Wednesday, February 12, 2014

Tulog


Napanood niyo ba ang pelikulang Tuhog nina Eugene Domingo, Jake Cuenca, Enchong Dee at Papa Leo Martinez? Kung hindi, pagdamutan ninyo ang aking munting movie review.

Maganda ang istorya at kapupulutan ng aral.

On the other hand, napanood niyo ba ang pelikulang Tulog? Ito ay kwentong may pagkakahawig sa nangyari sa akin noon. Na parang totoong nangyari sa buhay ko. To give you an idea about this story, I’ll tell you what it is about.

May isang selebrasyon na naganap. Engrande ang production set-up ng naturang okasyon. First payday ng lead character na si Dimolo at kanyang mga officemates. Galing sa night shift, buong lakas silang nag-inuman sa isang restobar sa sidewalk ng Ortigas Center bandang lunch time. Gusto nilang alisin ang stress at pressure dulot ng kanilang trabaho.

Wala silang pakialam sa gastos, kailangan nilang mag-enjoy. Nagpaluto sila ng sizzling sisig on a sizzling plate and had a bowl of barbecue flavored french fries garnished with sweet spicy ketchup. It was a celebration no one would ever notice.

It was just the four of them (ang lakas nilang uminom pramis). Magkahalong redhorse at sanmig ang kanilang pinagsaluhan. 13 buckets na ang kanilang na-order. Hindi sila agad nagbayad. Nag-withdraw muna sila sa atm dahil mahaba ang pila earlier that day. And with the 13 buckets, nangyari ang hindi inaasahan. 13 buckets, take note.

Alas kwatro ng hapon. Maingay, mausok at matrapik na ang kapaligiran. Destructed na ang kanilang selebrasyon kaya’t nagdesisyon na silang umuwi. Mag-isang uuwi si Dimolo from Ortigas Center at malayo dito ang kanyang bahay. Two rides to sum it all. Nahihilo na siya sa dami ng kaniyang kinanta sa videoke. Hinamon siya ng mga taxi drivers ng 300pesos na pamasahe ngunit wala na siyang boses to negotiate with them. Wise si Dimolo. Nag-desisyon siyang mag-MRT.

Naglakad si Dimolo papunta sa nearest station. Naligo siya ng malamig na pawis at bumaba ng zero point one percent ang kanyang amats bunga ng paglalakad sa dapit-hapon.

Umakyat si Dimolo sa MRT station ngunit hinarang siya ni Lady Guard sa entrance. Meron kasing kakaibang amoy si Dimolo na hindi pangkaraniwan at dahil doon ay hindi daw siya allowed sumakay ng MRT.

Lady Guard: Dimolo, bawal kang sumakay dito. Isa kang nilalang na amoy chico. Hindi yan normal.

Dimolo: Hindi ate, dahil ito sa bubble gum na nginunguya ko. Chico flavor. Tingnan mo. (Ibinuka ni Dimolo ang kanyang bibig at nakita ni Lady Guard na ang kulay nito ay green!)

Lady Guard: Green man o violet ang kulay ng iyong bibig, amoy chico ka pa rin! Hindi ka maaaring sumakay mula dito sa aking nasasakupan!

Dimolo: Pero ate, imported kasi ang bubble gum na ito. (Muling ibinuka ni Dimolo ang kanyang bibig at muling sumabog ang aroma ng chico smelling bubble gum. Napangiwi si Lady Guard.)

Lady Guard: Sinungaling. Umalis ka na bago ko pa tawagin ang aking mga kawal!

Dimolo: You think I’m a layer ate?

Lady Guard: No, I think you are cute but then I have to let you go. Now, go!

Walang nagawa si Dimolo kundi ang lumayo. Naghanap siya ng ibang way of transportation. Sa kanyang paglayo ay may nakita siyang ibang entrance ng MRT sa di kalayuan. Tinawid niya ang half km long footbridge going to the other side. Nakabantay doon si Lalaking Guard Na May Malaking Tiyan. Nakaramdam agad ng connection si Dimolo sa kanya.

