. I thought that time hinanap na niya si Mr. Calvento.

I hangout with Mildred most of the time and you know why. She let us stay in her room and talk shit. Puff cigarettes and make fun of anything there is. From there I realized how Mildred looked somewhat techie by her bedroom loaded with instrument and apparatus. Parang social hub ang kwarto niya. She has her own telephone line with caller ID which she say is a private line. She also owns two mobile phones and also keeps her own phone pal. Sa akin lang niya sinabi and honestly, I didn’t care much. Wala akong pakialam sa senior moments niya. I was happy though for the guy who caught a professional woman who is a complete virgin.

Madalas talaga akong tumambay kina Mildred. Rated PG (Patay-Gutom) kasi ang buhay ko noon. Totoong may phone pal si Mildred. Mali ang hinala kong inglatera lang siya. Gamit niya ang landline niya na may caller ID at may something na nakalagay sa mouth piece. Gabi-gabi niya itong kausap. Malanding kausap si Mildred. Sa pagkatao ni Mildred ako unang nakakita ng malanding tibangbang. Hindi siya kaiga-igaya.

Weeks passed, hindi na sumasama sa grupo si William. Ang balita namin ay may bago na itong girlfriend. Being the closest in the group, tinanong ko si Mildred about it. May nililigawan nga daw ito at hindi niya gusto ang girl para kay friend William. I wondered why. And with the looks of Mildred, she was more than sad. She looks troubled with all her nerves. Nakaramdam ako ng di maganda worse than pagtatae. Feeling ko ay parang may sasabog na mabaho anytime.

William is really nowhere to be found. Until one calm Sunday evening. Sa isang meeting place namin sa tabi ng simbahan, sa isang open area na punung-puno ng religious personalities, narinig namin ang galit na boses ni William. Few meters away from us, sumisigaw siya with all the fucking bad words with the subject Mildred. Namumula sa galit si William na kailangan pang awatin ng mga kasama namin dahil malapit na itong magbasag ng mga hand-painted na paso. Sa mga oras na iyon, hindi ko maipaliwanag kung ano ang eksaktong nangyayari kay William. Kailangan namin siyang pakalmahin for him to make sense.

With almost teary eyes, kinuwento ni William ang outrage niya. Niloko siya ni Mildred. Si Charmie at si Mildred ay iisa. Ang Charmie na nakilala niya ay gawa-gawa lang lahat ni Mildred. Ipinasok ni Mildred ang sarili niya sa puso ni William sa pagkatao ni Charmie. Pinaikot ni Mildred ang buhay ni William sa mundo ni Charmie dahil ang totoo ay labis ang pagmamahal ni Mildred kay William. Matagal na. Ito lang ang naisip niyang paraan para bigyang lunas ang pagkabigo nito sa pag-ibig.

Behind the scenes: Gamit ni Mildred ang sarili niyang telepono sa kwarto. The one with the caller ID. Of course, that something in the mouth piece was a voice modulator. Sa pagkawala ni William, nag-imbistiga siya. Ang kutob niya, kasama ng mga sulsol ng iba (from the magazine picture, unsuccessful eyeball, etc) ang nagtulak upang magising siya sa kahibangan. Tiniktikan niya ang bahay ni Mildred every night. Humahanap ng tiyempo. Ang kwarto ni Mildred ay nasa tabi lang ng gate nila. Tuwing tumatawag siya kay Charmie ay nagri-ring ang telepono ni Mildred, both the landline and the cellphone. Maraming beses niya itong ginawa until truth was finally revealed.

