Thursday, June 27, 2013

Moral Issues


Recent reports state that the Supreme Court had cleared the way for same-sex marriage in the State of California. The said state is now one of the few places in the world where gays and lesbians have equal rights as to what straight couples have especially in the matter of getting married, at least in the court of law. Congratulations.

On the other side of the world, may ruling din na nais ipatupad ang CBCP via MTRCB. It states that:


CBCP-ECY executive secretary Fr. Kunegundo Garganta said TV producers and writers must study themes presented in their shows and make sure they are based on moral standards.

He said guidelines regarding themes followed by TV networks are important, especially for television shows with controversial content. Garganta urged networks to consider how the shows impact young viewers’ consciousness.
(from
Rappler)


Ito ay patungkol sa GMA7 primetime soap na My Husband’s Lover. Wherein the series tells the story of Vincent, a closeted gay who chose to marry his girlfriend Lally after he got her pregnant in college. But Vincent’s heart only beats for his greatest love, Eric, who still loves him the same way in spite of being away for years.

Normal. I think there is nothing much unlikely in the story to talk about. May iba pang taong gusto si mister maliban sa kanyang asawa. Parang remake lang ng Temptation of Wife na originally ay isa namang koreanovela. Paulit-ulit na ipinalalabas. I wonder why the CBCP is making it subject to censure when MTRCB permitted the airing of the soap based on its existing guidelines.

It’s clear for me to say they they are trying to interpret a gender-sensitive issue. Kung babae ang kabit ng lalaki ay okay lang ipalabas sa t.v. basta may intro ng SPG? Whereas if closeted gays are involved, morally damaging to higher extent? I think, the sexual orientation of the characters should not be an issue. We've seen gay roles bunch of times before. And we've tackled adultery since ancient times. Wala akong nakikitang bago sa palabas na ito. So, I may just base my debate on the realm that humans have also equal chances in committing mistake, regardless of gender. Kaya ang lalaki, posible ring maging kabit.

Let’s give it a break. Grant the parents the power of discretion. Sila ang makapagsasabi kung gusto nilang makasama ang kanilang anak panoorin ang teleseryeng ito. Kung kailan pwede at kung kailan dapat takpan ang mga mata ng bata kung may maseselang eksena. They know their children more than any of us do. Magandang challenge ito para sa kanila.

Ayaw kong pag-usapan ang moral. Hindi ito madali. Walang subject nito sa school. Hindi nito sinasabi kung alin ang tama at kung ano ang mali. Ang isang katulad ko na maraming mali sa pagkatao, walang pinanghahawakan para paniwalaan. Ang alam ko, tumataas ang rating ng MHL dahil todo ang publicity nito.

Kung ang palabas lang na ito ang maglalaman sa balita, it’s not worth it. Let the people running the show keep their job and earn a decent living. May mas mahahalagang usapin ang kailangan tutukan ng CBCP. I should know. Nagsilbi ako sa simbahan ng maraming taon. A lot of issues concerning the church are greatly valid for moral debate. And needs immediate solution.

Sa panahon ngayon, mabilis na ang realization ng isang tao kung siya man ay bakla. Hindi na ito kayang i-pre-empt. Pinag-uusapan nila ang paksang ito, sa trabaho, sa pila kung saan, sa text, syempre sa social media, like usual. There’s plenty of means and bountiful source to watch this piece of story, without us knowing. I think, the people who can relate to this topic can make their own guidelines out of it. It’s giving them the privilege to decide on what is morally right to do whenever a similar circumstance arrive in their own. The show is actually giving them an experience. So they can avoid the hassle it could bear eventually.

I've said it. Basag ang puso ko kaya naisip ko itong topic. Deal with it.

Masarap magmahal.
Mahirap makisama.
Masakit ang lokohin.
Matagal mag-move on.


Watch the show. If you see something, say something.


Tuesday, June 25, 2013

Feeling The Moment


June ngayon. And so? May kaibigan akong ang lakas ng trip isabay ang kasal niya sa gastusin ng enrollment at regular visit ng mga tropical depression. Abala ang paghahanap ng regalo at costume para sa reception. Kailangan rain proof especially the shoes. Nagco-commute lang kasi ako. Makulimlim man ang kalangitan, hindi sila napigilang mangarap. Naniwala silang “June bride is a dream wedding come true”. Ang masasabi ko, “Some brides are married to Chuckie”. May mga bride na hindi inakalang kinasal pala sila sa puppet ng demonyo.

Sa aking pag-iisa, 25GB yata ng porn ang napanood ko. Don’t get me wrong, I’m practicing celibacy. Hinanap ko ang sex scandal ni Hayden Kho featuring Katrina and Maricar. Gusto kong alamin who’s husband is merrier now, Richard Poon or Kris Lawrence. In the kindest of my heart, I realized the possibility that the videos thaught them who fits who. I have high regards for Hayden Kho, being an instructor made him, not a doctor. Despite of the shocking history, Katrina and Maricar were two less lonely people in the world.

