Sunday, April 14, 2019

The Road So Far


It's Lunes again and I was like 😔. Ang bilis talaga ng oras, hindi mo namamalayan. Nag-birthday ulit ako and I was like 😱. Di ko alam ganun na pala ako katagal sa earth. Looking at my skin kasi I thought I was like 😊.

Okay, hindi naman talaga ako rosy cheeks. Wag na mag-react. Asar lang ako kasi kahit anong ingat ko sa mukha ko ay para syang may pabrika ng tigyawat. Walang notice kung mag-mass produce ng pimples wagas. Lalo na kapag may lakad ako para siyang chaperone. Clingy ang p*ta.

Sa puntong ito ng buhay ko, I am really trying my best para alagaan ang skin ko especially sa mukha. Feeling ko kasi it's my winning glory. Deceiving pero it makes you feel young pag sinabihan ka ng "you don't look your age." Nakaka-energize. Kaso lang may katamaran din ako. Konting dumi sa mukha ko boom pimple agad. I hate it to the moon and back. There's like a moon on my back.

Bakit ako napunta sa skin? Lately, parang naging obsession ko ang magpa-diamond peel. Lucky enough, ayos naman ang resulta and I am happy. May konting angas lang. Yung feeling na kaya ko naman maging Joshua Garcia sa Master Eskinol commercial. Hahaha!

Anyway, ang punto ko lang naman ay ang bilis ng aking pagtanda. Pakiramdam ko yung 24 hours 23 na lang. Medyo bothered ako. Ang daming social and personal pressure na dumarating. Parang Endgame. I am feeling like it's a battle. (Feeling ko artista na ako.)

Before the curtain falls, which I pray na matagal tagal pa sana, let the Versace fall muna. I mean, sana mas maraming good things na mangyari at sana maging mas malakas akong tao. At dahil dyan, I'm being focused on my journey. I want to make a good life story. A Very Beautiful Man, the Dino Malicioso story. Ehem 👏👏 👏

Eto na nga. Kung may teaser yung movie ko na yan, eto ang laman. Behold, walang sex scenes dito. Saklaff... Puro pantasya lang at puro hand job. Tungkol sa sariling sikap pero may tagumpay naman ang kwentong ito. Maliliit lang na bagay pero may malaking tulong. Hindi puro pa-bida lang.

May sideline ako sa airbnb.com. Staycation eme eme. Modern age paupahan. Sunod sa demand ng sangkalawakan.

May start-up business ako in the name of Blanko Whilde. Ang wild di ba? Malicioso sana yan kaso nagmadaling umawra. I am hoping to develop this business some more. 🙏🙏🙏

I have travelled a little more. Hindi ako mahilig mamasyal pero mahilig ako maglibang. Libang = Pasyal. Or Pasyal = Libang. Ganun. Pwede ring Libang = Jak*l or Jak*l = Libog. Sobra. Nakaka comma pucha.

May plano akong bumili ng bahay. Wala kasi akong permanent address. Any recommendations sa Cabuyao Laguna? Suggest on the comment box below. Nahirapan kasi akong mag-provide ng ID na may parehong address. Saka ayoko ng maging NPA. No Permanent Address. I hope God will help me on this endeavor. Pwede din Lord manalo ako sa lotto. Di po ako choosy. 🙏 🙏🙏

Konti lang naman ang ganap sa buhay ko but it's something for me already. Parang may direksyon na rin ako kahit papano. I know I'm blessed in so many ways. Natutunan kong huwag maging standard ang buhay ng iba. Alam kong may sarili akong landas, may sarili akong buhay.

It's a Holy Monday and if you will give this a thumbs up, subscribe and hit the notification bell eh gagawin ko 'tong holy week series pag umabot 'to ng 10k likes. Wuhaat? Am I going to be a vlogger / youtuber / influencer / online sensation? Premonition? 🤫😛🤑

Who knows. Wala naman masama basta buo ang loob kong gawin yun. Sa buhay na 'to, you need a lot of confidence and self-worth. Yung pinaniniwalaan mo muna yung sarili mo then gawin mo 'yung gusto mo. Parang 'yung skin ko, sakto lang sa age ko. 😂😂😂

The young and the bold. 



No comments:

Post a Comment