Walang mukhang maipakita si Mildred. Nakayuko lang siya all the while. Hindi na niya kaya pang ituloy ang kasinungalingang ginawa niya kaya mabilis siyang umamin ng kasalanan. Hindi namin alam kung kanino kakampi. Mas nakakaawa ang itsura ni Mildred. Isang babaeng gumawa ng krimen mula sa nakakulong na pag-ibig. Marahil ginawa niya iyon ng hindi sinasadya. Dikta ng puso niya. Sa mundo nila ni William na hindi kailanman ay magiging kanya, hindi sapat ang maging isang kaibigan lang. Hindi ito basta kayang tiisin. Ang pagtingin niyang iyon ay hindi kayang baligtarin ng kahit na anong uri ng pagpapanggap. Sa paninimbang ni Mildred, mas naging masaya siya bilang si Charmie. Subalit ang kaligayahang iyon ay tuluyan ng magiging isang mapait na karanasan. Ang pagkakaibigan nila ay hindi na kayang ibalik, kahit saang mundo pa man sila magkita.

I thought it was a great story. Sana may napulot kayong aral. Thanks!


Monday, July 15, 2013

Channel Surfing


Sinubukan kong mag-channel surfing. Gawain ito ng mga taong walang magawa at walang planong mag-isip ng gagawin. Madali lang kasi ang mechanics ng hobby na ito and most importantly, walang gastos. Napadpad ako sa isang sports channel. Natuwa ako sa nakita ko. Mga lalaking puro naka-boxers.

King of the Cage Philippines ang title ng palabas. Mix martial arts competition na ginaganap sa The Arena. Naaliw ako. Sa wakas, may paglalagyan na rin ang tigas ng ulo ng mga Pinoy. Madaling makapasok sa sports na ito. Mura lang ang puhunan sa basag-ulo. Inglisero pa ang mga commentators. May english translation ang proseso ng bugbugan. Medyo disturbing lang na ang talunan ay kailangan pang ilagay sa stretcher.

Isang proof ito na ang pinoy ay hindi nagpapahuli. We don’t want to be left behind especially in the international scene. Hindi ko alam kung iyon ay mabuti o masama dahil hindi ko nararamdaman ang epekto nito. Sabay man tayo sa trend, hindi tayo sabay sa pag-unlad. Marami pa rin ang mahirap. Pangit maging trend ang pagiging mahirap.

Sa isang channel na napuntahan ko, nakakita ako ng konting hope. May isang kabayan ang namamayagpag ang ba*ag sa The Apprentice Asia. It sounded good. But ironic. Kung maganda lang sana ang opportunity na meron sa bansa, hindi malayong umunlad tayo kung ganito kagaling ang mga pinoy sa ganitong larangan. Keep it up, Sir Jonathan. Magtayo tayo ng business minsan.

Isang replay episode naman ang napanood ko sa isang news t.v. They featured the life of the late Poks Esquivel from the original Surfing Capital fo the Philippines, La Union. He was regarded as the Philippine Surfing’s One-legged Wonder. Pinasikat niya tayo sa kanyang husay. Hindi rin ordinaryong sports sa pinas ang surfing. Mahal ang surfboard at wetsuits. Naiyak ako sa kwento niya. Nanghinayang. Many people, mostly foreigners admires him. Amazed by his spirit and courage.

Too bad Poks has to leave us early. Good thing, many people are inspired by him. RIP Poks. You make us real proud.

And what can you say about Charice being named as The Hottest Lesbian in the World 2013 by the US LGBT website autostraddle.com? Put your thoughts in the comment box.

Isang music channel naman ang napuntahan ko. Napanood ko ang isang music video ni Yeng. Her video reminded me of Bruno Mars’ Lazy Song but it’s  not bad. I can still see the point of originality. Minsan lang ako maka-appreciate ng OPM music video. This one caught my interest. It also reminded me of myself. I’ve been called Chinito a number of times.

Gusto ko sanang tapusin ang post na ito with Just Give Me a Reason by Pink. Mas sikat at mas sakto sa timpla ng mood ko. Yeng and Pink are equally talented composer artists kaya keri na. Prefer ko lang na ma-associate kay Enchong instead of Nate Ruess.



The Unexpected


Selfie ba kamo? Etong sayo.