Alam ni Dimolo na maari siyang ma-reject sa second attempt niyang pumasok ng MRT. But, Dimolo is a fast learner. Valedictorian siya noong kindergarten at alam niya ang kailangang gawin this time. Dinagdagan niya kanyang bubble gum. Huminga ng malalim at sandaling sinuspend ang pagbuga ng amoy chico niyang hininga. Mabilis na binuksan ang kanyang bag for inspection ni Lalaking Guard Na May Malaking Tiyan.

Success! Nakalusot si Dimolo sa isang mahigpit na pagsusuri. Ngunit bago pa siya tuluyang nakalayo ay binulungan siya ni Lalaking Guard Na May Malaking Tiyan...

Lalaking Guard Na May Malaking Tiyan: Dimolo, huwag kang makulit sa loob ng tren. Act normal. Huwag kang matutulog dahil baka lumampas ka. At ang pinakamahalaga mong dapat tandaan, huwag kang susuka sa loob ng tren. May multa yong 500pesos. Ayaw kong mapahamak ka sa kalagayang mong iyan. Sige na, mag-iingat ka.

Lalaking Guard Na May Malaking Tiyan vanished leaving Dimolo with a blink of an eye. Inabangan ni Dimolo ang pagdating ng tren bitbit ang payo ng isang kaibigan. After 10mins, the train arrived. Siksikan. Pumasok siya. Tinakpan ng panyo ang kanyang bibig.

Sa loob ng tren, pilit nilabanan ni Dimolo ang pagsubok ng antok. Mabilis ang takbo ng tren kaya extra effort siya to stay awake para hindi ma-miss ang kanyang destinasyon. Matindi  na ang antok ni Dimolo kaya hindi niya napigilang makatulog ng nakatayo ng biglang...

Voice Over: Next station, Magallanes. Next station, Magallanes. Paki-check lang po ng tiket at mga gamit bago bumaba ng tren.

Dagliang gumising si Dimolo. Muntik siyang ma-out of balance sa paghinto ng tren. Mabilis siyang lumabas dito at kumilos ng normal. He told himself, “May kailangan pa akong sakyan na jeep and I have to keep in mind what Lalaking Guard Na May Malaking Tiyan told me or else I can get into trouble.”

Nag-cr muna si Dimolo and he made sure na maayos ang lahat sa kanya. Bumaba siya ng MRT station walking on a normal human speed at hinanap ang sakayan ng biyaheng Gate 3. Mabilis niya itong nakita at sumakay.

Hindi masyadong puno ang jeep, thank goodness. Meron itong maayos na air circulation at enough ventilation. Maganda ang playlist ni Manong Driver One. Carpenters. Narinig niya ang theme song nila ni ex. Pilit niyang nilabanan ang lungkot at pangungulila. Nagbayad si Dimolo ng 8pesos at nag-relax. Napaka relaxing talaga ng jeep. Sobra. With the friendly music and cotton soft seat, sobra. Graabbbeeehhhzzz zz.....

Biglang tumahimik ang paligid. Overly empowering ang tranquility at certainty na kanyang naramdaman. In Dimolo’s mind, “I have this strong positive feeling na makakauwi ako in a peaceful manner. Isang sakay na lang ito and my vision is clear. I willl have a safe journey.”

Nang biglang parang may malakas ng pwersang tumabig kay Dimolo. Malakas ang preno ng jeep at nagising siya because of inertia. Naalimpungatan. Kinusot niya ang kanyang mga mata for a better sight of his surrounding. Hindi niya alam kung nasaan siya. Bago ito sa kanyang paningin. Bumaba siya ng jeep without hesitation.

May bagong building na itinatayo tatlong kanto away from the paradahan ng jeep kung saan siya sumakay. Bagong pintura na ito. Bagong design ang mga windows. Na-realize niya ito after a few minutes pag-alis ng jeep na sinakyan niya. Dimolo can’t believe it. It seems like dalawang oras na siyang tulog at inakalang lampas na siya sa kanyang pupuntahan. Muling umalingawngaw ang boses ni Lalaking Guard Na May Malaking Tiyan.

