Happy International Women's Day o Maligayang Araw ng mga Kababaihan. Nice di ba. The same day natin siya i-celebrate with the rest of the world. Unlike new year or valentine's day. Yung iba nauuna pa sa calendar, yung iba naman mas late. Eksena ba? Di ko alam tuloy kung alin ang mas maganda, ang mauna o ang mahuli. Kung mahal ko ba o mahal ako.
Bukod sa may time akong magsulat, meron din akong gustong isulat. I think that should always come together, like KaraMia. At gaya ni KaraMia as a (one?) person, gusto kong magsulat tungkol sa isang babae. Isang babae na siyang dahilan ng aking buhay sa mundo.
Maraming bagay ang hindi ko naiintindihan sa aking buhay kabataan. At dahil hindi ko ito naiintindihan ay madalas sanhi ito ng duda at sama ng loob. Masaya ako at sa pagtanda ko ay unti-unti ko iyong naunawaan at natanggap. Nakakalungkot lang na medyo huli na ang lahat para mas maging makahulugan ang lahat para sakin. O para sa kanya.
Noong nasa elementary ako ay parte ako ng highest section. Hindi ako matalino pero madali akong turuan at mabait akong bata. Valedictorian ako nung kinder and I thought it was a big of a deal. And it was. Naka-laminate ang diploma ko at gold medal. Naka-display siya sa sala more than like an Oscar award.
Sa buong elementary at high school life ko ay nasa cream section ako. Hindi pa rin ako tumalino pero may mga panahon na nage-excel ako sa ibang bagay. Nakakatanggap ako ng mangilan-ngilan na awards, medals at iba pang recognition. At sa lahat ng yun ay present ang babaeng ito sa mga proud moments ko. Pero parang may mali.
Madalas ma-nominate ang babaeng ito na maging officer sa school pero ayaw nya. May mga panahon na nabibigyan ng pagkilala ang mga nasusulat kong essays pero parang wala lang sa kanya. Matagal ko yun dinamdam pero mas napapaisip ako kung bakit. Bigla kong maalala nung minsan tinuturuan namin siyang sumulat ng maayos kasi hirap siyang pumirma. Madalas kaming magsimba noon pero kailangan pa namin siya turuan magbasa ng bibliya.
First day ko sa college nang magkaroon ako ng unang major tampo sa kanya. Alam ko na mahirap kaya kahit na ang suot kong damit nung christmas party ay siya ring suot ko sa closing party at sa kahit ano pang party o okasyon ay naiintindihan ko. Hindi kami mayaman at sanay akong sa karton lang nakalagay ang damit namin. Wapakels. Pero nung binigyan niya ako ng fifty pesos na baon sumama ang loob ko. Pamasahe lang kasi ang kasya dun.
Napaiyak ako at hindi niya natiis na bigyan ako ng one hundred. Inutang niya sa kapit-bahay namin.
I became a working student and after college nagkatrabaho ako agad ng full time. I guess we were both happy sa achievement namin. Dugo't pawis but not a single regret. I acknowledge her more than she can acknowledge me. Alam ko hindi sapat na mailibre ko siya sa sine paminsan-minsan kasi mas importante ang bayad sa kuryente at tubig. Hindi ako nagalit sa kanya kahit umiinom siya ng beer sa harapan ko dahil sa kanya ako natuto ng maagang pagharap sa mga hamon ng buhay.
Nagkaroon na ako ng live-in partner pero hindi ko siya iniwan sa gastusin. Higit lalo pa hindi ko siya iniwan sa puso at isip ko kahit sa ibang bahay na ako umuuwi. Dahil kahit matagal na panahon hindi kami magkita ay parehong pagmamahal at atensyon pa rin ang nakukuha ko galing sa kanya. Hindi siya katulad ko na nagdaramdam. Hindi siya katulad ko na may pinagbago na.
Nasa abroad ako ng siya ay lumisan. Naaalala ko ang sakit sa buong katawan at pagkatao ko. Ang tanging baon ko ay ang huli naming pag-uusap sa telepono dalawang araw bago ang kanyang pagkawala. Masaya't malungkot. Hindi ko maintindihan pero ang alam ko hindi na siya nahihirapan at ganun din ako.
Hindi ko siya kayang tingnan nang nakaratay. Para akong mamamatay. Hindi ako umuwi ng Pinas at hanggang ngayon hindi ko kayang tingnan ang video ng kanyang huling sandali. Ang mga huling sandali ng isang no read no write na naitaguyod kami sa kahirapan. Ang isang no read no write na may gawa ng aking buhay.
I thought it was really really late for me to give honor to this wonderful person, the bravest, purest and most loving woman in my life. Thank you sa Women's Day na ito at muling nanumbalik ang lakas ko harapin ang kahinaan ko.
Thank you nanay ko. Mahal na mahal po kita.
I miss her smile, I miss her kiss,
Each and every day I reminisce.
No comments:
Post a Comment