Anyway, nagpunta ako sa MOA para magpahangin. When I say magpahangin sa MOA, ibig sabihin lang ay sa bandang likod kung saan natatanaw ang parte ng tinambakang Pacific Ocean. Walang fresh air na hatid ang aircon sa loob ng mall. Naalala ko ang unang beses kong pagpunta limang taon na ang nakalipas, may nalanghap akong sariwang hangin mula sa overlooking part ng mall malapit sa sinehan. It's cool. Bongga sa tipid mode

Sumama sa plano ko sanang escapade ang pamangkin ko kaya nag-decide na rin kaming dumaan muna sa Baclaran Church to attend a children’s mass. Baka maubusan ako ng pasensiya sa dadanasin ko. I need more strength to bear that kid. She is one hell of a master when it comes to disobedience and misbehavior. And I am poor at supervision.

Kahit hindi weekend ay maraming tao sa MOA. Nag-aagawan sila ng Redemptorist Church in terms of visitors. Hindi ko alam na may umusbong na palang fiesta carnival sa likod ng mall. Ang inaasahan ko ay isang baywalk kung saan makakaupo ako sa tabing dagat at maghahanap ng timing makipag-flirt. Hindi ako naging masaya sa aming inabutan. Lalo na ang pamangkin ko. Blockbuster ang upgraded peryahang ito. At wala kaming pera maki-jamming sa craze dito. Sarap hulugan ng granada para mabawasan ang kapal ng tao. Hindi uubra ang mag-moment.

Well, I am not such a bad person at all dahil dininig ang prayers ko. Dumating ang mga magulang ng pamangkin ko na mukha pang mas excited sa aming sumakay ng ferris wheel. Sinagot nila ang lahat ng tickets at fudang. Ate kong maganda, thank you for coming!


Friday, July 12, 2013

Jumper


Hinalukay ko ang lumang external hard drive ko. Naging hobby ko na ang magkalkal mula ng mawalan ako ng trabaho. Naloka ako sa kalagayan ng EHD ko. Ang mga files parang nasa roleta ng kapalaran. Kailangan ng matinding swerte sa paghahanap ng file sa folder. May nakita pa akong resume na ginamit ko way back 2005. O my G, ang picture ko hindi na throwback thursday, pang museum na. Virtually, I could see some electronic agiw on it. I swear, it can haunt me in my sleep.

Upon browsing, I ran into my old collections. Namely cvko, ebookfiles, musicdownloads, movicoll and collexxx. Gosh, collexxx suddenly gave me chills. It brought back lots of memories. Pagkatapos kong mag-organize at mag-rename ng files, naisip kong manood ng movie from my collection. I chose to watch Jumper. Ang pelikulang nag-launch sa career ni Kristen Stewart.

Naka-relate ako ng slight sa movie. Bukod sa malaki ang resemblance namin ng bida, naghangad din akong makapag-teleport. Sarap kaya mag-travel ng walang pamasahe. And I think I did it once. I remembered it happened to me, I just don’t know exactly how. I was in one place and woke up in a different location. Ganito kasi ‘yon.

Nalasing ako. Hindi ako nagtira ng pang-uwi. Galing ako sa night shift. Nag-biyahe ng dalawa’t kalahating oras at nag-volunteer sa preparation committee. Nag-decorate ng venue at nagprito ng 500 pcs. na lumpiang shanghai. After hosting the party, videoke galore, bottomless alak at sandamakmak na landian, naubusan ako ng malay.

Nakiusap akong makitulog sa bahay ng isang kaibigan dahil wala akong ibang choice. Wala akong pang-check in sa hotel kung saan ginanap ang christmas/slumber party. Sa totoo lang, ayaw ko talagang matulog sa hotel kasama ang mga katrabaho ko. I try to avoid one night stand for personal reasons. So, I decided not to stay and there how the teleportation act happened.

From a rousy evening of social gathering, nagising ako sa isang hallway na may tuyong laway sa bibig. For a moment I thought I was a victim of malicious compulsion. Whether I got robbed or something. Nalito ako sa mga nangyari. Wala akong maalala. Hindi ko matandaan kung paano ako nakarating sa hallway na iyon ng walang sapatos at medyas. Wala akong time para mag-isip. Kailangan nang i-mop ni kuya ang sahig ng umagang iyon. Hindi ko na nagawang kunin ang opinyon ng mga taong nakakita sa sarap ng tulog ko sa sahig. I jumped up the stairs and escaped the hell out of it.

