Wednesday, February 12, 2014

Tulog


Napanood niyo ba ang pelikulang Tuhog nina Eugene Domingo, Jake Cuenca, Enchong Dee at Papa Leo Martinez? Kung hindi, pagdamutan ninyo ang aking munting movie review.

Maganda ang istorya at kapupulutan ng aral.

On the other hand, napanood niyo ba ang pelikulang Tulog? Ito ay kwentong may pagkakahawig sa nangyari sa akin noon. Na parang totoong nangyari sa buhay ko. To give you an idea about this story, I’ll tell you what it is about.

May isang selebrasyon na naganap. Engrande ang production set-up ng naturang okasyon. First payday ng lead character na si Dimolo at kanyang mga officemates. Galing sa night shift, buong lakas silang nag-inuman sa isang restobar sa sidewalk ng Ortigas Center bandang lunch time. Gusto nilang alisin ang stress at pressure dulot ng kanilang trabaho.

Wala silang pakialam sa gastos, kailangan nilang mag-enjoy. Nagpaluto sila ng sizzling sisig on a sizzling plate and had a bowl of barbecue flavored french fries garnished with sweet spicy ketchup. It was a celebration no one would ever notice.

It was just the four of them (ang lakas nilang uminom pramis). Magkahalong redhorse at sanmig ang kanilang pinagsaluhan. 13 buckets na ang kanilang na-order. Hindi sila agad nagbayad. Nag-withdraw muna sila sa atm dahil mahaba ang pila earlier that day. And with the 13 buckets, nangyari ang hindi inaasahan. 13 buckets, take note.

Alas kwatro ng hapon. Maingay, mausok at matrapik na ang kapaligiran. Destructed na ang kanilang selebrasyon kaya’t nagdesisyon na silang umuwi. Mag-isang uuwi si Dimolo from Ortigas Center at malayo dito ang kanyang bahay. Two rides to sum it all. Nahihilo na siya sa dami ng kaniyang kinanta sa videoke. Hinamon siya ng mga taxi drivers ng 300pesos na pamasahe ngunit wala na siyang boses to negotiate with them. Wise si Dimolo. Nag-desisyon siyang mag-MRT.

Naglakad si Dimolo papunta sa nearest station. Naligo siya ng malamig na pawis at bumaba ng zero point one percent ang kanyang amats bunga ng paglalakad sa dapit-hapon.

Umakyat si Dimolo sa MRT station ngunit hinarang siya ni Lady Guard sa entrance. Meron kasing kakaibang amoy si Dimolo na hindi pangkaraniwan at dahil doon ay hindi daw siya allowed sumakay ng MRT.

Lady Guard: Dimolo, bawal kang sumakay dito. Isa kang nilalang na amoy chico. Hindi yan normal.

Dimolo: Hindi ate, dahil ito sa bubble gum na nginunguya ko. Chico flavor. Tingnan mo. (Ibinuka ni Dimolo ang kanyang bibig at nakita ni Lady Guard na ang kulay nito ay green!)

Lady Guard: Green man o violet ang kulay ng iyong bibig, amoy chico ka pa rin! Hindi ka maaaring sumakay mula dito sa aking nasasakupan!

Dimolo: Pero ate, imported kasi ang bubble gum na ito. (Muling ibinuka ni Dimolo ang kanyang bibig at muling sumabog ang aroma ng chico smelling bubble gum. Napangiwi si Lady Guard.)

Lady Guard: Sinungaling. Umalis ka na bago ko pa tawagin ang aking mga kawal!

Dimolo: You think I’m a layer ate?

Lady Guard: No, I think you are cute but then I have to let you go. Now, go!

Walang nagawa si Dimolo kundi ang lumayo. Naghanap siya ng ibang way of transportation. Sa kanyang paglayo ay may nakita siyang ibang entrance ng MRT sa di kalayuan. Tinawid niya ang half km long footbridge going to the other side. Nakabantay doon si Lalaking Guard Na May Malaking Tiyan. Nakaramdam agad ng connection si Dimolo sa kanya.

Alam ni Dimolo na maari siyang ma-reject sa second attempt niyang pumasok ng MRT. But, Dimolo is a fast learner. Valedictorian siya noong kindergarten at alam niya ang kailangang gawin this time. Dinagdagan niya kanyang bubble gum. Huminga ng malalim at sandaling sinuspend ang pagbuga ng amoy chico niyang hininga. Mabilis na binuksan ang kanyang bag for inspection ni Lalaking Guard Na May Malaking Tiyan.

