Monday, July 15, 2013

Channel Surfing


Sinubukan kong mag-channel surfing. Gawain ito ng mga taong walang magawa at walang planong mag-isip ng gagawin. Madali lang kasi ang mechanics ng hobby na ito and most importantly, walang gastos. Napadpad ako sa isang sports channel. Natuwa ako sa nakita ko. Mga lalaking puro naka-boxers.

King of the Cage Philippines ang title ng palabas. Mix martial arts competition na ginaganap sa The Arena. Naaliw ako. Sa wakas, may paglalagyan na rin ang tigas ng ulo ng mga Pinoy. Madaling makapasok sa sports na ito. Mura lang ang puhunan sa basag-ulo. Inglisero pa ang mga commentators. May english translation ang proseso ng bugbugan. Medyo disturbing lang na ang talunan ay kailangan pang ilagay sa stretcher.

Isang proof ito na ang pinoy ay hindi nagpapahuli. We don’t want to be left behind especially in the international scene. Hindi ko alam kung iyon ay mabuti o masama dahil hindi ko nararamdaman ang epekto nito. Sabay man tayo sa trend, hindi tayo sabay sa pag-unlad. Marami pa rin ang mahirap. Pangit maging trend ang pagiging mahirap.

Sa isang channel na napuntahan ko, nakakita ako ng konting hope. May isang kabayan ang namamayagpag ang ba*ag sa The Apprentice Asia. It sounded good. But ironic. Kung maganda lang sana ang opportunity na meron sa bansa, hindi malayong umunlad tayo kung ganito kagaling ang mga pinoy sa ganitong larangan. Keep it up, Sir Jonathan. Magtayo tayo ng business minsan.

Isang replay episode naman ang napanood ko sa isang news t.v. They featured the life of the late Poks Esquivel from the original Surfing Capital fo the Philippines, La Union. He was regarded as the Philippine Surfing’s One-legged Wonder. Pinasikat niya tayo sa kanyang husay. Hindi rin ordinaryong sports sa pinas ang surfing. Mahal ang surfboard at wetsuits. Naiyak ako sa kwento niya. Nanghinayang. Many people, mostly foreigners admires him. Amazed by his spirit and courage.

Too bad Poks has to leave us early. Good thing, many people are inspired by him. RIP Poks. You make us real proud.

And what can you say about Charice being named as The Hottest Lesbian in the World 2013 by the US LGBT website autostraddle.com? Put your thoughts in the comment box.

Isang music channel naman ang napuntahan ko. Napanood ko ang isang music video ni Yeng. Her video reminded me of Bruno Mars’ Lazy Song but it’s  not bad. I can still see the point of originality. Minsan lang ako maka-appreciate ng OPM music video. This one caught my interest. It also reminded me of myself. I’ve been called Chinito a number of times.

Gusto ko sanang tapusin ang post na ito with Just Give Me a Reason by Pink. Mas sikat at mas sakto sa timpla ng mood ko. Yeng and Pink are equally talented composer artists kaya keri na. Prefer ko lang na ma-associate kay Enchong instead of Nate Ruess.



The Unexpected


Selfie ba kamo? Etong sayo.


Anyway, nagpunta ako sa MOA para magpahangin. When I say magpahangin sa MOA, ibig sabihin lang ay sa bandang likod kung saan natatanaw ang parte ng tinambakang Pacific Ocean. Walang fresh air na hatid ang aircon sa loob ng mall. Naalala ko ang unang beses kong pagpunta limang taon na ang nakalipas, may nalanghap akong sariwang hangin mula sa overlooking part ng mall malapit sa sinehan. It's cool. Bongga sa tipid mode

Sumama sa plano ko sanang escapade ang pamangkin ko kaya nag-decide na rin kaming dumaan muna sa Baclaran Church to attend a children’s mass. Baka maubusan ako ng pasensiya sa dadanasin ko. I need more strength to bear that kid. She is one hell of a master when it comes to disobedience and misbehavior. And I am poor at supervision.

Kahit hindi weekend ay maraming tao sa MOA. Nag-aagawan sila ng Redemptorist Church in terms of visitors. Hindi ko alam na may umusbong na palang fiesta carnival sa likod ng mall. Ang inaasahan ko ay isang baywalk kung saan makakaupo ako sa tabing dagat at maghahanap ng timing makipag-flirt. Hindi ako naging masaya sa aming inabutan. Lalo na ang pamangkin ko. Blockbuster ang upgraded peryahang ito. At wala kaming pera maki-jamming sa craze dito. Sarap hulugan ng granada para mabawasan ang kapal ng tao. Hindi uubra ang mag-moment.

