Maraming beses na akong nakapunta sa Sta. Lucia, Dolores, Quezon courtesy of my brother in-law na may malaking lupain doon. Malapit lang sa Mt. Banahaw ang bahay nila kaya kahit nasa tuktok ka ng bundok ay masasagap pa rin ang wi-fi galing sa bahay nila. Nagkaroon ako ulit ng pagkakataong bumalik sa probinsiya nila nitong mahal na araw. Masaya daw doon pag holy week. Holy week? Masaya?
Anyway, sa tingin ko it’s more of makabuluhan. Dahil kung
ordinaryong araw lang ay hindi mo lubos na mauunawaan kung paano itinaguyod ang
bawat lugar o puwesto dito bilang isang banal at milagrosong probinsiya. Kung mahal na araw, maraming mga deboto ang dumadayo dito at nagsasagawa ng kani-kanilang mga panata. Dahil dito, maraming mga kaganapan na maaaring magpatunay ng mga himala dala ng forces of nature at kung anu-ano pa. Na-feature na rin ang lugar na ito sa isang news-magazine tv show at napabalitang
may nabibiling anting-anting dito worth only 10 pesos. Miraculous, isn’t it?
Since maraming beses na akong nakapunta dito at
nagpalibot-libot sa ibat-ibang bundok sa paligid, nagplano ako ng ibang klaseng
pagbisita this time. May narinig kasi ako sa radyo sa bus on my way here. Sabi
nung announcer, spelunking daw. Wow, big word. Sounds sossy. Yun daw ang tawag
sa pag-explore ng mga kweba. At iyon, naghanap ako ng isang guide para samahan
akong isakatuparan ang isang milestone sa aking maambisyong buhay.
Hindi ko maipapangako na kapupulutan ng mahalagang
impormasyon ang artikulong ito. First time kong ginawa ito at wala akong
kaalaman sa mga kweba. Bilang isang baguhan, isang backpack lang ang dala ko na
may lamang camera, candy, maliit na water bottle, at mga kandila para
itirik sa bawat pwestong aming pupuntahan. Kung malagay man sa panganib ang buhay ko hindi ko alam ang dapat dalhin para maiwasan yon. Kaya mahalaga raw na magdasal sa bawat
pwesto kalakip ng mga kahilingan ko sa buhay. Kinunan ko ng litrato ang bawat kweba
at pwesto na aming tinungo. Paumanhin sa mga dirty shots na makikita ninyo
along the way.
May kahabaan ang post na ito with matching amateur photo
shots. Advise ko lang, mag-play ng favorite song bilang background na may malaking
sentimental value para hindi huminto ang imagination. Sa mga samahang nananampalataya – no pun intended. Read at your own risk. Ito ay
pansariling opinyon at bunga ng aking paniniwalang nagmula sa aking experimentong paglalakbay.
Sa simula ng aming paglalakbay, pinuntahan namin ang kung
tawagin ay “Ang Hilamusan”. Dito nagsisimula ang lahat ng namumwesto dito sa
Bundok Banahaw. May point si ateng guide. Katulad ng paggising sa umaga, ugali ng karamihan ang maghilamos. Nagtirik ako ng kandila sa isang
bato at naghilamos. As an amateur spelunker / blogger, nakalimutan ko kunan ng
litrato ang unang pwesto. What a way to start.
For the benefit of it, “Ang Hilamusan” ay isang bakal na
tubo na may tumutulong tubig na galing sa bukal. Mahina lang ang tulo
dito kaya siguro tinawag na hilamusan. Naghilamos ako at nagdasal. Nang matapos
ako ay napatingin si ateng guide sa akin at sinabing ipahid ko daw sa buong
katawan ang tubig. Huh? Hilamusan, right?
Wala akong lakas para tumanggi kay ateng guide. Siya ang mas nakakaalam ng dapat gawin para maging mas mabisa ang lahat. Tinapat ko ang aking katawan sa tubo at nagbasa ng katawan. Keber ma-wash off ang sunblock ko sa katawan.
Pagkatapos ni ateng guide maghilamos ng buong katawan, tumuloy kami sa sumunod na pwesto. Isa itong bukal na kung
tawagin ay “San Isidro”...
Tingnan nyo ang bukal, malinis ito. Kaya di nakapagtatakang
may tubo dito para humigop ng tubig. Ang swerte ng taong gumagamit ng tubig na
ito, libre na, may healing powers pa. Madaming benefits.
