Sunday, April 28, 2019

Out! : Near Death Experience 2


It's a team building one month in the making. Ako ang nag-suggest at nag-organize. Jollibee ako eh. Sobrang init sa Manila that summer. Marami ang hindi nakakatulog ng maayos kapag walang aircon. Wala kaming aircon pero may water cooler ako, yung nilalagyan ng yelo. Pwede na.

Tuloy ang team building kahit kulang. Sayang mas maliit sana ang gastos kung mas maraming kasama. Sabay sa araw ng sweldo yun pero napagkasunduan na lang mag DIY. Kakapanood ng youtube. Medyo challenging ang paghanap ng summer destination considering our budget but we're lucky enough to proceed as planned. #SummerFeels here we go!

Galing kami noon sa night duty. Maswerte kami sa mabait na boss na naniniwalang camaraderie makes the office a great place to work at kaya pinayagan niya kaming umalis ng maaga. Since public bus lang ang transpo namin, inabot kami ng 5 hours sa biyahe. Hindi ko expected maygas. Malapit na ako mangamoy pulgas. It's ok, maaga pa din naman kaming nakarating ng resort.

Mainit din sa Calatagan nung dumating kami. Inatake ng headache ang ilan sa mga kasama namin. Yung pinaka malaking tao samin siya pa talaga yung unang tinamaan ng headache. Ang ending, ako ang nagbuhat ng ilang mabibigat na gamit. Pahamak din minsan ang pagiging Jollibee eh.

Nakaramdam din ako ng sakit ng ulo dahil na din siguro sa init ng panahon pero I made sure to take care of myself kaya I kept myself hydrated to sustain my energy. Marami pa akong gagawin at kakarating lang namin sa resort. Marami talaga akong gagawin, Jollibee nga kasi. 

After a short rest, hinanda ko ang mga lulutuin. Nag-ihaw kami afterwards at nag-kwentuhan para mapayabong pa lalo ang aming camaraderie. Natapos na rin ang pinaluto namin sa resort na kanin at adobo and I really felt that this team building is going to be so amazingly fun.

After dinner we went straight to drinking. I mean alcohol drinking. Nakaubos na kami ng isang boteng tequila nang maglabas ng puff yung kasamahan ko. The green puff if you know what I mean. Dala ng alak at first time to experience, na-excite ako ng sobra sa pag-puff. After only a few minutes of smoking like tambucho, I felt a sudden jolt in me. I don't know exactly what it is but I felt really scared and nervous.

I can't take it. Nagpaalam akong magpapahinga na at matutulog. Nagtaka yung mga kasama ko dahil masyado pang maaga. Pinayagan naman nila ako at pinilit kong itulog ang nararamdaman ko. 

I didn't get to sleep because I can't handle what I'm feeling. It's a combination of fear, tension, nervousness, and violence all at the same time. It's so weird and I'm starting to be aggressive in front of everyone. Mahiyain akong tao at ayoko ng eskandalo pero nung mga oras na iyon nagwawala na talaga ako. The only way to stop me is to bring me to the hospital and so my team mates did. 

Ten minutes flashback: On the way to the hospital on a speeding tricycle, I still can't calm myself. There's one thing in my mind though, I thought I was going to die. From that thought, I told my team mate to contact my boyfriend. 

And the rest is history.




I'm not stupid when I loved you but
I'll be if I won't tell them that I do with you. 


Sunday, April 14, 2019

The Road So Far


It's Lunes again and I was like 😔. Ang bilis talaga ng oras, hindi mo namamalayan. Nag-birthday ulit ako and I was like 😱. Di ko alam ganun na pala ako katagal sa earth. Looking at my skin kasi I thought I was like 😊.

Okay, hindi naman talaga ako rosy cheeks. Wag na mag-react. Asar lang ako kasi kahit anong ingat ko sa mukha ko ay para syang may pabrika ng tigyawat. Walang notice kung mag-mass produce ng pimples wagas. Lalo na kapag may lakad ako para siyang chaperone. Clingy ang p*ta.

Sa puntong ito ng buhay ko, I am really trying my best para alagaan ang skin ko especially sa mukha. Feeling ko kasi it's my winning glory. Deceiving pero it makes you feel young pag sinabihan ka ng "you don't look your age." Nakaka-energize. Kaso lang may katamaran din ako. Konting dumi sa mukha ko boom pimple agad. I hate it to the moon and back. There's like a moon on my back.

Bakit ako napunta sa skin? Lately, parang naging obsession ko ang magpa-diamond peel. Lucky enough, ayos naman ang resulta and I am happy. May konting angas lang. Yung feeling na kaya ko naman maging Joshua Garcia sa Master Eskinol commercial. Hahaha!

Anyway, ang punto ko lang naman ay ang bilis ng aking pagtanda. Pakiramdam ko yung 24 hours 23 na lang. Medyo bothered ako. Ang daming social and personal pressure na dumarating. Parang Endgame. I am feeling like it's a battle. (Feeling ko artista na ako.)