Well, I am not such a bad person at all dahil dininig ang prayers ko. Dumating ang mga magulang ng pamangkin ko na mukha pang mas excited sa aming sumakay ng ferris wheel. Sinagot nila ang lahat ng tickets at fudang. Ate kong maganda, thank you for coming!


Friday, July 12, 2013

Jumper


Hinalukay ko ang lumang external hard drive ko. Naging hobby ko na ang magkalkal mula ng mawalan ako ng trabaho. Naloka ako sa kalagayan ng EHD ko. Ang mga files parang nasa roleta ng kapalaran. Kailangan ng matinding swerte sa paghahanap ng file sa folder. May nakita pa akong resume na ginamit ko way back 2005. O my G, ang picture ko hindi na throwback thursday, pang museum na. Virtually, I could see some electronic agiw on it. I swear, it can haunt me in my sleep.

Upon browsing, I ran into my old collections. Namely cvko, ebookfiles, musicdownloads, movicoll and collexxx. Gosh, collexxx suddenly gave me chills. It brought back lots of memories. Pagkatapos kong mag-organize at mag-rename ng files, naisip kong manood ng movie from my collection. I chose to watch Jumper. Ang pelikulang nag-launch sa career ni Kristen Stewart.

Naka-relate ako ng slight sa movie. Bukod sa malaki ang resemblance namin ng bida, naghangad din akong makapag-teleport. Sarap kaya mag-travel ng walang pamasahe. And I think I did it once. I remembered it happened to me, I just don’t know exactly how. I was in one place and woke up in a different location. Ganito kasi ‘yon.

Nalasing ako. Hindi ako nagtira ng pang-uwi. Galing ako sa night shift. Nag-biyahe ng dalawa’t kalahating oras at nag-volunteer sa preparation committee. Nag-decorate ng venue at nagprito ng 500 pcs. na lumpiang shanghai. After hosting the party, videoke galore, bottomless alak at sandamakmak na landian, naubusan ako ng malay.

Nakiusap akong makitulog sa bahay ng isang kaibigan dahil wala akong ibang choice. Wala akong pang-check in sa hotel kung saan ginanap ang christmas/slumber party. Sa totoo lang, ayaw ko talagang matulog sa hotel kasama ang mga katrabaho ko. I try to avoid one night stand for personal reasons. So, I decided not to stay and there how the teleportation act happened.

From a rousy evening of social gathering, nagising ako sa isang hallway na may tuyong laway sa bibig. For a moment I thought I was a victim of malicious compulsion. Whether I got robbed or something. Nalito ako sa mga nangyari. Wala akong maalala. Hindi ko matandaan kung paano ako nakarating sa hallway na iyon ng walang sapatos at medyas. Wala akong time para mag-isip. Kailangan nang i-mop ni kuya ang sahig ng umagang iyon. Hindi ko na nagawang kunin ang opinyon ng mga taong nakakita sa sarap ng tulog ko sa sahig. I jumped up the stairs and escaped the hell out of it.

It took me a while to realize the incident. Nasira kasi ang bitbit kong laptop at nawasak ang bago kong cellphone. Puno ng galos at sugat ang mga tuhod at siko ko. It was a total disaster and I have no one to blame. Wala akong powers to bring back time at piliin ang pakikipag-jerjer sa co-employee kong may hots sa akin huwag lang umuwing baldado. I can’t write the details of how I did it but I think you can figure it out. May kasabihan, mabuti pang maging pilay basta may saklay, kaysa umuwi nang lasing ng walang umaakay. Maswerte pa akong nakauwi ng buhay.

Don’t drink and pretend to be a superhero. It’ll be a messed up experience.


Thursday, July 4, 2013

Throwback Thursday


Maraming uso ngayon. Isa na ko dun. Sabi kasi nila, sa sobrang bait ko daw, humahawig na ako kay hero dog na si Kabang pag meron akong bigote at balbas. Kapag wala naman, si Lolong, sa haba ng nguso ko. Ang ninuno ng mga higanteng buwaya. Sumalangit nawa. Malakas kasi ang animalistic appeal ko. Lalo na kung gutom.

