Sunday, January 16, 2022

The Catch

 

"Kaya tayo iniiwan ng mga taong mahal natin ay dahil may taong darating na mas mamahalin tayo."

Kung hindi ko lang naging favorite movie ang One More Chance nina JL at Bea, hindi tatatak sa akin ang quote na 'yan. Or baka din kasi dahil sa quote na 'yan kaya ko naging favorite 'yung movie. Palindrome? Charot. Ewan. Pero bakit kasi iniiwan pa kung mahal naman. Di ba? Not charot but then again, ewan.

Huwag sana magalit si mareng Miley Cyrus sa akin kung gagamitin kong theme song ng phase ng buhay ko ngayon ang The Climb. Ba't kasi may theme song pa? Hindi naman kasi dahil sa gusto ko ng jowang perfect. Yung proseso at struggles ko kasi ngayon ang sentro ng buhay ko dahil nga sa desperado kong jowa quest na ito. The Climb. It's not the destination kasi eh, it's the journey. Ganoin.

Kung ano-anong websites at apps na ang ginamit ko. Accomplice ko pa yung bestie google ko sa paghanap ng mga libog, I mean dating sites na ito. Well, di naman siya literal na libog sites kasi hindi naman ako nalilibugan sa mga nakikita ko dun in the first place. Ang taas kasi ng standard ko eh. Kasing taas na ng hairline ko. Kaya kung hindi pa talaga ako kikilos ng paspasan, pati hairline ko magkaka-theme song na rin. Bitter Days. Bibirit yung hairline ko sabay lilipat ng ibang ulo. 

Gumamit na ako ng Blued. Dati pa 'to. Dito ko nakilala si recent pandemic sa chat nakipag-break up ni-walang message nung xmas at new year for old time's sake ex-jowa kong mahal ko pa kaya hindi ko na ginamit ulit ung app. Ayokong makita niya ako ulit dun kung sakali. Ayokong malaman niya na naghahanap ako kasi hindi ko kaya na wala siya. Ayokong magmukhang malungkot at kawawa. Ayokong lumabas na desperado sa paningin niya. Ayokong makita ko siya dun kung sakali. Demmit ang bitter ko bwisit. 

Nag-install ako ng Hornet at Jack'd. Hindi ko bet. Daming filter ng mga search options. Very specific kaya medyo limited. Mas feel ko yung random, yung may konting mystery. Hindi yung tipong naka post yung totoo mong profile pic then maliligwak ka agad kasi physically hindi ka pasok sa criteria nila. Gusto ko 'yung mag-jive muna tayo sa chat, get along with a sensible conversation that we like and eventually will turn our faces into someone that we like. Bongga. Hindi na kailangan ng fairy godmother. 

Gumawa ako ng account sa FilipinoCupid. Hindi ko rin nagustuhan. Ang layo ng mga lugar ng mga ka-match ng profile ko. Parang need ko maging cupid or magkaroon ng pakpak para maka-face to face 'yung mga ise-sex ko, I mean ime-meet ko. Hindi pasok sa love language ko 'yung LDR. Not gonna work talaga.

May isang website na komportable akong gamitin. Ito yung kauna-unahang website na ginamit ko (maliban sa yahoo chat kung saan ko nakilala ang mga adonis na pumukaw sa aking kamalayan na sila rin ang nag-suggest sa akin ng website na ito.) Ang Planet Romeo. Naka-open siya sa browser ko as you are reading this. Ganun siya ka-convenient para sa akin. No feeling of any pressure. I can be discreet and decent and just wait for any random guy to ping me. Proximity-wise, feeling ko most efficient siya. Feeling ko para lang akong isang bulaklak sa isang hardin na naghihintay ng dadapong bubuyog at kaka****in yung mga petals kong ubod ng tamis. 

What's the catch? Sa PR ninyo po ako mahahanap. Letter A ang profile name ko. (lols lols lols). Dapat pala yata Desperado yung theme song ng buhay ko ngayon. (lols lols lols). Natatawa ako kasi this is supposed to be not me pero it's me na. Joke ko lang dati yung pagiging hopeless romantic ako pero ngayon parang hopeless na lang ako, um-exit na yung romantic. Baka pati yung kanta ni Rihanna na We Found Love in a Hopeless Place um-exit na din at pagbawalan akong gamitin.

"The fisherman tells if it's a good catch, not the fish."

I apologize if walang kwenta 'tong post na 'to. As if may nagbabasa pa nga mga blogs na ganito. I'm jobless and this is the only thing I can do right now. To unload, and to do what I love to do. I've missed so many things when I still have a job and I owe this to myself. I'm happier and feeling better now. Jowa na lang talaga. (lols lols lols).


Should I try, or should I not?



No comments:

Post a Comment