(Lalaking Guard Na May Malaking Tiyan: .... Huwag kang matutulog dahil baka lumampas ka...)

(Dimolo: He’s right. I don’t wanna lose this battle. Sayang ang pamasahe ko kung paulit-ulit na ganito.)

Sumakay muli si Dimolo ng panibagong jeep. Alas-singko y media na ng hapon at maalinsangan ang paligid. Masama ito sa kanyang kalusugan. Siksikan na sa daan ang magkahalong jeep, truck, tangke, commuters rushing to their homes at puno ang mga pampasaherong sasakyan. Maswerte si Dimolo at nakasakay siya sa kahit na masikip na masikip nang jeep.

Patuloy pa rin siyang sinusubaybayan ng mga espiritu, ang espiritu ng redhorse at sanmig. Hindi pa rin sila nawawala. May amats pa rin si Dimolo pero he’s stronger now to fight it. He thought so.

Nagbayad ulit si Dimolo ng 8pesos. Kumapit sa hawakan ng jeep at isinabit sa mga braso ang mabigat niyang ulo. Magkahalong antok, pagod, pagduduwal at panghihinayang sa 8pesos ang kanyang nararamdaman.

Again, the sound of tranquility and certainty arrived. Dimolo felt even more secured at this time. He felt lying in the clouds with the cinch of coolness all over his body. Forever’s not enough for me to love you sooo...

Nagising si Dimolo sa lakas ng sounds sa jeep ni Manong Driver Two. Ang taas ng boses ni Sarah. Naalimpungatan ulit si Dimolo. Pakiramdam niya ay two days na siyang natutulog sa lalim ng kanyang pagkakahimbing.

Sinubukan niyang sumilip sa pagitan ng mga katawang nagsisiksikan sa loob ng jeep. Hindi madaling sumilip sa bintana ng jeep kung obese ang mga pasaherong nakaupo. Even the estribo is blocked by passengers. It was a very challenging situation pero hindi siya agad bumaba dahil ayaw niya ng another 8pesos cut from his budget.

Nagliwanag ang lahat. Bumukas ang mga street lights. Alas-sais na ng gabi at mas tumindi ang trapik. Tumakbo ang jeep na parang nagbi-brisk walking lang. After a few kambiyo of Manong Driver Two, he made an announcement.

Manong Driver Two: Dito na lang tayo. Grabe ho ang trapik.

Dimolo: Anak ng cutting trip, malayo pa ang Gate 3 Manong Driver Two!

Manong Driver Two: Lakarin ninyo na lang. Sige na bumaba ka na at marami pang pasahero sa kabila ang naghihintay. May tungkulin akong dapat gampanan sa mga commuters.

Walang nagawa si Dimolo kundi ang bumaba at maghanap ng alternative para sa kanyang pag-uwi. He’s considering the following options:
o   Maglakad
o   Mag-jogging suot ang leather shoes
o   Mag-kuliglig!

Ang Kuliglig. Para silang mga tinkerbells na paikot ikot, pasingit-singit at may malaking contribution sa noise pollution. Lumapit si Dimolo sa isang Kuliglig at nagtanong...

Dimolo: Kuliglig, if someone is very tired and is alomost giving up from all the challenges he’s going through and asks you, “How much is the fare going to Gate 3 from where we stand right now?” What would you say?

Kuliglig: Thank you very much for that wonderful question. I would say 40pesos.

Dimolo: !@#$%^&*(.)(.)*&^%$#@!

Kuliglig: Take it or leave it. I am just a humble servant of G3KTODA. We have rules to follow.

Dimolo: *blushing. I see. Anyway, kaya ko pa naman Kuliglig. Day-off ako tonight so ok lang if late na ako makauwi because I could just saleep the whole night through - unlike you. Thank you very much for your answer. You may go now.

Mabilis na umalis si Kuliglig. Imbiyerna sa nangyaring interruption sa kanyang trabaho. Mabilis na na-badtrip si Dimolo. Hindi siya nagtabi ng extrang pamasahe, darn it.