Humingi ng tabo sa akin si ateng guide dahil ang tubig na
ito ay kailangan ibuhos sa ulo habang nagdadasal. Wala akong dalang tabo. Kung
gusto kong basain ang ulo ko ng tubig na ito, kailangan kong ilublob ang ulo ko
papunta sa bukal. Malalim ang bukal at ang tanga ng idea kong yun. Sabi ni ateng guide,
itapon ko daw ang laman ng mineral water na dala ko at isalok sa tubig ang bote.
Makes sense. Parehong mineral water yon.
Sa muli naming paglakad ay namalas ko ang isang malaking
pagtuklas. Nakita ko ang misteryosong...
Bermuda Triangle. Joke. Dinaanan lang namin ang lugar na ito
ng walang paliwanag mula kay ateng guide. Walang significance? Malaking space
kaya ang kinain ng triangulong ito. Nevermind.
Naglakad kami ulit. Medyo malayo ang sumunod na pwesto. Wala
masyadong kakaiba sa aming mga dinaanan maliban sa mga ganito...
Maraming ganitong paalala sa lugar at sa kasamaang palad
marami ang di sumusunod dito.
Narating namin ang sunod na pwesto. Tinatawag itong “Santong
Jacob”. Pronounced as Santong Hakob. Dito ay kailangan ilubog ang buong katawan
sa tubig kasabay ng pagdarasal...
Hindi ko alam na
kailangan ko ng scuba diving lesson para sa araw na ito at kailangan kong
lumubog sa bukal na nasa loob ng kwebang ito. Dito nagsimulang maging
challenging ang adventure ko dahil masikip na kweba ang aming pinasok. Masikip
talaga. Napudpod ang wrapper ng mga candy na nasa bulsa ng bag ko sa pagsadsad
ko sa mga bato. Inatake ako ng claustrophobia, scotophobia at selachophobia all
at the same time. Sum of all fears?
Naunang pumasok si ateng guide at sinundan ko ang mga yapak
niya sa pagpasok ng kweba. Masyadong madilim, masikip at mausok sa loob nito at hindi ko na nakuhang kumuha ng litrato dahil agad lumubog si ateng
guide sa bukal. Nawala syang parang bula. Sinubukan kong lumubog sa bukal for
like five minutes at nagdasal na sana ay natunaw na ang lahat ng kinain kong
almusal dahil mukhang mahihirapan akong umakyat palabas ng kweba. Well, sa
lakas ng fighting spirit ko ay nakalabas ako ng kweba, safe and sound...
Yun oh! Anong sinabi ni Matteo Gudochelli sa freshness ko
mala paraiso? Wet look to die for.
Isa siyang kweba like two bedroom hall apartment basement
with grand steel staircase. Infairness, spaceous ang kwebang ito. Pwede dito
mag-conduct ng thanksgiving party. Tinawag itong Presentahan dahil dito ay
kailangan mong pumasok at isulat ang iyong pangalan sa pader ng kweba gamit ang
isang bato. Like presenting yourself, gets? Magdasal sa mala-altar na bato at
magsulat, of course gamit ang mga bato sa pader, ng iyong mga kahilingan. Heto
ang overview ng mga quarters sa kwebang ito...
Master bedroom at...
Servant’s quarter. Or guest room. Depende sa occupant. Hindi
ko pinalagpas ang pagkakataong ito na magsulat ng pangalan, magdasal at
mag-wish sa kwebang ito dahil conducive siya for these sort of activities.
Nagpahinga kaming sandali dito at nagpahangin. Joke lang. Fyi, walang hangin sa
loob ng kwebang nasa ilalim ng lupa.
Nagpatuloy kami sa paglalakbay after a short siesta of
unwrapped wet candies. Maaliwalas ang aming paglalakad at natunton namin ang
isang banal na lugar na ito...
Oh. It’s like I’ve visited the holy place. So sacred. Payak
at tahimik. Maluwag at may malaking altar na tirikan ng kandila na matatanaw sa
di kalayuan...
Suddenly I saw this...
And this...
Ito pa...
At heto pa...
Haven ba ito ng mga fraternity? Dito ba nakalibing ang mga founding
members nila? At bigla ko ring nakita ang...
