Friday, April 13, 2012

Saved


Maingay ang balita ng elimination ng Fil-Mexican na si Jessica Sanchez sa American Idol noong nakaraang araw. Ngayong season lang ako nanood nito dahil busy ako. Hindi naman nasayang ang oras ko sa panonood dahil malayo na ang nararating ng kababayan natin sa patimpalak na ito. May ilan na rin ang nakatuntong sa posisyon ngayon ni Jessica na mga kapwa half-breed Filipinos pero this time siya ay may malaking chance na marating ang hindi pa narating ng iba sa contest craze na ito. Mukhang impress sa kanya ang mga judges na parang ngayon lang nakarinig ng mataas na boses.

Kasabay ng giyera at kaguluhan sa gitnang silangan, ng pagbulusok ng malaking rocket galing North Korea, ng demonstration rally ek-ek ng mga estudyante at usiserong kabataan para isalba ang buhay ng mga eksenadorang pine trees sa Baguio City at ng pagsapit ng ikalawang friday the 13th this year ay pinagkaguluhan din but in a good way, ang elimination ni Jessica at tuluyan na nga siyang sinagip ng mga judges.

Panoorin ang eksenang ito at husgahan ang mga kaganapan..




Mula sa mga narinig kong usapan at haka-haka at dahil bihira na ring makita si Ai-Ai delas Alas sa wako-wako, ito umano ay isa lang pakulo o staged act sabi ng mga friends kong may mga syotang kano. Nangyari na kasi ito noon at ginagawa lang ng production team para mas pag-usapan at pasikatin pa ang naturang reality show. Hell I care, busy nga kasi ako. But since nakuha niya ang attention ko, effective siya impernes.

At dahil naagaw na nga ng tuluyan ang very precious attention ko ng mga reality shows na ito, napanood ko rin sa kabilang dako ng cable channel ang isa pang palabas na kinabibilangan din ng isa nating kababayan. Naging matagumpay din ang kampo ng mga tagahangang may tag line na 'proud to be pinoy' sapagkat isa ring pinay ang naisalba mula sa tag line ng pagiging 'thank you girl.' Siya ay si Cheesa (Laureta) ng another reality show na The Voice. Isang pure-blooded pinay na kapit-bahay ni Jasmine Trias sa Hawaii. Siya rin ay nakakuha ng mababang votes mula sa mga viewers at heto ang kanyang last performance upang mai-save ng mga judges mula sa elimination.


 


Nag-eenjoy ako sa palabas na ito dahil  sa crush ko si Christina Aguilera. Naa-arouse ako tuwing bumubuka ang bibig niya habang nagsasalita. Parang gusto kong talsikan ng puting gel ang mala-ginto nyang buhok at ikorteng palong ng manok. Kasama rin dito si Adam Levine na frontman ng bandang Maroon 5 na paborito kong banda. Magaling siyang judge kagaya ko, chos. Hindi kasing sikat ng American Idol ang The Voice kaya ipa-plug ko na siya dito para makatulong na din kay Cheesa. Vote na guys, after nito pwede na din kayo magbusy-busyhan gaya ko.

Keep voting guys. Let's make dreams come true!




Monday, April 9, 2012

Tagalog Love Story: A Movie Review

Marami na akong napanood na tagalog films. Nanood ako for some reasons like kung ang pelikula ay may magandang reviews. Panghatak ito para panoorin ang pelikula but, reviews only from credible sources, hindi ang galing lang sa mga echosorang movie critics. Kumbinsido akong manood ng isang tagalog movie lalo na kung may awards itong nakuha. Magandang halimbawa nito ang mga low budgeted indie movies na humahakot ng awards mula sa maraming film organizations abroad.

Hindi man pulido pagdating sa technical aspect ang mga indie films pero may sustansiya ito pagdating sa material. Panlaban natin ito sa mga blockbuster hollywood movies na ang budget ay mas malaki pa sa budget ng gobyerno sa DepEd. Iyon kasi para sa akin ang essence ng isang pelikula, if  I were inspired based on its actual intention. Aaminin ko, may kiliti ang tambalang Basha at Popoy. Kanya-kanyang trip yan, walang pakialamanan.

Madalas adaptation ng english movies ang mga tagalog love story. I should know. Kumbaga sa gamot, generic. Pero, alam ko rin na kaya nating gumawa ng original story since emotional by nature ang mga pinoy. Marami tayong hang-ups pagdating sa pag-ibig. Marami tayong pwedeng makuhang original story kung manonood lang tayo ng Face to Face.

Hindi sa nakikialam ako pero gagawa ako ng isang moview review. Sisimulan ko sa mga pamagat. Conyo ba ang writers ng mga pelikulang ito at kailangan english ang gamiting title? Mahirap bang gumawa ng pamagat na tagalog? Sa tingin ko, walang masama sa isang tagalog na pamagat. In the Name of Love - Sa Ngalan ng Pag-ibig. No Other Woman - Walang Ibang Dilag. My Kontrabida Girl - Ang Babae Kong Kontrabida. My Valentine Girls - Ang mga Babaeng Dadalhin ko sa Velentino Drive-Inn. My Cactus Heart - Ang Puso Kong Matinik. Unofficially Yours - Hindi Pa Bilang ang Boto Mo?! Huh?! Ewan. Unofficially my ass.

