Tuesday, June 4, 2013

Out


Hindi ako fan ng PGT, IKA at JDLC dahil ako ay isang die hard kapuso. Nasa labas lang ako at nagpapahangin kapag pinanonood na ito sa bahay ng ate ko. Nakikitira lang ako sa ngayon. Naghahanap pa ako ng malilipatan at nag-iipon para makabili ng sariling t.v. Dahil marami akong patay na oras, pumapatol ako sa mga debate with a kapamilya para patunayan ang kahigitan ng GMA sa ibang local networks. Cheap ako. Dati akong call boy.

Dati na akong pabor sa DongYan love team mula ng makita ko si Marian sa Super Twins. Tinupad nila ang pangarap ko. Blessing in disguise naman ang paglipat ni Karylle sa Showtime dahil naging mas masaya ang show. Aaminin ko, kabisado ko ang team song ng Showtime pero hindi talaga ito akma sa panlasa ko. Nakaka-LSS lalo na kung araw-araw naririnig. Kahit absent ang TVJ, hindi ko kayang ma-miss ang mga segment sa Eat Bulaga. Kulang ang araw ko kapag hindi ko sila napanood. I feel empty and hollow.

Wala akong sama ng loob sa ABS-CBN kahit marami na sa mga sikat na kapuso star ang lumipat sa puder nila. Ang mundo ng showbiz ay hindi naiiba sa mundo ng ibang industriya o negosyo. Pera lang ang katapat. Hindi ko rin sinasabing bias sila. Standard sa isang negosyo ang kasabihang ‘strictly business’. Bilib din ako sa mga kapamilya on their productive marketing. Hindi lang talaga ako pabor sa panlalait sa idol kong si Jessica Soho para magpatawa. Matuto tayong maging maingat para hindi maka-eskandalo ng kredibilidad ng iba. May kalakip na responsibilidad ang bawat aksyon at salitang ating binibitawan, regardless of our profession. Maging aral sana ito sa bawat isa. Maghanap ng balat-sibuyas detector sa Divisoria.

Katatapos lang ng PGT4. Narinig kong pinag-uusapan ito ng mga kamag-anak ko. May halong panghihinayang at pagkadismaya ang kanilang diskusyon. Sayang daw ang load ng ate ko at pagboto through text dahil ginamit niya ang credit card para dito. Ako, hindi ako nabigo sa aking kutob. Dapat na talagang palitan ang format ng PGT at bigyan ng bagong pangalan, Pilipinas Got Talented Singers. Paglabanin ang lahat ng mga Youtube sensations at ipadala sa show ni Ellen deGeneres ang mananalo.

Kung may nagbabasa man nito na isang kapamilya, hindi ito ang tamang lugar para magwala ka. Mag-guest tayo sa Face to Face para may neutral zone. Trending ang show ni Chang Amy kahit palipat-lipat ng timeslot. Opinyon ko ang mga ito. Offspring ako ng lahing well endowed opinionated species. Magandang platform din ang F2F para madugtungan ang 29 days of marriage ni Ai Ai at Jed. Libre ang counseling nila.

Sana ay walang magalit sa post na ito. Katulad ng ginawa ni Vice Ganda sa kanyang concert, uunahin ko ng mag-sorry. Kung meron man masaktan, magso-sorry ako ulit. Pero hindi sa t.v dahil wala akong sariling show. Dito na lang. Pag-usapan natin ng maayos.

Moving on, magso-sorry ako ulit. Nagkamali ako sa post ko tungkol sa bagong hairstye ni Charice. Makikita niyo sa video si Charice na bagong tasa. Nood nood din pag may time. Ngayon na tuluyan na niyang binago ang kanyang image, kailangan niya ng extra effort to maintain her/his image. Pwede silang mag-bonding ni Pareng Aiza para sa mga tips.

Saludo ako sa lakas ng loob mo Charice. Dre, ikaw na ang bagong ehemplo ng mga nais magpa-tattoo sa maseselang parte ng katawan. Ikaw na Kuya Boy. Ikaw na...!





No comments:

Post a Comment