Wednesday, April 17, 2013

It Takes a Man and a Woman: Movie Review

Nag-text sa akin ang isang bestfriend ko last week. Niyaya niya akong manood ng sine pampahupa daw ng stress. Three weeks akong tumira sa kabundukan ng quezon at naisip ko it’s about time to change my environment. Maraming nik-nik at pantal ang naipon ko sa bakasyon kong yon. Gusto kong magdemanda sa isang anti-lamok lotion. Hindi ito umubra sa bangis ng mga lamok na nag-mature kasabay ng mga NPA.

Nagkasundo kaming magkita sa isang pang-mayamang mall sa makati. Dahil dito, dumaan muna ako sa isa ring pang-mayamang salon para magpagupit, sa Salon de Pearl of the Orient. Isang salon sa kanto namin sa tabi ng talipapa. Ang palagay ko sa talipapang ito ay exclusive din dahil cream dori fish lang ang tinda nila, wala ng iba.

Dalawang beses pinaliguan ng imported shampoo at conditioner ang bagong gupit kong buhok kaya sobrang bango pati ng bumbunan ko. May distinctive yet attractive scent din ang wax na nilagay sa buhok ko kaya muntik akong mapabili. Konti lang ang dala kong pera, sakto lang pang-sine kaya naisip kong magpa-member na lang muna sa salon para maka-discount sa mga susunod kong service for haircut or massage. Oo, may massage na kasama ang gupit ko. Complementary daw for first time clients.

Paglabas ko ng salon, lumapit ako sa isang kiosk na umakit sa akin dahil sa maraming sale tags na naka-display. Isang sapatos ang umagaw ng aking atensiyon na muntik ng maging dahilan ng di ko pagsipot sa usapan. Nag flashback ang mga pinagdaanan namin ng bestfriend ko through thick and thin kaya nagdesisyon akong iwan ang sapatos. Binigyan nila ako ng libreng keychain. Pang good vibes daw. May pasalubong na ako kay bestfriend.

On my way sa foot bridge going to MRT station, may nadaanan akong book store. Sale din sila. Saglit akong nag-browse. Inikot ko ang buong store dahil maliit lang naman ito. Paglabas ko ay inabutan ako ng staff ng isang booklet kung saan naka-ipit ang kanilang business card. This is good, may mababasa ako sa MRT.

Sumakay ako ng MRT para hindi magulo ang pagkaka-blow dry ng buhok ko. Early afternoon noon kaya ligtas din ako sa dikdikan ng amoy sa loob ng tren. Nakahanap ako ng mauupuan kaya relax na relax ang feeling ko. Gusto ko talagang makita ng bestfriend ko ang fresh look na na-achieve ko sa pagpapa-salon. Gusto ko ng compliment. Gusto kong maramdaman ang sulit ng binayad ko sa pagupitan sa talipapa.

Nauna akong dumating sa mall over my bestfriend. On the way pa lang siya. Habang naghihintay, naghanap ako ng malilibangan. Natagpuan ko ang isang video store at nakita kong na-release na ang latest season ng favorite series ko. Nangangati akong bilhin ang bluray disc kahit hindi ito discounted. Muling kumatok si konsensiya. May prior commitment akong dapat puntahan. Nag-text ako ulit kay bestfriend at nagtanong ng location niya. I thought I have to worry now dahil 5 minutes na siyang late sa usapan namin. Na-cut ang pagte-text ko dahil may lumapit sa aking staff. Binigyan ako ng maliit na usb. Libre daw kasi pa-phase out na. 2GB, not bad.

Makalipas ang ilang minuto, nag-text sa akin ang bestfriend ko. Sunduin ko daw siya sa isang fastfood dahil napapagod na siyang maglakad. Kagagaling lang ng bestfriend ko sa ospital dahil sa atake ng hika. Masama sa kanya ang labis na pagkapagod kaya mabilis akong pumunta doon. Nang makarating ako sa fastfood ay wala pa siya. Tumabi ako sa entrance ng food chain kung saan ay maraming nakatambay na service crew namimigay ng mga discount stubs. Binigyan ako ng isang booklet ng isang crew dahil tapos na daw ang duty niya. May dalawa na akong hawak na booklet at that time. 

Sa di kalayuan ay nakita ko  ang bestfriend kong nakaupo sa tabi ng hagdan. Hinihingal at pawisan. Hindi na raw siya naka-abot sa foodchain dahil pagod na siyang maglakad. Nag-egg roll ako at nag-cart wheel papunta sa kanya. Nang makita niya ako, nagtanong siya. Ano daw ang nangyari sa buhok ko? Wala daw bang tubig sa amin? Huh? What is this? Some kind of a joke?

Hindi na ako umalma at agad kaming umakyat papunta sa sinehan. Konti lang ang taong nakakalat doon. I wonder why, araw ng sweldo noon. Anyway, lumapit kami sa bilihan ng tickets at namili ng panonoorin. Mabilis na nag-decide ang bestfriend ko na panoorin ang It Takes a Man and a Woman na bida sina John Lloyd at Sarah G. Hindi na ako kumontra dahil noon lang kami ulit nonood ng sine after a decade. Sobra kasi kaming close kaya pinagbigyan ko na siya. Wala naman sigurong masama manood nito since history making ang movie. Top grossing filipino film siya to date.

Reasonable ang price ng ticket, pinakamura siya kumpara sa mga english movies na kasabayan nito. Kaya nang humirit ang bestfriend ko ng libre dahil birthday month ko pa, wala na akong nagawa. Bumili ako ng dalawang tickets na may kasamang kit-kat chocolates. What are the odds, charity day ba today? Meron bang ganon? 

Nang nilibre ko ang bestfriend ko, I called it even sa dami ng complements na natanggap ko sa araw na ito. True enough, the key chain gave me good vibes.  Inabot ko yun sa bestfriend ko at niyaya ko siyang kumain.

Pumunta kami sa pinakamalapit at pinakamurang food chain. Mabilis kaming umorder dahil kailangan pang uminom ng gamot ng bestfriend ko. Nagte-take siya ng steroids for her asthma. Kaya kahit gutom na gutom na siya, there’s no way of telling dahil niregaluhan siya ng sangkatutak na bilbil ng steroids niya. 

Twenty minutes after, wala pa rin ang order naming pizza. Dahil sa wala na kaming time para kumain pa ay pinabalot na lang namin ang dalawang pizza. Nahihiya akong mag-follow up ng order dahil sa nakuha kong discount dito. I still have a booklet of it, pwede pa akong magpa-pizza party bukas.

Marami ang nanood ng It takes a Man and a Woman. Couple’s date at group date ng mga lola. Sa bandang likod kami nakaupo ni bestfriend. Wala kaming katabi kaya very comfy talaga ang panonood namin. Sa tingin ko ay nag-enjoy ang bestfriend ko sa movie. I felt glad at napasaya ko ang araw niya. Same goes with me, I had a wonderful day.

I have a female bestfriend. Maaraming advantages ang relasyong katulad nito. You know. Sa gustong mabasa ang review ko about the film, basahin nyo sa link na ito. Tagalog Love Story: A Movie Review. Hindi siya nalalayo sa mga tagalog movies na napanood ko na noon.

No comments:

Post a Comment