Before the curtain falls, which I pray na matagal tagal pa sana, let the Versace fall muna. I mean, sana mas maraming good things na mangyari at sana maging mas malakas akong tao. At dahil dyan, I'm being focused on my journey. I want to make a good life story. A Very Beautiful Man, the Dino Malicioso story. Ehem 👏👏 👏

Eto na nga. Kung may teaser yung movie ko na yan, eto ang laman. Behold, walang sex scenes dito. Saklaff... Puro pantasya lang at puro hand job. Tungkol sa sariling sikap pero may tagumpay naman ang kwentong ito. Maliliit lang na bagay pero may malaking tulong. Hindi puro pa-bida lang.

May sideline ako sa airbnb.com. Staycation eme eme. Modern age paupahan. Sunod sa demand ng sangkalawakan.

May start-up business ako in the name of Blanko Whilde. Ang wild di ba? Malicioso sana yan kaso nagmadaling umawra. I am hoping to develop this business some more. 🙏🙏🙏

I have travelled a little more. Hindi ako mahilig mamasyal pero mahilig ako maglibang. Libang = Pasyal. Or Pasyal = Libang. Ganun. Pwede ring Libang = Jak*l or Jak*l = Libog. Sobra. Nakaka comma pucha.

May plano akong bumili ng bahay. Wala kasi akong permanent address. Any recommendations sa Cabuyao Laguna? Suggest on the comment box below. Nahirapan kasi akong mag-provide ng ID na may parehong address. Saka ayoko ng maging NPA. No Permanent Address. I hope God will help me on this endeavor. Pwede din Lord manalo ako sa lotto. Di po ako choosy. 🙏 🙏🙏

Konti lang naman ang ganap sa buhay ko but it's something for me already. Parang may direksyon na rin ako kahit papano. I know I'm blessed in so many ways. Natutunan kong huwag maging standard ang buhay ng iba. Alam kong may sarili akong landas, may sarili akong buhay.

It's a Holy Monday and if you will give this a thumbs up, subscribe and hit the notification bell eh gagawin ko 'tong holy week series pag umabot 'to ng 10k likes. Wuhaat? Am I going to be a vlogger / youtuber / influencer / online sensation? Premonition? 🤫😛🤑

Who knows. Wala naman masama basta buo ang loob kong gawin yun. Sa buhay na 'to, you need a lot of confidence and self-worth. Yung pinaniniwalaan mo muna yung sarili mo then gawin mo 'yung gusto mo. Parang 'yung skin ko, sakto lang sa age ko. 😂😂😂

The young and the bold. 



Sunday, March 10, 2019

I Have One Job


It's been seven years, seven companies and  additional seven kilos of weight in my scale. That is how I could summarize my working experience from the past years since umuwi ako galing abroad. However, that is just a fraction of my resume dahil since college working student na ako. Kung gusto nyo malaman kung ilang taon na ako nagta-trabaho, abangan nyo sa next birthday blog entry ko. Promise di ko sya isasabay sa premiere ng finale season ng GOT.

Recently, I have quitted and will be moving to another company. Now I can officially call myself a hopper. Is it bad? I don't know. Is it worth it? I think yes. I have my reasons and I'm fortunate enough to afford a few months of unemployment. Ang saya right?

On the other hand, nakakapagod na din. Resign, apply, requirements, training, regularization and so on. But when you reach the sofa and everything becomes convenient, the perfect picture becomes abstract again. I don't know if it's just me or what. Mapapansin ko na lang pipindutin ko na naman ang refresh button.

Wala akong hinahanap sa isang kumpanya kasi naiintindihan ko na walang perpekto sa mundo. Siguro nasa akin lang ang issue. Kapag hindi ko na gusto inaayawan ko na. Sa kabilang banda, hindi ko masisi ang sarili ko. Sino bang tao ang ginagawa ang mga bagay na labag sa kalooban niya? Siguradong hindi ako yun.

Ano ang point ng blog na ito? I guess para pagnilayan din ng mga taong makakabasa nito kung ano ba ang gusto nila sa buhay. I'm turning thirty plus and still ang tingin ko sa future ko ay napakalabo pa. Hindi ko pa rin alam kung anong direksyon ang tatahakin ko. Ang pag-aartista ba o ang pagiging barbero. What I know is that a job is just a job. It's not the life.

I'm actually talking about work and life balance. One main reason kung bakit ako umaalis sa company is if my work is getting in the way of my quality time with my family and other loved ones. I always believed that the point of spending your hard-worked money is for you to live happy. Alam ko yung ibang tao may ibang explanation ng work and life balance. This is just me.

May naitulong ba ang blog na ito? Wala. I just know that I have one job. That is to take care of myself the way I should be. It's my life after all and ako lang ang may alam nun. Alam ko din how short life is. Right Chokoleit?

June 25, 1972 - March 9, 2019



Bye!!!