It took me a while to realize the incident. Nasira kasi ang bitbit kong laptop at nawasak ang bago kong cellphone. Puno ng galos at sugat ang mga tuhod at siko ko. It was a total disaster and I have no one to blame. Wala akong powers to bring back time at piliin ang pakikipag-jerjer sa co-employee kong may hots sa akin huwag lang umuwing baldado. I can’t write the details of how I did it but I think you can figure it out. May kasabihan, mabuti pang maging pilay basta may saklay, kaysa umuwi nang lasing ng walang umaakay. Maswerte pa akong nakauwi ng buhay.

Don’t drink and pretend to be a superhero. It’ll be a messed up experience.


Thursday, July 4, 2013

Throwback Thursday


Maraming uso ngayon. Isa na ko dun. Sabi kasi nila, sa sobrang bait ko daw, humahawig na ako kay hero dog na si Kabang pag meron akong bigote at balbas. Kapag wala naman, si Lolong, sa haba ng nguso ko. Ang ninuno ng mga higanteng buwaya. Sumalangit nawa. Malakas kasi ang animalistic appeal ko. Lalo na kung gutom.

To keep myself  up-to-date, laging bukas ang account ko sa fb. Bukas sa lahat ng gustong gumamit sa akin. Doon ko nasasagap lahat ng mahahalagang chismaks. Importante yun sa buhay ko. Hindi ko man nakaugaliang patulan ang tanong na ‘what’s on your mind’, active ako sa social site na ito bilang isang fb viewer. Active role ko ang magbasa ng news feed, tawanan ang mga biktima ng internet meme at mag-dislike ng mga status update from various attention seekers.

Hindi ko talaga kayang sumabay sa uso. Stale is my middle name. Wala akong instagram. Walang twitter application ang cellphone kong may flashlight. Ang blog ko, may limang followers. Dalawa dun, sarili kong account. Minsan may nag-comment sa isang post ko. Hindi ko ma-appreciate. Nagbebenta siya ng cialis. Please po, wala akong talent sa networking. Selfie mood ako lagi.

Kung meron man akong kayang isabay sa uso ngayon, sa isang paraan lang. Ang ibahagi ang aking nakaraan. Ang nakaraan kong hitik sa aral at kabuluhan. Sa panahon kung kailan ang kagat na lamok ay walang dalang chikungunya, ang kabataan ko ay mabilis na pinagyaman ng karanasan. Ito ang panahon kung saan ang sunset sa Dewey Blvd. ay isang tanyag na tourist spot at ang paliligo sa Manila Bay sa likod ng PICC ay hindi pa pinandidirihan. May beach dati doon, Mall of Asia na ang tawag ngayon. If only I could turn back time, I definitely would. I prefer a life that is less complicated. And more fun in it’s most natural way. Seriously.

I’m no good at history. Sira ang brain memory cells ko. Pero normal pa rin ako. I also have my own childhood experiences na tumatak sa isip ko. Konti lang ito and very very mild experiences lang. Let me share and maybe a few of it could serve you an inspiration.

Valedictorian ako nung kinder. Dalawang section lang kami kaya madali ang pagpili sa akin. I became model student dahil wala raw akong negative behavior. Mahiyain ako noon. In short, I captured the heart of my teachers. Easy trick. Isa sa mga kaklase ko ay naging bestfriend ko. Siya ang naging salutatorian. His mom can’t take it. After graduation, they moved  to another place, to another school with less advanced students. This guy, hinanap niya ako sa fb. We regain our friendship. Now, he is showing off to me. I smell vengeance. What a loser.

