Hinalukay ko ang lumang external hard drive ko. Naging hobby
ko na ang magkalkal mula ng mawalan ako ng trabaho. Naloka ako sa kalagayan ng
EHD ko. Ang mga files parang nasa roleta ng kapalaran. Kailangan ng matinding
swerte sa paghahanap ng file sa folder. May nakita pa akong resume na ginamit
ko way back 2005. O my G, ang picture ko hindi na throwback thursday, pang
museum na. Virtually, I could see some electronic agiw on it. I swear, it can
haunt me in my sleep.
Upon browsing, I ran into my old collections. Namely cvko,
ebookfiles, musicdownloads, movicoll and collexxx. Gosh, collexxx suddenly gave
me chills. It brought back lots of memories. Pagkatapos kong mag-organize at
mag-rename ng files, naisip kong manood ng movie from my collection. I chose to
watch Jumper. Ang pelikulang nag-launch sa career ni Kristen Stewart.
Naka-relate ako ng slight sa movie. Bukod sa malaki ang
resemblance namin ng bida, naghangad din akong makapag-teleport. Sarap kaya
mag-travel ng walang pamasahe. And I think I did it once. I remembered it
happened to me, I just don’t know exactly how. I was in one place and woke up
in a different location. Ganito kasi ‘yon.
Nalasing ako. Hindi ako nagtira ng pang-uwi. Galing ako sa
night shift. Nag-biyahe ng dalawa’t kalahating oras at nag-volunteer sa
preparation committee. Nag-decorate ng venue at nagprito ng 500 pcs. na
lumpiang shanghai. After hosting the party, videoke galore, bottomless alak at
sandamakmak na landian, naubusan ako ng malay.
Nakiusap akong makitulog sa bahay ng isang kaibigan dahil
wala akong ibang choice. Wala akong pang-check in sa hotel kung saan ginanap
ang christmas/slumber party. Sa totoo lang, ayaw ko talagang matulog sa hotel
kasama ang mga katrabaho ko. I try to avoid one night stand for personal reasons.
So, I decided not to stay and there how the teleportation act happened.
From a rousy evening of social gathering, nagising ako sa isang
hallway na may tuyong laway sa bibig. For a moment I thought I was a victim of
malicious compulsion. Whether I got robbed or something. Nalito ako sa mga
nangyari. Wala akong maalala. Hindi ko matandaan kung paano ako nakarating sa
hallway na iyon ng walang sapatos at medyas. Wala akong time para mag-isip. Kailangan
nang i-mop ni kuya ang sahig ng umagang iyon. Hindi ko na nagawang kunin ang
opinyon ng mga taong nakakita sa sarap ng tulog ko sa sahig. I jumped up the
stairs and escaped the hell out of it.
It took me a while to realize the incident. Nasira kasi ang bitbit
kong laptop at nawasak ang bago kong cellphone. Puno ng galos at sugat ang mga
tuhod at siko ko. It was a total disaster and I have no one to blame. Wala
akong powers to bring back time at piliin ang pakikipag-jerjer sa co-employee
kong may hots sa akin huwag lang umuwing baldado. I can’t write the details of
how I did it but I think you can figure it out. May kasabihan, mabuti pang
maging pilay basta may saklay, kaysa umuwi nang lasing ng walang umaakay. Maswerte
pa akong nakauwi ng buhay.
Don’t drink and pretend to be a superhero. It’ll be a messed
up experience.
No comments:
Post a Comment