Sa loob ng isang elevator...
Lalaki One: Pre, marami ba kayo dyan sa flat nyo?
Lalaki Cute: Bakit, naghahanap ba kayo ng room? (at lumabas si lalaking cute sa elevator habang naiwan ang mga taong kumain ng nag-uumapaw niyang confidence.)
Ilang oras din ang lumipas bago ko napagtanto ang mali sa sagot ko. Kaya pala ganun na lang ang tingin sa akin ni kuya, hindi mukhang nabilib kundi parang gusto akong tsinelasin dahil hindi naman niya nakuha ang impormasyong kailangan niya. Shunga lang? Buti na lang naka-bota si kuya.
Bakit nga ba kasi ganun ang naging sagot ko? Hindi ko naman iyon sinasadya at lalong hindi ako bingi. Mataas kaya ang grades ko sa Logic. Example, A man has a bird. True. A bird has a man. False. Batman is a man. True. Robin is a bird. True? Ewan.
Hindi ko talaga iyon sinasadya dahil ganun talaga ang tamang sagot doon. Not logically speaking at least. Paano kung may balak pala siyang nakawan ang flat namin at kailangan niyang malaman kung marami ba siyang mananakaw doon o wala. Safe ako 'di ba? Pero kung tatanungin niya ako ulit ng mas sincere, saka ko lang maiisip ang tamang sagot sa tanong na iyon. Dahil karamihan sa ating mga pinoy kung sumagot sa isang tanong, kung hindi man isang tanong din, ay walang kwenta. Eto ang ilan sa mga remarkable examples: (Philippinology Vol.1)
Sa Opisina...
Q: Kumain ka na ba?
A: Busog pa ako.
Sa School...
Q: Anong oras ang time nyo?
A: Maaga pa.
Sa Bahay...
Q: Saan kayo galing?
A: Lumabas lang kami sandali.
Sa Date...
Q: Wer n u?
A: Lapit n meeeehhh..!!!
Sa Tambayan...
Q: Paano mo ginawa yan?
A: Simple lang.
Sa Prayer Meeting...
Q: Bakit wala ka kahapon?
A: Absent ako.
Sa LRT...
Q: Kilala mo ba siya?
A: Bakit?
Sa Sauna...
Q: Magkano ito?
A: Mura lang :-)
Pag may blow-out...
Q: Saan nyo gustong kumain?
A: Ikaw.
Sino ang gustong kumain ng tao? Manlilibre na, kakainin mo pa? Cannibalism ito? Marami pang makabuluhang sagot sa mga simpleng tanong na siyang patunay ng ating pagkakakilanlan. Hindi lang tayo sa question and answer nagmamagaling, heto ang halimbawa ng mga top of the class one-liners natin: (Philippinology Vol.2)
1. What are friends are for?
2. You can never can tell.
3. Its a blessing in the sky.
4. In the wink of an eye.
5. For all intense and purposes.
6. Get the most of both worlds.
7. Whatever you say so!
Wateber, hindi ako magaling mag-english kaya hindi ako relate. Nabasa ko lang yan sa pader. Gayunpaman, marami pa rin ang gumagamit niyan, intentional man o hindi, hindi na natin ito tinutuwid. Isa iyan sa mga tatak natin. Nakakatawa, oo. Nakakatuwa, hindi. Kasi may mali. At ang isang mali ay hindi kayang itama ng isa pang pagkakamali at iyon ay ang tama. Ang gulo teh!
Meron ding mga pangungusap na hindi natin maisalin sa isang salita. Sa lalim nating mga pinoy mag-isip at sa tikas nating gumamit ng salitang banyaga, heto ang ilan sa pinagyaman nating bokabularyo: (Philippinology Vol.3)
1. Next next week =
2. Tuck out (pertaining to a shirt) =
3. Main branch =
4. Long cut (opposite ng short cut?) =
5. Traffic =
Isa lang ang pakahulugan natin ng traffic at iyon ay ang dahilan ng pagkahuli natin sa oras ng usapan. Wala na tayong pakialam kung anong paliwanag dyan ni Mr. Webster. Kering-keri na natin ang meaning nito.
Sa dami ng impluwensiyang nakolekta natin mula sa mga inggiterang dayuhan na gustong angkinin ang pinas ay muntik ng mawala ang orihinal nating lahi. Maraming naglipana at kaya nating hulaan kung anong banyagang uri ang sumanib sa isang taong maputi, matangos ang ilog, kulot ang mga pilik-mata o kaya mas matangakad sa karamihan. Tanungin kaya natin sila about sa history ng ating wika, masasagot kaya nila? O baka naman kaya sila ang nagpa-uso nito? (Philippinology Vol.4)
1. Apir (ang pagsasanib pwersa ng dalawang palad)
2. Utol
3. Datung
4. Parak
5. Yosi
6. Chismis
7. Ref (lagayan ng pagkaing pwedeng mapanis)
8. Lobat
Sirit na. Inaatake ako ng memory gap. Marami pang salita ang hindi ko alam ang pinagkunan ngunit gaya ng kabute saan man tumubo, kakainin. Marami pa tayong tatak ng pagiging isang pinoy, hindi lang sa salita pati rin sa gawa. Mula sa paggamit natin ng carabao english, pagkahilig sa erap jokes hanggang sa pagsunod natin sa conyo-mandments ay patuloy pang yayabong ang tinatawag nating sariling atin. Bata man o matanda, may jowa o wala, pinoy ka at hindi mo iyon maikakaila. Happy 114th Year of Independence, Pinas! Aylabya!