Holy mother of nature, dito ba talaga ang punta namin? Ang
sagot ni ateng guide, huwag daw akong mag-alala at may malaking biyaya kapalit
ng sakripisyo ko dito. Spelunking that is equal to sakripisyo is equal to
biyaya. I don’t know, I can’t be a math wizard.
Nagpatuloy
kami sa paglalakad. Pilit kong winawaglit sa isip ko ang hitsura ng kalbaryo.
Kalbaryo. Naisip ko na lang sana may dala kaming kabayo para mas madali ang
biyahe. Sa mga pelikula kasi ni Jesus Christ nakasakay din naman siya sa
kabayo. Why not me?
Hindi
talaga namin kailangan ng kabayo dahil ilang tumbling lang ay narating namin
ang isang lugar na itinuturing na may malaking kaugnayan kay Kristo. Dito
diumano ay nag-iwan siya ng kanyang bakas...
Nagtirik
ako ng kandila at tiningnan ang naturang bakas. Nakakita ako ng bakas. And
now it’s holy. Kayo na ang humusga. Anuman ang aking opinyon sa bakas na ito
ang mahalaga, maraming tao ng dahil sa bakas na ito ay naniniwalang may
nabuhay na Kristo.
Nagpatuloy
kami at nagsimula na ring tumarik ang aming baybayin. Umakyat sa mga malalaking
bato at tinawid ang mga bangin. Nagbaging. Huh? Tarzan ba ako?
Maluwag
din ang kwebang ito at madalas na pinagdadausan ng misa ng mga lokal na samahan.
At kung sakali mang magdaos dito ng isang pagdiriwang, di problema ang inuman...
Naligo
si ateng guide dito na parang wala nang tubig bukas. Hindi sya nakuntento sa mga
tubig sa Hilamusan, San Isidro at Santong Jacob (Hakob). Well, di ko siya masisisi.
Medyo malayo na rin ang aming narating at mukhang hindi lang tubig sa katawan
niya ang natuyo. Ako, nagpatweetums lang. Uminom ng konting tubig, binasa ng
bahagya ang buhok, nag brush-up, naghilamos at naglinis ng mga kuko sa kamay at
paa. Malapit na kasi akong sumigaw ng i-Nardong-Putik mo ako.
Marami
pa kaming mga kwebang dinaanan at heto sila...
At kweba ni Sta. Ana...
There you can see Sta. Ana on top. Marami siyang hits ng picture
taking.
Ilang saglit pa ay nakarating ulit kami sa isa pang kweba.
Ang “Kweba ng Inang Awa”...
Nice...
And creepy.
May dalawang kweba dito na may malaking man-made waiting shed sa
labas. Isang malaki at isang maliit na kweba ang meron dito. In short, isang pangmatanda at isang
pambata. Konting kembot pa ay may isa pang kweba on the side.
Ang “Kweba ng Husgado”...
Most creepy dito. Amoy pa lang para kang nasa set ng The
Walking Dead. Look at it, parang may nanlilisik na tonsil. Mahaba daw ang
kwebang ito at malalim. Madilim at masalimuot ang daan. May mga nagbuwis na ng
buhay sa kwebang ito and ateng guide just couldn’t take the risk na ipasok ako
at i-tour sa mala-takeshi’s castle na kwebang ito. Napansin daw niya kasi na sa
kweba ng Santong Jacob (Hakob) ay kinakabahan na ako. What more pa daw kung
dito sa Kweba ng Husgado. Sabi ko na lang sige, judge me. Busog lang kaya ako
kanina kaya ako nahirapan. Hindi siya convinced.
Hindi niya ako pinasok sa kweba at sa halip ay ipinakita na
lang niya sa akin kung saan ang lagusan ng kwebang ito at tingan ko daw kung
gaano ito kasikip. Judge it yourself...
Hmm. Masikip nga, kaya mega pahinga na lang ako sa mega papag
dito. Thank you ateng guide, you saved my ass.
Kasunod nito ang tinatawag na “Palasyo ni Moses”...
Walang tao sa Palasyo ni Moses ng dumating kami. Nag-out of
town yata sila. Wala ring iniwang pagkain ang mga serbidora doon. Si ateng
guide, mukhang nagugutom na. Pwes, ako hindi pa...
Bumili kaya ako ng maraming film ng camera. Baka ma-expire kung di ko magagamit lahat.
More kwebas on our way...
