Friday, March 2, 2012

Lovely Day


''Yung feeling na higit pa sa nabunutan ng tinik sa talampakan, nalunok na candy dahil muntik nang ma-stock sa lalamunan at humahabang bangs pangontra sa tumataas mong hairline on your youthful years.'' Isumpa mo sa nag-imbento ng instructions sa pag-activate ng powers ng bato ni darna dahil siguradong mapapasigaw ka ng ''It's a Lovely Day! And Everythhweng!!'' Kahit habang nasa ilalim ka pa ng swimming pool at natanggap mo ang isang magandang balita na kagaya ng sa akin ay siguradong malulunok mo ang amoy  **mod na tubig sa pool dahil sa sobrang saya. Keber mabondats ka. Basta ang alam mo, pag-ahon mo, isang mas maayos na buhay ang tatahakin mo.

May sudden twist of events kasi sa buhay ko kaninang umaga lang. Makalipas ang isang oras at heto ako ngayon nakaisip agad ng theme song for the day at syempre ang walang kamatayang music video para mabilis lang makalimutan ang walang saysay kong pagsusulat, ha ha!! Para sa akin, kailangan ko syang isulat dahil isa itong mahalagang yugto ng aking buhay but for now is still a secret. Party? May pabitin effect? Well, medyo sensitibo pa kasi ang mga kaganapan sa ngayon at ayaw ko lang maunsyami ang good news na ito. Kailangan ko ring mag-focus para tuluyan nang maisakatuparan ang mga magagandang pangitaing ito sa buhay ko. Sa ngayon, makikinig muna tayo sa isang music video mula sa isang  maswerteng personalidad na bibida sa istorya ng aking matingkad na buhay.

Roll that lovely smile...