To keep myself  up-to-date, laging bukas ang account ko sa fb. Bukas sa lahat ng gustong gumamit sa akin. Doon ko nasasagap lahat ng mahahalagang chismaks. Importante yun sa buhay ko. Hindi ko man nakaugaliang patulan ang tanong na ‘what’s on your mind’, active ako sa social site na ito bilang isang fb viewer. Active role ko ang magbasa ng news feed, tawanan ang mga biktima ng internet meme at mag-dislike ng mga status update from various attention seekers.

Hindi ko talaga kayang sumabay sa uso. Stale is my middle name. Wala akong instagram. Walang twitter application ang cellphone kong may flashlight. Ang blog ko, may limang followers. Dalawa dun, sarili kong account. Minsan may nag-comment sa isang post ko. Hindi ko ma-appreciate. Nagbebenta siya ng cialis. Please po, wala akong talent sa networking. Selfie mood ako lagi.

Kung meron man akong kayang isabay sa uso ngayon, sa isang paraan lang. Ang ibahagi ang aking nakaraan. Ang nakaraan kong hitik sa aral at kabuluhan. Sa panahon kung kailan ang kagat na lamok ay walang dalang chikungunya, ang kabataan ko ay mabilis na pinagyaman ng karanasan. Ito ang panahon kung saan ang sunset sa Dewey Blvd. ay isang tanyag na tourist spot at ang paliligo sa Manila Bay sa likod ng PICC ay hindi pa pinandidirihan. May beach dati doon, Mall of Asia na ang tawag ngayon. If only I could turn back time, I definitely would. I prefer a life that is less complicated. And more fun in it’s most natural way. Seriously.

I’m no good at history. Sira ang brain memory cells ko. Pero normal pa rin ako. I also have my own childhood experiences na tumatak sa isip ko. Konti lang ito and very very mild experiences lang. Let me share and maybe a few of it could serve you an inspiration.

Valedictorian ako nung kinder. Dalawang section lang kami kaya madali ang pagpili sa akin. I became model student dahil wala raw akong negative behavior. Mahiyain ako noon. In short, I captured the heart of my teachers. Easy trick. Isa sa mga kaklase ko ay naging bestfriend ko. Siya ang naging salutatorian. His mom can’t take it. After graduation, they moved  to another place, to another school with less advanced students. This guy, hinanap niya ako sa fb. We regain our friendship. Now, he is showing off to me. I smell vengeance. What a loser.

I entered grade one carrying the legacy of an honor student. I was full of pressure. Naging substitute teacher ako sa reading class pag may kachokaran si ma’am. Mataas ang kompiyansa nila sa akin. Ang hindi nila alam, maraming english words ang hindi ko alam ang pronunciation. Iniimbento ko lang. My class failed in exams. I ended up eighth honorable mention. Part of me wants to weep, but my mother was like, ‘Good job anak, keep it up!’

First experience ko mag-field trip nung grade two. First time kong nakarating ng Nayong Pilipino. First time kong na-shoot sa bunganga ng bulkang mayon. Hindi na naulit. Nakaka-tense.

I had my first crush when I was in grade three. Dito ko unang naramdaman ang self-confidence. Kitang-kita ko yun sa aming class picture. Ang aura ko, may ibang sense of maturity. Lakas makabuntis ng dating. The girl I used to admire is really pretty. We had good times together. Nalipat siya ng section pagdating namin ng grade four. I thought she was my forever.

Dati nang uso ang mga tamad na teacher. Tamad magturo pero masipag sa negosyo sa classroom. Dati akong naging runner. Tumatakbo kami sa tindahan dala ang listahan ng merchandise ni ma’am at pabalik para hindi ma-late sa flag ceremony. Nagtitinda na siya bago magsimula ang klase. I earned extra credits for being a forth runner.

My worst childhood experience happened when I was in grade five. Actually, it’s not totally embarassing. Sabay sa uso lang din ako noon. Umihi ako sa loob ng classroom, on my chair, wearing my school uniform. I’ve seen my classmates doing it. It was like a thing back then. Ang hindi ko lang naisip, nakalagay sa ilalim ng upuan ang bag ko.

@throwbackthursday. Byes!


Animalistic appeal pag gutom.