And there it is again...
Sumama
ang pakiramdam ko sa nakita kong ‘to. Humilab ang tiyan ko.
How
worse this spelunking could be? May earth pa ba sa dulo ng daang ‘yon? Parang
ayaw ko ng tumuloy. Para akong na...
... at natagpuan ko ang 4P’s. Pantawid Pagtatae at Pagihi
Project. What a relief. Salamat Kuya Noy!
Nagpatuloy kami sa paglalakad and this time with freshness.
Dalawang pwesto na lang at nasa kalbaryo na kami. Tinanong ako ni ateng guide
kung gusto kong makita ang Koronang Bato, on the way naman daw kasi. Sino ba
naman ako para humindi na makakita ng koronang bato bago ma-experience ang
kalbaryo sa buhay ko. Doesn't it sound mysterious? So, gumora kami ni
ate, we took a detour. Heto siya...
I took the liberty of taking a couple of shots. Makita nyo
man lang ang di ko nakita. Korona...
But it’s alright, may kweba sa ilalim nito. Iyon naman talaga
ang pinunta ko dito and not some sort of a crown. Hindi ako beauty queen. Walang pangalan ang kwebang ito and so I took the liberty of giving it a name – Kwebang
Bato...
Sounds
right. Bumalik kami sa main road at tumuloy sa original itinerary. I must say,
this was the worst itinerary I ever had...
Pataas ang mga batong iyan in case hindi halata sa mga
litrato ko. Nahirapan akong akyatin ang mga ito at nahirapan ng mag-focus. Hindi umubra ang 300 counts of curl-ups na
routine ko sa hingal na inabot ko.
May isa pa kaming kwebang nadaanan, “Ang Pinangulasyonan”...
Malaking tulong ang kwebang ito sa paglalakbay patungong
kalbaryo dahil dito ay mapipilitan kang tumigil at makapagpahinga kung may
balak tingnan ang loob ng kweba. Walang grandeur ang kwebang ito, plain and
drab. But then again, useful. I really love its opening.
And my spelunking continues...
After a few more hingals and hiccups, finally...
The magnificent Mt. Banahaw - at its finest.
At ito ang tinatawag nilang “Kalbaryo”...
Syempre, nagdasal ako ng seryoso. Madaming
hingal at pagpapaka-wet ang dinanas ko para marating ang sagradong lugar na
ito. Literal na kalbaryo ang pinagdaanan ko. Ito ang kalbaryong tinuturing
ng mga tao dito na daan kung saan naghirap si Kristo sa pagpasan ng kahoy na krus.
Hindi ko makunan ng buo ang tatlong
magkakatabing krus na animo’y pinagpakuan kay Hesukristo at iba pa. Limited
kasi ang space sa tuktok ng bundok, you know. Malalapit na shots lang ang pwede
otherwise, mahuhulog ako pabalik sa pinanggalingan ko.
Two...
And three...
Group shots...
Eto pang isa...
At syempre ang cute shot...
Ano bang natutunan ko sa paglalakbay kong
ito bukod sa definition ng spelunking? Meron ba? Hehe. Siguro, yung kailangan pagdaanan ang iba't ibang uri ng hirap para matamo ang mga hangarin sa buhay.
Isama mo pa ang mga simpleng katangahan na nakakaapekto sa ating kapalaran. Simple lang, hindi mahirap maunawaan. Ang kaso, iba't-iba ang pananaw natin sa hirap. May mga
hinaharap tayong pagsubok pero may pagkakataong pinipili nating isuko ang laban.
Nakakalimutan natin na lahat ng problema ay may solusyon. Kaya salamat ateng guide sa pagtulong
sa akin sa pag-akyat sa mahirap na daan at pagtupad ng hangarin kong
mag-spelunking. Cheersmayt!
Sa muli kong pagbaba mula sa rurok ng aking tagumpay sa paglalakbay
na ito, hindi ko dapat kalimutan na muli kong tatahakin ang parehong daan
habang ako ay nabubuhay at may hangaring gustong makamtan. Ang mga krus na ito na aking nakita
ang magsisilbi kong gabay na magpatuloy sa kabila ng hingal kabayo na aking naranasan.
At sa huli, lagi dapat tandaan ang mga
tunay na aral ng buhay upang maiwasan ang pagkaligaw ng landas.
No comments:
Post a Comment