Success! Nakalusot si Dimolo sa isang mahigpit na pagsusuri. Ngunit bago pa siya tuluyang nakalayo ay binulungan siya ni Lalaking Guard Na May Malaking Tiyan...

Lalaking Guard Na May Malaking Tiyan: Dimolo, huwag kang makulit sa loob ng tren. Act normal. Huwag kang matutulog dahil baka lumampas ka. At ang pinakamahalaga mong dapat tandaan, huwag kang susuka sa loob ng tren. May multa yong 500pesos. Ayaw kong mapahamak ka sa kalagayang mong iyan. Sige na, mag-iingat ka.

Lalaking Guard Na May Malaking Tiyan vanished leaving Dimolo with a blink of an eye. Inabangan ni Dimolo ang pagdating ng tren bitbit ang payo ng isang kaibigan. After 10mins, the train arrived. Siksikan. Pumasok siya. Tinakpan ng panyo ang kanyang bibig.

Sa loob ng tren, pilit nilabanan ni Dimolo ang pagsubok ng antok. Mabilis ang takbo ng tren kaya extra effort siya to stay awake para hindi ma-miss ang kanyang destinasyon. Matindi  na ang antok ni Dimolo kaya hindi niya napigilang makatulog ng nakatayo ng biglang...

Voice Over: Next station, Magallanes. Next station, Magallanes. Paki-check lang po ng tiket at mga gamit bago bumaba ng tren.

Dagliang gumising si Dimolo. Muntik siyang ma-out of balance sa paghinto ng tren. Mabilis siyang lumabas dito at kumilos ng normal. He told himself, “May kailangan pa akong sakyan na jeep and I have to keep in mind what Lalaking Guard Na May Malaking Tiyan told me or else I can get into trouble.”

Nag-cr muna si Dimolo and he made sure na maayos ang lahat sa kanya. Bumaba siya ng MRT station walking on a normal human speed at hinanap ang sakayan ng biyaheng Gate 3. Mabilis niya itong nakita at sumakay.

Hindi masyadong puno ang jeep, thank goodness. Meron itong maayos na air circulation at enough ventilation. Maganda ang playlist ni Manong Driver One. Carpenters. Narinig niya ang theme song nila ni ex. Pilit niyang nilabanan ang lungkot at pangungulila. Nagbayad si Dimolo ng 8pesos at nag-relax. Napaka relaxing talaga ng jeep. Sobra. With the friendly music and cotton soft seat, sobra. Graabbbeeehhhzzz zz.....

Biglang tumahimik ang paligid. Overly empowering ang tranquility at certainty na kanyang naramdaman. In Dimolo’s mind, “I have this strong positive feeling na makakauwi ako in a peaceful manner. Isang sakay na lang ito and my vision is clear. I willl have a safe journey.”

Nang biglang parang may malakas ng pwersang tumabig kay Dimolo. Malakas ang preno ng jeep at nagising siya because of inertia. Naalimpungatan. Kinusot niya ang kanyang mga mata for a better sight of his surrounding. Hindi niya alam kung nasaan siya. Bago ito sa kanyang paningin. Bumaba siya ng jeep without hesitation.

May bagong building na itinatayo tatlong kanto away from the paradahan ng jeep kung saan siya sumakay. Bagong pintura na ito. Bagong design ang mga windows. Na-realize niya ito after a few minutes pag-alis ng jeep na sinakyan niya. Dimolo can’t believe it. It seems like dalawang oras na siyang tulog at inakalang lampas na siya sa kanyang pupuntahan. Muling umalingawngaw ang boses ni Lalaking Guard Na May Malaking Tiyan.

(Lalaking Guard Na May Malaking Tiyan: .... Huwag kang matutulog dahil baka lumampas ka...)

(Dimolo: He’s right. I don’t wanna lose this battle. Sayang ang pamasahe ko kung paulit-ulit na ganito.)