Since walang extrang pamasahe si Dimolo, may idea na kayo kung ano ang ending ng kwentong ito. Naglakad si Dimolo pauwi ng bahay. Tinawid niya ang tulay connecting two cities. Sinuyod ang masukal na palengke sa side-walk with the danger na mabundol at masaktan. Ang oras, 7:30pm at 24hours na siyang gising. Walang sinaing at ulam sa bahay. Paltos ang right ankle niya at namasahe ng 16pesos for nothing. Bumaba ng ninty percent ang kanyang amats. Nagutom at nawala ang antok ni Dimolo sa labis na pagka-asar. Kinuha ang laptop at sinulat ang labis na kamalasan.

The End.


Thursday, February 6, 2014

WINTER 2014: The Cracking of Age


Oops, take a deep breath of fresh air first. Lunukin muna ang kahit na anong kinakain bago pagsisihan ang mga susunod na makikita niyo. Ayaw kong maging sanhi ng maaga ninyong pagpanaw dahil ang post na ito ay tungkol sa paraan ng paghaba ng buhay, ok?, go!




Oh ha. Impernes, bagong gising ako nyan. Mumog-kape lang at diretso na sa starting line ng aming all star sunday morning walkathonchenes. Madilim pa noon kaya muntik pang ma-shoot sa open manhole ang isa naming ka-jogger. At anong sabi ng gray kong shorts sa lamig ng weather? Kebernacles. I have fifty shades of gray shorts, shirts and socks in my closeted life. Gusto ko kasi sulitin ang lamig ng panahon while it last parang year-end sale. Pasukin man ako ng lamig dahil sa nipis ng balat ko sa legs.

It’s such a refreshing feeling na may ganitong eksena sa pinas. Winter sonata lang ang peg pag broken hearted ka. Make sure lang na meron kang bonnet, scarf at bisikleta. And if you belong to a neighboring barangay of BGC, sulit ang experience na ito kahit wala kang bike or any ride. Jog jog ka lang like a bouncing boy toy. See, effort kung effort ang get-up ng mga ka-joggers ko. Ako, sakto lang. Nakalimutan ko lang talaga mag-suklay.

Three months ago ang last jogging ko sa global city. Seryosong jogging ang ginawa ko on those days. Pinangako ko sa sarili ko na iyon ang magiging hudyat ng healthy lifestyle ko. Sinumpa ko yan kay newly canonized Saint Pedro Calungsod nung mapanood ko ang trailer ng movie niya for MMFF. Hindi ko lang totally ma-justify ang pledge kong iyon dahil it was the month of October. Sobrang alanganin para magkaroon ako ng new year’s resolution.

Naglaho ang pangarap kong Drew Arellano personality and physique rolled into one nang magsimula akong ma-employed by the end of October. Akala ko camera na lang ang kulang at pwede na akong mag-produ ng biyaheng malicioso. Akala ko mas magiging fulfilling to both my professional and personal stature ang pagkakaroon ko ng bagong atm. Hindi pala. I missed a lot of important things and look what I got.

  •  Haggard aka haggardness, haggercious, hagardo versoza
Kulang na ako sa tulog kulang pa ako sa gising dahil habang gising ako na suppose to be ay gising ako ay actually tulog pala ako. Mahirap maintindihan pero nagaganap. It’s like a supernatural thing that turns you into a model eyebag.

  •  Weight loss
Tinimbang ako ngunit kulang but the one pack belly ab is still there. It’s such a malnourishedly experience.

  •  Boy slow pick-up
Ginawan ko lang ng pangalan dahil hindi ko alam kung ano ba ito pero nangyari sa akin for a while. Bumagal talaga ang pick-up ko kaya for me this is the best term I can call it. Basta it has something to do with y IQ. I believe this is due to...

  • Improper diet
Wala akong ganang kumain which I think is a subsequent effect of bullet number one. Pagoda much akey at kinakain na lang kung anong nakahain, karneng buhay man o patay na pechay. On top of that, mas may gana akong uminom ng isang pitsel na red iced tea at kumain ng half dozen na double filling mister donut while preparing for office. I don’t know what is right anymore. All I know ay parang may mali sa pwesto ng 7-11 sa kanto namin. Lastly,...