Friday, March 8, 2019

I Miss Her Smile


Happy International Women's Day o Maligayang Araw ng mga Kababaihan. Nice di ba. The same day natin siya i-celebrate with the rest of the world. Unlike new year or valentine's day. Yung iba nauuna pa sa calendar, yung iba naman mas late. Eksena ba? Di ko alam tuloy kung alin ang mas maganda, ang mauna o ang mahuli. Kung mahal ko ba o mahal ako. 


Bukod sa may time akong magsulat, meron din akong gustong isulat. I think that should always come together, like KaraMia. At gaya ni KaraMia as a (one?) person, gusto kong magsulat tungkol sa isang babae. Isang babae na siyang dahilan ng aking buhay sa mundo. 


Maraming bagay ang hindi ko naiintindihan sa aking buhay kabataan. At dahil hindi ko ito naiintindihan ay madalas sanhi ito ng duda at sama ng loob. Masaya ako at sa pagtanda ko ay unti-unti ko iyong naunawaan at natanggap. Nakakalungkot lang na medyo huli na ang lahat para mas maging makahulugan ang lahat para sakin. O para sa kanya. 


Noong nasa elementary ako ay parte ako ng highest section. Hindi ako matalino pero madali akong turuan at mabait akong bata. Valedictorian ako nung kinder and I thought it was a big of a deal. And it was. Naka-laminate ang diploma ko at gold medal. Naka-display siya sa sala more than like an Oscar award. 


Sa buong elementary at high school life ko ay nasa cream section ako. Hindi pa rin ako tumalino pero may mga panahon na nage-excel ako sa ibang bagay. Nakakatanggap ako ng mangilan-ngilan na awards, medals at iba pang recognition. At sa lahat ng yun ay present ang babaeng ito sa mga proud moments ko. Pero parang may mali. 


Madalas ma-nominate ang babaeng ito na maging officer sa school pero ayaw nya. May mga panahon na nabibigyan ng pagkilala ang mga nasusulat kong essays pero parang wala lang sa kanya. Matagal ko yun dinamdam pero mas napapaisip ako kung bakit. Bigla kong maalala nung minsan tinuturuan namin siyang sumulat ng maayos kasi hirap siyang pumirma. Madalas kaming magsimba noon pero kailangan pa namin siya turuan magbasa ng bibliya. 


First day ko sa college nang magkaroon ako ng unang major tampo sa kanya. Alam ko na mahirap kaya kahit na ang suot kong damit nung christmas party ay siya ring suot ko sa closing party at sa kahit ano pang party o okasyon ay naiintindihan ko. Hindi kami mayaman at sanay akong sa karton lang nakalagay ang damit namin. Wapakels. Pero nung binigyan niya ako ng fifty pesos na baon sumama ang loob ko. Pamasahe lang kasi ang kasya dun. 


Napaiyak ako at hindi niya natiis na bigyan ako ng one hundred. Inutang niya sa kapit-bahay namin. 


I became a working student and after college nagkatrabaho ako agad ng full time. I guess we were both happy sa achievement namin. Dugo't pawis but not a single regret. I acknowledge her more than she can acknowledge me. Alam ko hindi sapat na mailibre ko siya sa sine paminsan-minsan kasi mas importante ang bayad sa kuryente at tubig. Hindi ako nagalit sa kanya kahit umiinom siya ng beer sa harapan ko dahil sa kanya ako natuto ng maagang pagharap sa mga hamon ng buhay. 


Nagkaroon na ako ng live-in partner pero hindi ko siya iniwan sa gastusin. Higit lalo pa hindi ko siya iniwan sa puso at isip ko kahit sa ibang bahay na ako umuuwi. Dahil kahit matagal na panahon hindi kami magkita ay parehong pagmamahal at atensyon pa rin ang nakukuha ko galing sa kanya. Hindi siya katulad ko na nagdaramdam. Hindi siya katulad ko na may pinagbago na. 


Nasa abroad ako ng siya ay lumisan. Naaalala ko ang sakit sa buong katawan at pagkatao ko. Ang tanging baon ko ay ang huli naming pag-uusap sa telepono dalawang araw bago ang kanyang pagkawala. Masaya't malungkot. Hindi ko maintindihan pero ang alam ko hindi na siya nahihirapan at ganun din ako. 


Hindi ko siya kayang tingnan nang nakaratay. Para akong mamamatay. Hindi ako umuwi ng Pinas at hanggang ngayon hindi ko kayang tingnan ang video ng kanyang huling sandali. Ang mga huling sandali ng isang no read no write na naitaguyod kami sa kahirapan. Ang isang no read no write na may gawa ng aking buhay. 


I thought it was really really late for me to give honor to this wonderful person, the bravest, purest and most loving woman in my life. Thank you sa Women's Day na ito at muling nanumbalik ang lakas ko harapin ang kahinaan ko. 


Thank you nanay ko. Mahal na mahal po kita. 



I miss her smile, I miss her kiss, 
Each and every day I reminisce.