Ginanap ang kasal last week. My bestfriend’s brother’s wedding in CamSur. Ginawa nila akong photographer. Sayang ang costume ko. Nakausap ko ang groom sa bisperas party ng kasal. Nag-usisa ako. Tinanong ko siya kung sino ang nagtulak sa kanya sa kumunoy ng pagpapakasal. Simple lang ang sagot niya. Grade 1 na ang anak nila. Walang nagsabi sa akin na anak pala nila ang inutusan kong magsibak ng yelo para sa beer ko. Hindi lasing si kuya pero hindi na siya nagbigay ng iba pang dahilan. Pagkaubos ng isang kahong red horse, tumayo na siya sa inuman at natulog. Ayaw daw niyang ikasal ang fiancee niya sa mukhang nalunod sa kumunoy. Lumipat ako ng kampo, tinanong ko si ateng bride. With the same question, she answered me in a slightly sober way.

There’s no single formula to come up with a perfect relationship. Nagduda ako. Dun ko lang kasi narinig naginglish si ateng bride. Imposibleng may ESWD Syndrome (English Speaking When Drunk) si ate dahil hindi rin siya lasing. Nagpaliwanag siya. Nag-expound. Hindi ko pa rin naintindihan.

Sa ikagagaan ng aking kalooban, susubukan kong gumawa ng formula ng love potion for everlasting love. Sa totoo lang, kailangan ko itong malaman kung meron sakali mang ma-in love ako ulit agad agad. Dahil ako mismo ay may pinagdadaanan. Malungkot talaga ako ngayon. Sobra. At seryoso. Seven years akong single and when I finally found someone, di man lang nagtagal ang relationship ko ng seven months. Whattasheym. I feel expired already.

My other bestfriend, google, was there to help me. Nag-search ako ng top love quotes and it gave me everything I hoped for. Baka sakaling maintindihan ko ang tunay na kahulugan ng love at kung bakit masakit, masakit ang loob ko sa nam-break sa akin. Or one bitch will soon gonna die.

Google top quotes:
  • ·         “ Love is blind. ”
-     Matagal na. Kahit laser surgery hindi na siya makakakita. Overrated. Cliché.
 
  • ·         " The best and most beautiful things in this world cannot be seen or even heard, but must be felt with the heart. " Hellen Keller
 -       Haller, kung hindi kayang manlibre ng sine o siomai, walang pumapansin. Hindi kasi nakikita ang goodness ng heart at first sight. Kailangan may porma. Kailangan mapa-siklab. Kailangan loaded ka at well-budgeted. Love at first sight my ass.

  • ·         " We begin to love not by finding a perfect person, but by learning to see an imperfect person perfectly. "
 -       Like in fairy tales. Where the frog becomes prince by a kiss and quasimodo is full of admirers in spite of being kuba and all. I don’t live in the fairy world. Sa tabi kami ng riles nakatira.

  • ·         “ If you love somebody let them go, for if they return, they were always yours. And if they don’t, they never were. ”
 -    Hindi pa siya bumabalik. Irrelevant. Next.

  • ·         “ If you judge people, you have no time to love them. ”  Mother Theresa
 -       I’m really sorry Mother. Judgemental po akong tao. Not gonna work.

  • ·         “There is no remedy for love but to love more. ”  Henry David Thoreau
 -       Ang remedy ko, baso at beer na may yelo. Inum na lang natin yan dre. Kanta ka, To Love You More ni Sarah.

  • ·         " All you need is love. " John Lennon
 -       And you didn’t believe it yourself, Sir John. Your wife was never really all you needed. Hirap maconvince coming from you.

  • ·         “ Love is composed of a single soul inhabiting two bodies. “ Aristotle
 -    It’s always been science to you, man. Get real. Two bodies can’t have one soul. Duh.


  • ·         “ I love you, not only for what you are, but for what I am when I am with you. “ Roy Croft
 -       Ginamit ko 'tong pick-up line. Waley. Forward ko na lang daw ang quote sa bestfriend ko.

  • ·         “ The greatest thing you ever learn is just to love and be loved in return. ”  Nat King Cole
 -       Great song from a great singer. Kakantahin ko na lang ito sa next session ng inuman namin ng tropa. Hindi ko pa ‘to naramdaman kaya hindi ko alam kung totoo.


Speaking of great songs, heto ang bagong theme song ng puso kong bigo. Feeling the Moment by Feeder. Dito umiinog ang vocal cords ko sa panahong ito.



 
Wala sigurong formula. Love and hate. Kambal yan. Parang si Richard Gutierrez, hindi niya kayang itakwil ang kapatid niyang si Raymund kahit pa mas malusog ito sa kanya at mas fashionable. Kaya nga tinawag na break kasi masakit. Kung cake, masarap.

I am celebrating my singlehood again. Hew! Like I really want the world to end now.


More quotes:

The course of true love never did run smooth.
William Shakespeare

If love be rough with you, be rough with love. Prick love for pricking you and beat love down.
William Shakespeare

It is best to love wisely, no doubt; but to love foolishly is better than not to be able to love at all.
William Makepeace Thackeray

The hottest love has the coldest end.
Socrates

I must forget how good it tastes,
And how beautiful were the days.
Cos the bitterness is worse
than the happiness it caused.
The fact that I know,
it’s better that I let you go.
Dino Malicioso


Thursday, June 20, 2013

The Heat Is On!