Gaya ng isang may active na common sense, madaling sakyan ang takbo ng istorya ng tagalog movie. Sa simula, ipakikita ang kwento ng buhay ng mga bida. Magtatagal ito ng 20 to 30 minutes which is about 30% ng binayad mo kung sa sinehan ka nanood. Then, magkukrus ang landas ng dalawang bidang karakter. Magiging sweet at mai-inlove sila sa isa’t isa. Mga 30 minutes din ito na para ka lang nanonood ng music video. Walang dialogue dahil dito kakantahin ang theme song ng movie.

Then, there comes the tragedy. I must say, nag-evolve na ang pinoy movie sa aspect na ito. Hindi na uso ang kidnapan at paglabas ng mga parak sa ending ng kakatwang bakbakan. Ang trend ngayon ay ang kumplikadong kaganapan sa buhay. Ang mga past na hindi kayang i-move on agad-agad. Iyong tipong nanghihiram ng asawa. Ang mga hiwaga ng pagbabagong-anyo ni girl sa gabi at ang tanging kinakain ay ang testicles ng mga lalaki.

Ang pinakapaborito kong part ng movie ay ang mga confrontation. Maraming patok na linya ang mapupulot dito na maaaring sumira ng konsensiya. Dito na rin makukuha ang moral ng story. Sa pagkakataong ito umaangat ang karakter ng mga icons sa movie industry at ung bakit sila parte ng pelikula. Sila ang magiging tool sa malaking realization ng bida through a silent conversation habang nananahi or naghuhugas ng painagkainan. Muling tataas ang level of self-confidence ng bida, mabuhay man sila ng walang testicles.

Hindi na rin uso ang ending ng pelikula na ginaganap sa pamosong theme park gaya ng manila zoo showcasing a song and dance number. Medyo subtle na rin ang approach dito. Tagalog movie talaga ang epitome ng kasabihang ‘all is well that ends well’ dahil ayaw ng mga fans lumabas ng sinehan ng nakasimangot.

Paumanhin sa isang movie review na walang kabuluhan. Sa tingin ko, kailangan ko pang seryosohin ang panonood ng mga local movies upang lubos itong maunawaan at mabigyan ng movie review na higit pa dito.

I recommend this film. Hindi siya love story but you gonna enjoy it.



Monday, April 2, 2012

HBD To Me


OMG! /Oh! may gwapo!/ Yan ang sinabi ng flatmate ko sa akin nang makita nya ako ulit pagkatapos ng mahabang panahon. Mga one week din yun. Malayo kasi ang trabaho nya at tuwing day-off lang siya nakakadalaw sa bahay para makasama ang girlfriend nya na flatmate ko. Tinawag nya akong gwapo dahil yun ang totoo, chos! Hinde, malapit na kasi ulit ang birthday ko at lahat yata ng nakakaalam ay in-extend ang april fool's day sa panlolokong gwapo ako. Sorry naman at hindi ako affected. Matagal ko nang tanggap ang kalokohang yan dahil ang totoo, photogenic lang talaga ako -hmp!

Sa loob ng ilang araw ay magb-bj (blow sabay jump) na ulit ako ng tatlumput dalawang piraso ng kandila na sumisimbolo ng aking edad. Pagkakasyahin kong ilagay lahat ng yun kahit sa spanish bread lang. Wala pa akong budget pambili ng cake. Masaya ang magdiwang ng kaarawaan subalit madalas sa aking katayuan ay may kaakibat itong pangamba o pressure. Bakit kamo? 32 years old na ako pero single pa rin ako. Hindi naman problema talaga kung wala kong girlfriend sa ngayon dahil madali naman yun para sa akin. Haler? Kung may kakambal man na matatawag si Dennis Trillo ay ako na yun. Joke. Ang totoong pressure dun ay wala pa rin akong matinong ipon hanggang ngayon kung sakali mang lumagay na ako sa tahimik. Kaya itong birthday ko na ito ngayon ay meron akong isang bonggang bonggang wish at sana ay matupad na iyon. Blow sabay thank you!

Wala akong balak maghanda sa nalalapit kong kaarawan dahil ako ay nagtitipid. Nag-iipon ako para maghanda next year. Gumawa na lang ako ng munting tribute para sa akin. Bukod sa natuklasan ko lately na ang pagbubunot ng buhok sa ilong ay hindi healthy dahil nakaka-adik, napadpad ako sa isang site wherein I could flatter again in greater intensity the artistic side of me. Gumawa ako ng graffiti. Byes!

I so love it. Lumabas talaga dito ang lalim ng imagination ko.