I entered grade one carrying the legacy of an honor student. I was full of pressure. Naging substitute teacher ako sa reading class pag may kachokaran si ma’am. Mataas ang kompiyansa nila sa akin. Ang hindi nila alam, maraming english words ang hindi ko alam ang pronunciation. Iniimbento ko lang. My class failed in exams. I ended up eighth honorable mention. Part of me wants to weep, but my mother was like, ‘Good job anak, keep it up!’

First experience ko mag-field trip nung grade two. First time kong nakarating ng Nayong Pilipino. First time kong na-shoot sa bunganga ng bulkang mayon. Hindi na naulit. Nakaka-tense.

I had my first crush when I was in grade three. Dito ko unang naramdaman ang self-confidence. Kitang-kita ko yun sa aming class picture. Ang aura ko, may ibang sense of maturity. Lakas makabuntis ng dating. The girl I used to admire is really pretty. We had good times together. Nalipat siya ng section pagdating namin ng grade four. I thought she was my forever.

Dati nang uso ang mga tamad na teacher. Tamad magturo pero masipag sa negosyo sa classroom. Dati akong naging runner. Tumatakbo kami sa tindahan dala ang listahan ng merchandise ni ma’am at pabalik para hindi ma-late sa flag ceremony. Nagtitinda na siya bago magsimula ang klase. I earned extra credits for being a forth runner.

My worst childhood experience happened when I was in grade five. Actually, it’s not totally embarassing. Sabay sa uso lang din ako noon. Umihi ako sa loob ng classroom, on my chair, wearing my school uniform. I’ve seen my classmates doing it. It was like a thing back then. Ang hindi ko lang naisip, nakalagay sa ilalim ng upuan ang bag ko.

@throwbackthursday. Byes!


Animalistic appeal pag gutom.

Thursday, June 27, 2013

Moral Issues


Recent reports state that the Supreme Court had cleared the way for same-sex marriage in the State of California. The said state is now one of the few places in the world where gays and lesbians have equal rights as to what straight couples have especially in the matter of getting married, at least in the court of law. Congratulations.

On the other side of the world, may ruling din na nais ipatupad ang CBCP via MTRCB. It states that:


CBCP-ECY executive secretary Fr. Kunegundo Garganta said TV producers and writers must study themes presented in their shows and make sure they are based on moral standards.

He said guidelines regarding themes followed by TV networks are important, especially for television shows with controversial content. Garganta urged networks to consider how the shows impact young viewers’ consciousness.
(from
Rappler)


Ito ay patungkol sa GMA7 primetime soap na My Husband’s Lover. Wherein the series tells the story of Vincent, a closeted gay who chose to marry his girlfriend Lally after he got her pregnant in college. But Vincent’s heart only beats for his greatest love, Eric, who still loves him the same way in spite of being away for years.

Normal. I think there is nothing much unlikely in the story to talk about. May iba pang taong gusto si mister maliban sa kanyang asawa. Parang remake lang ng Temptation of Wife na originally ay isa namang koreanovela. Paulit-ulit na ipinalalabas. I wonder why the CBCP is making it subject to censure when MTRCB permitted the airing of the soap based on its existing guidelines.

It’s clear for me to say they they are trying to interpret a gender-sensitive issue. Kung babae ang kabit ng lalaki ay okay lang ipalabas sa t.v. basta may intro ng SPG? Whereas if closeted gays are involved, morally damaging to higher extent? I think, the sexual orientation of the characters should not be an issue. We've seen gay roles bunch of times before. And we've tackled adultery since ancient times. Wala akong nakikitang bago sa palabas na ito. So, I may just base my debate on the realm that humans have also equal chances in committing mistake, regardless of gender. Kaya ang lalaki, posible ring maging kabit.

Let’s give it a break. Grant the parents the power of discretion. Sila ang makapagsasabi kung gusto nilang makasama ang kanilang anak panoorin ang teleseryeng ito. Kung kailan pwede at kung kailan dapat takpan ang mga mata ng bata kung may maseselang eksena. They know their children more than any of us do. Magandang challenge ito para sa kanila.

