Oops, take a deep breath of fresh air first. Lunukin muna ang kahit na anong kinakain bago pagsisihan ang mga susunod na makikita niyo. Ayaw kong maging sanhi ng maaga ninyong pagpanaw dahil ang post na ito ay tungkol sa paraan ng paghaba ng buhay, ok?, go!
Oh ha. Impernes, bagong gising ako
nyan. Mumog-kape lang at diretso na sa starting line ng aming all star sunday
morning walkathonchenes. Madilim pa noon kaya muntik pang ma-shoot sa open manhole
ang isa naming ka-jogger. At anong sabi ng gray kong shorts sa lamig ng weather? Kebernacles. I have fifty shades of gray shorts,
shirts and socks in my closeted life. Gusto ko kasi sulitin ang lamig ng
panahon while it last parang year-end sale. Pasukin man ako ng lamig dahil sa nipis ng balat ko sa legs.
It’s such a refreshing feeling na may
ganitong eksena sa pinas. Winter sonata lang ang peg pag broken hearted ka. Make
sure lang na meron kang bonnet, scarf at bisikleta. And if you belong to a neighboring
barangay of BGC, sulit ang experience na ito kahit wala kang bike or any ride.
Jog jog ka lang like a bouncing boy toy. See, effort kung effort ang get-up ng
mga ka-joggers ko. Ako, sakto lang. Nakalimutan ko lang talaga mag-suklay.
Three months ago ang last jogging ko sa
global city. Seryosong jogging ang ginawa ko on those days. Pinangako ko sa
sarili ko na iyon ang magiging hudyat ng healthy lifestyle ko. Sinumpa ko yan
kay newly canonized Saint Pedro Calungsod nung mapanood ko ang trailer ng movie
niya for MMFF. Hindi ko lang totally ma-justify ang pledge kong iyon dahil it
was the month of October. Sobrang alanganin para magkaroon ako ng new year’s
resolution.
Naglaho ang pangarap kong Drew Arellano
personality and physique rolled into one nang magsimula akong ma-employed by
the end of October. Akala ko camera na lang ang kulang at pwede na akong
mag-produ ng biyaheng malicioso. Akala ko mas magiging fulfilling to both my professional
and personal stature ang pagkakaroon ko ng bagong atm. Hindi pala. I missed a
lot of important things and look what I got.
Aside from these bullets, may iba pa. I am
starting to think that the signs of ageing are coming in too fast. Ayaw
magpa-awat. While jogging, I feel some cracking of joints in my legs tsk tsk. Nagpa-medical
ako last week and even felt more worried. Mataas daw and sugar level sa ihi ko
at ang blood pressure ko umabot ng 150/90. Actually umabot pa siya ng 180/90
once nung bago ako mag-donate ng dugo few months back. Sana hindi ako magkalat
ng mataas na presyon ng dugo sa madla. Parang hindi ko matanggap ang negative
influence na ito.
- Haggard aka haggardness, haggercious, hagardo versoza
Kulang na ako sa tulog kulang pa ako sa gising dahil
habang gising ako na suppose to be ay gising ako ay actually tulog pala ako. Mahirap
maintindihan pero nagaganap. It’s like a supernatural thing that turns you into
a model eyebag.
- Weight loss
Tinimbang ako ngunit kulang but the one pack belly ab
is still there. It’s such a malnourishedly experience.
- Boy slow pick-up
Ginawan ko lang ng pangalan dahil hindi ko alam kung
ano ba ito pero nangyari sa akin for a while. Bumagal talaga ang pick-up ko
kaya for me this is the best term I can call it. Basta it has something to do
with y IQ. I believe this is due to...
- Improper diet
Wala akong ganang kumain which I think is a subsequent
effect of bullet number one. Pagoda much akey at kinakain na lang kung anong
nakahain, karneng buhay man o patay na pechay. On top of that, mas may gana
akong uminom ng isang pitsel na red iced tea at kumain ng half dozen na double
filling mister donut while preparing for office. I don’t know what is right
anymore. All I know ay parang may mali sa pwesto ng 7-11 sa kanto namin. Lastly,...
- Confusion / Pressure / Dilemma
Whether I can still continue living my life.
Tanda man ito ng pagka-gurang ko, hindi ko
ito dapat itanggi. I have to admit that I have been naughty and uncautious in
my younger years which lead me to this. I can’t blame me. Hindi pa sikat noon
sina Alden at Xian, si Dino Malicioso lang. As rupok as I am, I have no better
choice. I just enjoyed my life and that what mattered to me.
I might have done it wrongly but I know
how to make things right. Nagmamagaling kasi ako minsan. I learned in my case,
I need more peace of mind. Ang utak ko kasi ang nagdidikta kung ano ang healthy
para sa akin at kung ano ang hindi then everything else follows. Kapag stressed
or pressured ako, haggard ang katawan ko and every bullet that I mentioned
follows. From now on, I will stick to this rule. No one knows my body better
than anyone else anyway. Syempre exempted doon ang mga exes ko hehe.
Balik tayo sa picture. Bagong gising pero
hindi haggard kahit tapos ko na ang 8km walkathonchenes namin with the sunday
all star. It’s good that I went back to the place at nakausap ang mga ambassadors of healthy lifestyles. Sila rin yung mga taong naka neon tight shorts, most of the time ay yellow, kahit alas shete na ng umaga at nagzu-zumba sa stage sa tabi ng NBC Tent. Thanks sa good
advice. Hindi ko pala kayang pagsabayin ang Drew ambition ko with the kind of
job that I have.
Now, I have to choose what’s right for me.
I can’t sacrifice my health. Maraming iiyak na chicks. But I can’t keep up
without a job. I just need the right information on how to live a healthy life.
The confusion was finally been cleared to me and so I quit my job.
Stay healthy guys. See you next winter.
This is the look of a jobless jogger. |
No comments:
Post a Comment