Harsh ng title. New year na new year. lols
Happy New Year! I hope everyone's okay now. If not, I hope at least most of us are better now. I know for some, it's not as hard to cope with the pandemic as compared to others but for sure everyone has their own struggles one way or another. Alam mo yan kaya just keep the faith and stay holding on. Gow lang ng gow!
Hindi naman ako ganun kasama para utusan ko kayong lahat. Si lord ba ako? Ang positive kaya nung title - hindi pwedeng maging malungkot. Hmm, well. Sige na nga. Note to self ko talaga ito. Uso to kapag new year. Kung hindi ka pa aware, note to self na po ang bagong tawag sa new year's resolution. May gad, where've you been? Ngl, 2022 na at marami na ulit ang nagbago at nadagdag sa earth. Since now you know, you're very welcome.
First thing I did this new year is to quit my job. Yes, nakakalokang desisyon. My 2 years and 9 months in the company ended just like that and I didn't even know exactly how it happened. Sobrang bilis. Gusto kong sisihin si Dr. Strange sa speed ng time lapse. I really liked my job that I even told myself that this will be my last company until I retire. I even got promoted to supervisor. Yes again, nakakalokang desisyon. Huwag kayong magalit sa akin. Mag-eexplain ako.
I was hospitalized for 6 days. Ganito ang nangyari. Nagday-off ako, nag-netflix, nag-chill, nag-food trip, nag-soft drinks, nag-fruit salad. Tapos, sumakit ang tyan, nag-tae, nilagnat at ayun na nga, na-emergency room. Na-dextrose, na-diagnose ng madaming sakit, na-isolate, nag-sick leave. Di ko kasama si Dr. Strange ng mga time na yun pero diko ramdam ang oras sa bilis ng mga nangyari from netflix to that 6 days in the hospital. Dapat talaga netflix title ng blog na 'to kaso galit ako sa bandwagon.
Malungkot nun kasi mahina ang signal sa room ko pero sumasaya naman kapag dumadating na 'yung mga nurse na naka-astronaut suit. I love them so much. Most especially si kuya nurse na moreno, malambot yung kamay, ma-kwento at magalang. Soft spoken pero masculine. May sense of humor pero hindi offensive. Perfect yarn? Kahit umabot ng 3 attempts yung pagtusok nya sa akin para sa IV, puro pagmamahal lang ang naramdaman ko. Kung may laptop ako nung time na yon, nai-publish ko na yung love story namin na naisulat ko sa isip ko. Kuya nurse is simply inspiring. I hope to meet him again to change the ending of our love story. Charing.
Bumalik ako sa work ko pero I'm not feeling ok. It gotten more weird kasi I started to hate my job. Sinuka ng sistema ko yung mga naipon na pagod, sacrifices at sobrang daming stress na nabuo sa utak ko. Hindi ko talaga napigilan nung biglang pinindot ng mga daliri ko yung power button ng cpu ko at dinala ako ng mga paa ko sa kwarto at humiga ang katawan ko kama ko. I don't know pero nakahinga ako ng maluwag. There was a sudden breath of fresh air galing sa electric fan ko. Sobrang kumalma ng mundo ko.
Gusto ko mag-sorry sa mga boss ko, sa mga agents ko at co-workers ko. Sana mapatawad at eventually maintindihan ninyo kung paano ko nagawa ito. Seryoso ako kasi alam ko sa paningin nyo malaking kasalanan ang nagawa ko. I won't blame you because I too can't blame myself for what I did. I just discovered the weak side of me. Di ko lang ine-expect na si netflix pa talaga ang magiging daan ng monumental discovery na ito in my life. Daming netflix sa blog ko ah, royalty is waving na oh.
I came out of my comfort zone because of peer pressure. It took a toll on me and it's fine. Mas nakilala ko pa ang sarili ko. For someone who claims to be open-minded, positive, diverse and cool at 41, hindi ito madaling panindigan. Magaling lang talaga ako magdala. Sabi ko nga, it took a toll on me and the recovery is nooot eeeeaassy. Ayaw ko sanang isama dito yung mental health issue ko pero it's really part of it. Like I said, I hate bandwagon. This is just me.
So, bakit nga ba bawal ang maging malungkot? It has always been my belief. Nakakapangit kapag malungkot. Nakaka-nega ng vibe kapag malungkot. Nakakahawa kapag may malungkot. Let me be more personal with this. Malungkot ako kasi wala na akong jowa. Malungkot ako kasi wala na akong work ulit. Malungkot ako kasi pandemic pa din. Ang dami kong lungkot at alam ko hindi ko deserve 'to. Kaya eto ang tanong ko. Ano ang sense bakit kailangan may lungkot?
Yun ay para hanapin mo ang saya.
Gets mo ba?