Ayaw kong pag-usapan ang moral. Hindi ito madali. Walang subject nito sa school. Hindi nito sinasabi kung alin ang tama at kung ano ang mali. Ang isang katulad ko na maraming mali sa pagkatao, walang pinanghahawakan para paniwalaan. Ang alam ko, tumataas ang rating ng MHL dahil todo ang publicity nito.

Kung ang palabas lang na ito ang maglalaman sa balita, it’s not worth it. Let the people running the show keep their job and earn a decent living. May mas mahahalagang usapin ang kailangan tutukan ng CBCP. I should know. Nagsilbi ako sa simbahan ng maraming taon. A lot of issues concerning the church are greatly valid for moral debate. And needs immediate solution.

Sa panahon ngayon, mabilis na ang realization ng isang tao kung siya man ay bakla. Hindi na ito kayang i-pre-empt. Pinag-uusapan nila ang paksang ito, sa trabaho, sa pila kung saan, sa text, syempre sa social media, like usual. There’s plenty of means and bountiful source to watch this piece of story, without us knowing. I think, the people who can relate to this topic can make their own guidelines out of it. It’s giving them the privilege to decide on what is morally right to do whenever a similar circumstance arrive in their own. The show is actually giving them an experience. So they can avoid the hassle it could bear eventually.

I've said it. Basag ang puso ko kaya naisip ko itong topic. Deal with it.

Masarap magmahal.
Mahirap makisama.
Masakit ang lokohin.
Matagal mag-move on.


Watch the show. If you see something, say something.


Tuesday, June 25, 2013

Feeling The Moment


June ngayon. And so? May kaibigan akong ang lakas ng trip isabay ang kasal niya sa gastusin ng enrollment at regular visit ng mga tropical depression. Abala ang paghahanap ng regalo at costume para sa reception. Kailangan rain proof especially the shoes. Nagco-commute lang kasi ako. Makulimlim man ang kalangitan, hindi sila napigilang mangarap. Naniwala silang “June bride is a dream wedding come true”. Ang masasabi ko, “Some brides are married to Chuckie”. May mga bride na hindi inakalang kinasal pala sila sa puppet ng demonyo.

Sa aking pag-iisa, 25GB yata ng porn ang napanood ko. Don’t get me wrong, I’m practicing celibacy. Hinanap ko ang sex scandal ni Hayden Kho featuring Katrina and Maricar. Gusto kong alamin who’s husband is merrier now, Richard Poon or Kris Lawrence. In the kindest of my heart, I realized the possibility that the videos thaught them who fits who. I have high regards for Hayden Kho, being an instructor made him, not a doctor. Despite of the shocking history, Katrina and Maricar were two less lonely people in the world.

Ginanap ang kasal last week. My bestfriend’s brother’s wedding in CamSur. Ginawa nila akong photographer. Sayang ang costume ko. Nakausap ko ang groom sa bisperas party ng kasal. Nag-usisa ako. Tinanong ko siya kung sino ang nagtulak sa kanya sa kumunoy ng pagpapakasal. Simple lang ang sagot niya. Grade 1 na ang anak nila. Walang nagsabi sa akin na anak pala nila ang inutusan kong magsibak ng yelo para sa beer ko. Hindi lasing si kuya pero hindi na siya nagbigay ng iba pang dahilan. Pagkaubos ng isang kahong red horse, tumayo na siya sa inuman at natulog. Ayaw daw niyang ikasal ang fiancee niya sa mukhang nalunod sa kumunoy. Lumipat ako ng kampo, tinanong ko si ateng bride. With the same question, she answered me in a slightly sober way.

There’s no single formula to come up with a perfect relationship. Nagduda ako. Dun ko lang kasi narinig naginglish si ateng bride. Imposibleng may ESWD Syndrome (English Speaking When Drunk) si ate dahil hindi rin siya lasing. Nagpaliwanag siya. Nag-expound. Hindi ko pa rin naintindihan.