Sumakay muli si Dimolo ng panibagong jeep. Alas-singko y media na ng hapon at maalinsangan ang paligid. Masama ito sa kanyang kalusugan. Siksikan na sa daan ang magkahalong jeep, truck, tangke, commuters rushing to their homes at puno ang mga pampasaherong sasakyan. Maswerte si Dimolo at nakasakay siya sa kahit na masikip na masikip nang jeep.

Patuloy pa rin siyang sinusubaybayan ng mga espiritu, ang espiritu ng redhorse at sanmig. Hindi pa rin sila nawawala. May amats pa rin si Dimolo pero he’s stronger now to fight it. He thought so.

Nagbayad ulit si Dimolo ng 8pesos. Kumapit sa hawakan ng jeep at isinabit sa mga braso ang mabigat niyang ulo. Magkahalong antok, pagod, pagduduwal at panghihinayang sa 8pesos ang kanyang nararamdaman.

Again, the sound of tranquility and certainty arrived. Dimolo felt even more secured at this time. He felt lying in the clouds with the cinch of coolness all over his body. Forever’s not enough for me to love you sooo...

Nagising si Dimolo sa lakas ng sounds sa jeep ni Manong Driver Two. Ang taas ng boses ni Sarah. Naalimpungatan ulit si Dimolo. Pakiramdam niya ay two days na siyang natutulog sa lalim ng kanyang pagkakahimbing.

Sinubukan niyang sumilip sa pagitan ng mga katawang nagsisiksikan sa loob ng jeep. Hindi madaling sumilip sa bintana ng jeep kung obese ang mga pasaherong nakaupo. Even the estribo is blocked by passengers. It was a very challenging situation pero hindi siya agad bumaba dahil ayaw niya ng another 8pesos cut from his budget.

Nagliwanag ang lahat. Bumukas ang mga street lights. Alas-sais na ng gabi at mas tumindi ang trapik. Tumakbo ang jeep na parang nagbi-brisk walking lang. After a few kambiyo of Manong Driver Two, he made an announcement.

Manong Driver Two: Dito na lang tayo. Grabe ho ang trapik.

Dimolo: Anak ng cutting trip, malayo pa ang Gate 3 Manong Driver Two!

Manong Driver Two: Lakarin ninyo na lang. Sige na bumaba ka na at marami pang pasahero sa kabila ang naghihintay. May tungkulin akong dapat gampanan sa mga commuters.

Walang nagawa si Dimolo kundi ang bumaba at maghanap ng alternative para sa kanyang pag-uwi. He’s considering the following options:
o   Maglakad
o   Mag-jogging suot ang leather shoes
o   Mag-kuliglig!

Ang Kuliglig. Para silang mga tinkerbells na paikot ikot, pasingit-singit at may malaking contribution sa noise pollution. Lumapit si Dimolo sa isang Kuliglig at nagtanong...

Dimolo: Kuliglig, if someone is very tired and is alomost giving up from all the challenges he’s going through and asks you, “How much is the fare going to Gate 3 from where we stand right now?” What would you say?

Kuliglig: Thank you very much for that wonderful question. I would say 40pesos.

Dimolo: !@#$%^&*(.)(.)*&^%$#@!

Kuliglig: Take it or leave it. I am just a humble servant of G3KTODA. We have rules to follow.

Dimolo: *blushing. I see. Anyway, kaya ko pa naman Kuliglig. Day-off ako tonight so ok lang if late na ako makauwi because I could just saleep the whole night through - unlike you. Thank you very much for your answer. You may go now.

Mabilis na umalis si Kuliglig. Imbiyerna sa nangyaring interruption sa kanyang trabaho. Mabilis na na-badtrip si Dimolo. Hindi siya nagtabi ng extrang pamasahe, darn it.

Since walang extrang pamasahe si Dimolo, may idea na kayo kung ano ang ending ng kwentong ito. Naglakad si Dimolo pauwi ng bahay. Tinawid niya ang tulay connecting two cities. Sinuyod ang masukal na palengke sa side-walk with the danger na mabundol at masaktan. Ang oras, 7:30pm at 24hours na siyang gising. Walang sinaing at ulam sa bahay. Paltos ang right ankle niya at namasahe ng 16pesos for nothing. Bumaba ng ninty percent ang kanyang amats. Nagutom at nawala ang antok ni Dimolo sa labis na pagka-asar. Kinuha ang laptop at sinulat ang labis na kamalasan.

The End.


No comments:

Post a Comment