  • Confusion / Pressure / Dilemma
Whether I can still continue living my life.


Aside from these bullets, may iba pa. I am starting to think that the signs of ageing are coming in too fast. Ayaw magpa-awat. While jogging, I feel some cracking of joints in my legs tsk tsk. Nagpa-medical ako last week and even felt more worried. Mataas daw and sugar level sa ihi ko at ang blood pressure ko umabot ng 150/90. Actually umabot pa siya ng 180/90 once nung bago ako mag-donate ng dugo few months back. Sana hindi ako magkalat ng mataas na presyon ng dugo sa madla. Parang hindi ko matanggap ang negative influence na ito.

Tanda man ito ng pagka-gurang ko, hindi ko ito dapat itanggi. I have to admit that I have been naughty and uncautious in my younger years which lead me to this. I can’t blame me. Hindi pa sikat noon sina Alden at Xian, si Dino Malicioso lang. As rupok as I am, I have no better choice. I just enjoyed my life and that what mattered to me.

I might have done it wrongly but I know how to make things right. Nagmamagaling kasi ako minsan. I learned in my case, I need more peace of mind. Ang utak ko kasi ang nagdidikta kung ano ang healthy para sa akin at kung ano ang hindi then everything else follows. Kapag stressed or pressured ako, haggard ang katawan ko and every bullet that I mentioned follows. From now on, I will stick to this rule. No one knows my body better than anyone else anyway. Syempre exempted doon ang mga exes ko hehe.

Balik tayo sa picture. Bagong gising pero hindi haggard kahit tapos ko na ang 8km walkathonchenes namin with the sunday all star. It’s good that I went back to the place at nakausap ang mga ambassadors of healthy lifestyles. Sila rin yung mga taong naka neon tight shorts, most of the time ay yellow, kahit alas shete na ng umaga at nagzu-zumba sa stage sa tabi ng NBC Tent. Thanks sa good advice. Hindi ko pala kayang pagsabayin ang Drew ambition ko with the kind of job that I have.

Now, I have to choose what’s right for me. I can’t sacrifice my health. Maraming iiyak na chicks. But I can’t keep up without a job. I just need the right information on how to live a healthy life. The confusion was finally been cleared to me and so I quit my job.

Stay healthy guys. See you next winter.

This is the look of a jobless jogger.


Tuesday, February 4, 2014

Ang Nawawalang Sambong


Diiiiiinnn, ang bato! Lols.

Take 2:
Din, ang sambong! Ang eksaktong laman ng shout-out nya ng umagang iyon. Na-penetrate niya ng buong-buo ang panaginip ko. More so, stealing the moment of a precious hard-on happening under my comforter :)

Bago ko pa man nasimulan ang morning routine ko ng stretching at anti-gravity yoga sa rooftop, sinalubong ako ng ate ko para sabihin yun, ng medyo sabog ang buhok, na parang walang naimbentong conditioner sa earth. Hinahanap niya ang tanim naming sambong all around the metro. Ninakaw daw ang sambong niya. Ang sambong. Ninakaw.

And me like: Gold ang sambong? Pinag-interesan ng adik at sinanla? Pwede...

Recently, may nanakawan sa kapitbahay namin. Ang mga ninakaw: pera, mga gamit sa bahay at puri. Walang tinira ang mga akyat-bahay. Ninakaw pati nakasampay na panty. Mga walang puri.

Sa third floor kami nakatira. Logically, doon din namin dapat ipuwesto ang tanim naming mga sambong and the likes. Again logically, hindi naman nakalagay sa kulungan ang mga halaman tulad ng mga hayop kahit pa parehong "alaga" ang treatment natin sa kanila kaya may chance talaga na nanakaw nga ang mga iyon.

And me like: On a perfect scenario, isa sa mga kamag-anakan ng akyat-bahay ay nangangailangan ng lunas ng sambong. And one logical member of the akyat-bahay squad took my ate's sambong. Smart.