Sa ikagagaan ng aking kalooban, susubukan kong gumawa ng formula ng love potion for everlasting love. Sa totoo lang, kailangan ko itong malaman kung meron sakali mang ma-in love ako ulit agad agad. Dahil ako mismo ay may pinagdadaanan. Malungkot talaga ako ngayon. Sobra. At seryoso. Seven years akong single and when I finally found someone, di man lang nagtagal ang relationship ko ng seven months. Whattasheym. I feel expired already.

My other bestfriend, google, was there to help me. Nag-search ako ng top love quotes and it gave me everything I hoped for. Baka sakaling maintindihan ko ang tunay na kahulugan ng love at kung bakit masakit, masakit ang loob ko sa nam-break sa akin. Or one bitch will soon gonna die.

Google top quotes:
  • ·         “ Love is blind. ”
-     Matagal na. Kahit laser surgery hindi na siya makakakita. Overrated. Cliché.
 
  • ·         " The best and most beautiful things in this world cannot be seen or even heard, but must be felt with the heart. " Hellen Keller
 -       Haller, kung hindi kayang manlibre ng sine o siomai, walang pumapansin. Hindi kasi nakikita ang goodness ng heart at first sight. Kailangan may porma. Kailangan mapa-siklab. Kailangan loaded ka at well-budgeted. Love at first sight my ass.

  • ·         " We begin to love not by finding a perfect person, but by learning to see an imperfect person perfectly. "
 -       Like in fairy tales. Where the frog becomes prince by a kiss and quasimodo is full of admirers in spite of being kuba and all. I don’t live in the fairy world. Sa tabi kami ng riles nakatira.

  • ·         “ If you love somebody let them go, for if they return, they were always yours. And if they don’t, they never were. ”
 -    Hindi pa siya bumabalik. Irrelevant. Next.

  • ·         “ If you judge people, you have no time to love them. ”  Mother Theresa
 -       I’m really sorry Mother. Judgemental po akong tao. Not gonna work.

  • ·         “There is no remedy for love but to love more. ”  Henry David Thoreau
 -       Ang remedy ko, baso at beer na may yelo. Inum na lang natin yan dre. Kanta ka, To Love You More ni Sarah.

  • ·         " All you need is love. " John Lennon
 -       And you didn’t believe it yourself, Sir John. Your wife was never really all you needed. Hirap maconvince coming from you.

  • ·         “ Love is composed of a single soul inhabiting two bodies. “ Aristotle
 -    It’s always been science to you, man. Get real. Two bodies can’t have one soul. Duh.


  • ·         “ I love you, not only for what you are, but for what I am when I am with you. “ Roy Croft
 -       Ginamit ko 'tong pick-up line. Waley. Forward ko na lang daw ang quote sa bestfriend ko.

  • ·         “ The greatest thing you ever learn is just to love and be loved in return. ”  Nat King Cole
 -       Great song from a great singer. Kakantahin ko na lang ito sa next session ng inuman namin ng tropa. Hindi ko pa ‘to naramdaman kaya hindi ko alam kung totoo.


Speaking of great songs, heto ang bagong theme song ng puso kong bigo. Feeling the Moment by Feeder. Dito umiinog ang vocal cords ko sa panahong ito.



 
Wala sigurong formula. Love and hate. Kambal yan. Parang si Richard Gutierrez, hindi niya kayang itakwil ang kapatid niyang si Raymund kahit pa mas malusog ito sa kanya at mas fashionable. Kaya nga tinawag na break kasi masakit. Kung cake, masarap.

I am celebrating my singlehood again. Hew! Like I really want the world to end now.


More quotes:

The course of true love never did run smooth.
William Shakespeare

If love be rough with you, be rough with love. Prick love for pricking you and beat love down.
William Shakespeare

It is best to love wisely, no doubt; but to love foolishly is better than not to be able to love at all.
William Makepeace Thackeray

The hottest love has the coldest end.
Socrates

I must forget how good it tastes,
And how beautiful were the days.
Cos the bitterness is worse
than the happiness it caused.
The fact that I know,
it’s better that I let you go.
Dino Malicioso