Congratulations to Miami Heat for being the 2013 NBA champion. Winning back to back is one great history. The Filipino community felt salvaged. Kung bakit? Alam na. Google Erik Spoelstra.

Feeling fiesta ang sambayanan sa panahong ito. Maraming gustong mag-sponsor ng isang hero’s welcome para kay coach. Whether he comes back to the country six months after, kebs. Hindi kasi maganda ang weather ngayon sa Pinas. May mga suggestions na speedboat ang gamitin sa parada imbes na karosa. Nakaka-upgrade ng image.

As usual, kanya-kanyang post ang makikita sa mga social media. Sabi ng mga pa-min, nice game Spurs. We will miss you Matt Bonner. Sabi ng mga beki, My Husband’s Lover is a Heat. Sabi ng mga kapamilya, thank god, mapapanood na ulit si Maya ng maaga.

Sabi ko, what’s wrong with this woman? Are you in trouble with Rihanna?




Once again, congrats to Miami. We hope to see you again next season on the finals. Welabya!

Tuesday, June 4, 2013

Out


Hindi ako fan ng PGT, IKA at JDLC dahil ako ay isang die hard kapuso. Nasa labas lang ako at nagpapahangin kapag pinanonood na ito sa bahay ng ate ko. Nakikitira lang ako sa ngayon. Naghahanap pa ako ng malilipatan at nag-iipon para makabili ng sariling t.v. Dahil marami akong patay na oras, pumapatol ako sa mga debate with a kapamilya para patunayan ang kahigitan ng GMA sa ibang local networks. Cheap ako. Dati akong call boy.

Dati na akong pabor sa DongYan love team mula ng makita ko si Marian sa Super Twins. Tinupad nila ang pangarap ko. Blessing in disguise naman ang paglipat ni Karylle sa Showtime dahil naging mas masaya ang show. Aaminin ko, kabisado ko ang team song ng Showtime pero hindi talaga ito akma sa panlasa ko. Nakaka-LSS lalo na kung araw-araw naririnig. Kahit absent ang TVJ, hindi ko kayang ma-miss ang mga segment sa Eat Bulaga. Kulang ang araw ko kapag hindi ko sila napanood. I feel empty and hollow.

Wala akong sama ng loob sa ABS-CBN kahit marami na sa mga sikat na kapuso star ang lumipat sa puder nila. Ang mundo ng showbiz ay hindi naiiba sa mundo ng ibang industriya o negosyo. Pera lang ang katapat. Hindi ko rin sinasabing bias sila. Standard sa isang negosyo ang kasabihang ‘strictly business’. Bilib din ako sa mga kapamilya on their productive marketing. Hindi lang talaga ako pabor sa panlalait sa idol kong si Jessica Soho para magpatawa. Matuto tayong maging maingat para hindi maka-eskandalo ng kredibilidad ng iba. May kalakip na responsibilidad ang bawat aksyon at salitang ating binibitawan, regardless of our profession. Maging aral sana ito sa bawat isa. Maghanap ng balat-sibuyas detector sa Divisoria.

Katatapos lang ng PGT4. Narinig kong pinag-uusapan ito ng mga kamag-anak ko. May halong panghihinayang at pagkadismaya ang kanilang diskusyon. Sayang daw ang load ng ate ko at pagboto through text dahil ginamit niya ang credit card para dito. Ako, hindi ako nabigo sa aking kutob. Dapat na talagang palitan ang format ng PGT at bigyan ng bagong pangalan, Pilipinas Got Talented Singers. Paglabanin ang lahat ng mga Youtube sensations at ipadala sa show ni Ellen deGeneres ang mananalo.

Kung may nagbabasa man nito na isang kapamilya, hindi ito ang tamang lugar para magwala ka. Mag-guest tayo sa Face to Face para may neutral zone. Trending ang show ni Chang Amy kahit palipat-lipat ng timeslot. Opinyon ko ang mga ito. Offspring ako ng lahing well endowed opinionated species. Magandang platform din ang F2F para madugtungan ang 29 days of marriage ni Ai Ai at Jed. Libre ang counseling nila.

Sana ay walang magalit sa post na ito. Katulad ng ginawa ni Vice Ganda sa kanyang concert, uunahin ko ng mag-sorry. Kung meron man masaktan, magso-sorry ako ulit. Pero hindi sa t.v dahil wala akong sariling show. Dito na lang. Pag-usapan natin ng maayos.

Moving on, magso-sorry ako ulit. Nagkamali ako sa post ko tungkol sa bagong hairstye ni Charice. Makikita niyo sa video si Charice na bagong tasa. Nood nood din pag may time. Ngayon na tuluyan na niyang binago ang kanyang image, kailangan niya ng extra effort to maintain her/his image. Pwede silang mag-bonding ni Pareng Aiza para sa mga tips.

Saludo ako sa lakas ng loob mo Charice. Dre, ikaw na ang bagong ehemplo ng mga nais magpa-tattoo sa maseselang parte ng katawan. Ikaw na Kuya Boy. Ikaw na...!