Pero mabait ang ate ko hindi tulad ko. She always give the benefit of the doubt. Baka daw nahulog lang sa nearby ilog slash estero ang close to her heart na sambong. We went to the riverbend but it is nowhere to be found :(

So what happened? My ate was confused. Maybe that's why medyo magulo din ang kanyang buhok. Matagal niyang inalagaan at pinagyabong ang mga sambong. Masakit tanggapin ang mga nangyayari. Nakaka-bother, lalo na kung nakikita mo yung ate mong naka-bath robe lang at naghahanap, sumisigaw ng sambooong!

Malaki na ang naging parte ng mga nilagang sambong leaves para sa ekonomiya, in terms of alternative medicine. Ilan lang sa accomplishment nito ay ang pagpapagaling ng sakit like nosebleed, ubo na may plema because of pilay, pantanggal-peklat at pampadugo ng di humihilom na sugat. Lahat kami ay umaasa sa sambong. Apparently, dependent din ang isang member ng akyat-bahay gang sa sambong as how I figured it all out.

I wanna end the mystery of this scene-stealing sambong. For a moment, nagtaka din ako kung paano nawala ang sambong. We wondered kung paano nawala ang sambong na nakatali ng straw sa poste ng apartment ng one hundred times na buhol. Napaisip ako at nagulumihanan. Tumamlay ang tikas ng alaga ko.

Me like: !@lambot#)!@#)et!t$(%*^&

Hindi natapos ang misteryo ng sambong sa limang minuto naming paghahanap. Pumasok ang ate ko sa trabaho ng may pighati sa puso. Binalak ko ng bumalik sa kama upang matulog kapiling ang comforter. #AlamNaThis

Pero bago pa man naganap ang malaking pagsabog sa ilalim ng comforter, may napansin na akong mali. Mali ang arrangement ng mga halaman sa side ng kapitbahay. Parang may naganap na plants vs. zombies in real life.

Pumasok ako sa bahay at nanood ng balita. From CNN to Reuters, to BBC, to Al Jazeera. Wala. Wala akong naintindihan hehe. Lumipat ako sa GMA News and voila! Biktima ng bagyo ang sambong :( :( :(

Mystery solved. Tinawagan ko ang ate ko para maliwanagan ang kanyang isipan. We concluded na dinala ng malakas na hangin ang sambong, nahulog sa ilog, inanod at hindi na nagawang masagip pa - dahil sa lamig ng gabi at himbing ng tulog namin. Lahat kami walang malay sa nangyaring world war z ng bagyong Yolanda at kingdom plantae.

On a more serious note, nakikiramay ako sa lahat ng biktima ng super bagyo. I did my share. Sana nakatulong ako sa inyong lahat in my own little way.

Ayon sa kasabihan, pagkatapos ng unos ay may araw na sisikat. Tiyak na malalampasan din ang pagsubok na ito. Kailangan lang ng unity at faith.

Sa pagkawala ng newsmaker na sambong ng ate ko, as my birthday gift to her, hinanap ko ang halamang ito. Narinig ko sa usapan ng mga herbal experts over the radio that this plant is good as an alternative medicine. Miracle plant daw ang halamang ito. So, from the mysterious lost of a sambong, I found a miracle. How about that?

Check it out. It’s called Ashitaba.



Ang cute ng shot ko :)

Hindi ito ang Ashitaba. Na-excite lang ako mag-introduce ng isang sumisikat na halamang gamot. Marami nang chismis about sa healing powers ng Ashitaba at ang di mapigilang pagtaas ng market value nito. Actually, ang halamang nasa picture ay tinatawag na Gynura Procumbens. Mas mura siya. Try this plant to see for yourself kung may angkin itong bisa ng healing. Just check out instructions on how to do it. Huwag basta pakuluan sa tubig at gamitin. I will also ask my ate kung pwede din itong pampadulas sa buhok. Malaking ginhawa sa kanya pag nagkataon.

It’s kinda late for this post. Pinalago ko pa kasi muna ang ashitaba ko para mas visible siya sa picture. I hope this plant could help solve any mystery or issues about your health like what I will try to do. Best of luck guys. Tc!

Acknowledgement: Big thanks to Estef, my new office mate for bringing me this plant from the province of Bulacan free of charge.